Chapter 1

457 34 24
                                    

Chapter 1

I sighed habang nakaharap sa panibagong school ko. Pang apat na lipat, sa pang apat na taon ko sa highschool. Gusto ko din naman to eh. Ginusto ko din to. Pero nakakapagod at nakakalungkot din pala talaga.

"Ma'am Isabella, susunduin kita ng 3 ha?" si Kuya Isko, driver ko. Siya lang ata tumagal sakin bukod sa pamilya ko at mga katulong namin sa bahay.

"Sige kuya. Salamat po!"

Palagi akong lumilipat ng school dahil wala akong nagiging kaibigan. Im an outcast. Always the binubully. And i dont know why.. Ewan ko ba kung sa mga school na napasukan ko yung problema o sakin talaga.

I have friends nung gradeschool ako. Kaso nung lumipat kami ng manila, nawala na at hindi na napalitan o nadagdagan.

I sighed again.

Pumasok ako ng gate ng school, this school is really big. Mayayaman ang tao dito halata sa mga tao dito. Ang gaganda ng kutis at mga damit. Mas lalo akong kinabahan.. dahil baka wala nanaman akong maging kaibigan rito dahil sa pagiging simple ko.

Pumasok ako sa classroom na nakalagay sa schedule ko at umupo sa likuran. Halos magkakakilala na sila lahat dito. Well its not their first day naman. Kalagitnaan na din kasi ako ng school year nagtransfer eh. Buti na nga lang ay walang naging problema sa subjects.

Dumating ang teacher at naglecture lang saglit. After that, nagpalipas nalang ako ng oras while reading. Until 3pm ganon lang, lecture basa lecture basa. Ganon lang natapos yung first day ko. Ang saya naman talaga.

When i got home, kinamusta ako ni Maria. Siya ang kasing edad ko na anak ng kasambahay namin. Siya lang ang kaibigan ko. Sabi ko naman diba mga tao lang namin dito sa bahay ang nakakatagal sakin.

"Sure ako maraming gwapo sa eskwelahan mo Isabella!!" kilig na kilig na sambit ni Maria.

"Wala naman akong nakita Maria. Wala naman din ako masyadong nakilala."

"Hala.. wag mo sabihing uulit nanaman ang nangyare sa mga nakaraan mong school?"

"Hindi ko alam." sabi ko at napayuko.

"I'll take a rest first, Maria."

Binagsak ko ang katawan sa kama ko.

Ganto nalang ba talaga ang buhay ko?

Kinabukasan ay ganon ulit. Pumasok ako ng school at umaasang may panibagong mangyayare sa buhay ko.

Nasa canteen ako ngayon dahil break time. Everyone really knew each other. Jusko ako lang ata ang outcast.

Pagtayo ko nagulat ako dahil may natamaan ako.

"Hala i'm sorry!" agad na hingi ko ng tawad.

Napakatanga mo talaga Isabella. Paano ka magkakaroon ng kaibigan nyan!

Tinulungan ko siya tumayo at pinunasan ko ang natapon na juice sa damit niya. Nakaputi pa naman ito at kitang kita tuloy ang mantsya.

"Stop. You dont have to." pigil niya sakin.

"Sorry."

Umalis siya sa harapan ko at sumunod naman ang mga kaibigan neto.

"Omygod. Did she just?????"

"Ang kapal ng mukha niya"

"Napakagaslaw kasi netong babaeng to!! ugh!"

"Malamang nagpapapansin lang yan kay Gio!"

"Kakatransfer lang lumalandi na agad!"

Napapikit ako sa mga narinig ko at tumakbo palabas. Dumiretsyo ako sa soccerfield at doon sumigaw.

Wala na. Wala na talagang bago. Im in hell. Again. Nauulit lang lahat. Nakakaiyak yung buhay ko bakit ganito

Hindi na ako nakapasok sa mga sunod na klase ko. Nandito lang ako sa soccerfield buong magdamag. By 3pm, nagtext na sakin si Kuya Isko na nanjan na daw siya.

Habang papalabas ako ay nakita ko yung lalaking natapunan ng juice kanina sa canteen. Wala masyadong studyante siguro kasi maaga pa para umuwi. Hinabol ko siya.

"Uhm, sorry pala kanina."

Tumigil siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa at tsaka umalis.

Grabe naman yun. He could atleast say "ok lang" diba?

Paguwi ko'y ganon padin. Nagtanong ulit si Maria sa nangyare at kinwento ko naman sakanya ang nakakahiyang nangyare sakin ngayon araw.

"Grabe naman pala ang mga tao dyan sa bago mong school eh!! Masasama ang ugali" galit na sabi ni Maria.

"Well, what do u expect? Mayayaman at kilala sila. Matataas."

"Mayaman ka din naman ah. Di ka lang kilala pero atleast di ka katulad nila na masasama ang ugali."

"Ganon talaga ang buhay Maria."

"Pero pogi ba yung natapunan ng juice?"

Napaisip ako. Hmm.. Gwapo siya. Matangkad. Ang ganda ng katawan. Katamtaman ang kutis niya.

"Oo. Kaso nga lang masungit.."

"Ano ka ba Isabella!! Di ba ganon yung mga nababasa mo sa mga libro? Yung mga masusungit na lalaki pero sa dulo ay titiklop sayo. Yung dededmahin ka pero sa huli ay patay na patay na sayo." sabi ni Maria habang natatawa.

Binatukan ko siya at natawa rin. "Baliw ka! Ang layo sa katotohanan ng mga pinagsasabi mo diyan."

"Hmm.. hindi mo din masasabi.."

"Hay nako. Aakyat nako at magpapahinga. Baka di na ako magdinner."

"Wag mo pabayaan ang sarili mo señiorita, baka kami'y mapagalitan ng aming mga amo."

"Baliw ka talaga Maria. Hindi naman ako nagugutom." natatawa kong sabi kay Maria. Buti nalang ay nandyan siya.

Pag akyat ko ay nahiga ulit ako na parang pagod na pagod sa life.

"...Gio"

Gio ang pangalan niya.. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap sa facebook ang may pangalang Gio.

Giovanni Leviste

Siya nga ito.. Onti lang ang pictures, nakaprivate siguro siya.. Tinitigan ko yung profile pic niya. Di siya nakangiti.

Ang sungit sungit mo pero.. ang gwapo gwapo mo.

Owned By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon