Chapter 25: Fight For Love

124 5 0
                                    

Andi Collin's

Umalis ako para i meet si Mr.Gibson, isang private investigator na inupahan ko para alamin ang bagay na gumugulo sa isip ko.

Nagulat ako sa mga na diskubre nya about zach life. Zach told me na tulungan ko syang alamin who Inah Arrellano is but i already do it 3months ago. Nang ma- involved na naman sila sa isa't isa about sa isang video sa mall.

Sobrang na curious na talaga ko sa pagkatao nya kaya naisipan kong pa imbestigahan na sya. Pakiramdam ko kasi may kaugnayan nga sya kay zach.

Flashback.. 2 year's ago..

Kakatapos lang non ng interview namin sa new look ng bigla kaming salubungin ng isang babae.

Maganda sya yon agad ang napansin ko, hinarang agad sya ng mga guards namin pero sinabi ni zach na hayaan sya kaya tuluyan syang nakalapit.

"Do I know you?"- tanong ni zach.

Exactly namang nagdatingan yung iba pang mga tauhan ng dad ni zach also known as Men In Black. Inakay agad nila si zach pasakay ng van.

I thought isa lang sya sa mga normal fan na nag aabang kay zach pero may sinabi syang nagpanganga samin.

"Z-zach! I'm Inah! i'm y-your girlfriend. D-Don't you..

Bigla na lang syang nag collapse, maybe dahil sa sobrang lamig sobrang putla na din kasi ng labi nya. Bago sya matuwad may lalaking dumating at sinalo sya.

"Sir hinihintay na kayo ni Mr.La'vine"- harang ng mga men in black ng balakin nyang bumaba.

"Sandali lang! Look at her! She's not ok!".

"No sir. Mahigpit na bilin ni Mr.Lavine na iuwu kayo agad after ng schedule nyo".

"Umalis ka na zach, ako ng bahala sa kanya. It's better na magkalayo kayo kesa parati syang nasasaktan dahil sayo".

Dahil sa sinabi nung lalaki nakihila na din ako kay zach tsaka sinenyasan yung Men In Black na isara na yung van. I think it's better to leave.

"Bakit mo ko pinigilan?"- sita nya sakin habang nasa byahe.

"We don't know them, baka mamaya may kasunod na silang mga reporter's".

"But-

"It's better to leave zach, narinig mo naman yung sinabi nung lalaki. Tsaka kung kilala ka talaga nila i'm pretty sure na babalik ulit sila".

Namintana na lang sya at di na nagsalita. Nakahinga naman ako ng maluwag, ayokong nagde- debate kami ni zach. Mas gusto kong magkasundo lang kami.

"Sino kaya sila? Is that true, na girlfriend sya ni zach?".

End of flashback.

"Thank you for this complete impormation Mr.Gibson".

"My pleasure Ms.Collins, call me anytime kung may pagagawa pa kayo".

"Ok thanks".

Isa isa ko ulit pinasadahan yung mga files na binigay sakin ni Mr.Gibson. Pero kahit ilang ulit kong basahin yon isa lang ang nababasa ko.

Na si Zach na mahal ko. At Zach na mahal ni inah at iisa.

Maraming tanong na agad pumasok sa isip ko, bakit nagkalayo sila ni inah? Bakit biglang nag iba ang pagkatao nya? At sino. Sino ang pasimuno ng lahat ng ito?

Nailagay ko na lahat ng files sa bag ko ng may babaeng tumayo sa harapan ko, I know her. Pero sa mukha lang, sya yung kasama ni inah sa table.

"Can you drink coffee with me? Please?".

MY EVERYTHING [The Bodyguard Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon