Bok, naa-alala mo pa ba?

1K 27 7
                                    


Bok, naalala mo pa ba? Kung paanong ang bokasyon mo'y nagsimula?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bok, naalala mo pa ba? Kung paanong ang bokasyon mo'y nagsimula?

Bok, naaalala mo pa ba? Nung mga panahong nagpaalam ka sa iyong pamilya na balang araw, gusto mong maging isang seminarista?

Bok, naaalala mo pa ba? Nung mga panahong hindi ka nila pinayagan, kasi iniisip nila na baka sa loob, ikaw ay mahirapan?

Bok, naaalala mo pa ba?  Nung dumating yung araw na sa kanila'y iyong pinatunayan na iyong makakayanan dahil sabi mo sa tabi mo, Si Kristo'y laging andiyan.

Bok, naalala mo pa ba? Nung mga panahong sabik na sabik kang pumasok sa seminaryo? Yung tipong yung bokasyon mo ay parang apoy, sa sobrang init ay  nakakapaso?

Bok, naaalala mo pa ba? Nung mga panahong ang saya-saya mo nung nasa loob ka na? lalo nung nalaman mo kung gaano kasaya ang buhay sa seminaryo? Yung tipong kahit ang ulam ay kamatis at tuyo, masaya pa rin at salo-salo.

Bok, naaalala mo pa ba? Nung una mong sinuot ang clerical at sutana? sabi mo di mo na iyon tatangalin kahit na bumaho ka pa?

Bok, naaalala mo pa ba? Ang bawat sakripisyo na ginawa mo nung pumasok ka sa seminaryo? Yung oras mo sa pamilya mo,  mga kaibigan at mga bagay na nakagisnan mo? 'Di ba sabi mo, kakayanin mo, dahil para din naman sa kanila ang regalong bokasyon ng Diyos sa'yo?

Bok, naalaala mo pa ba? Yung mga karanasan mo sa loob na sobrang saya na kahit sino'y 'di ito maipipinta?

Bok, naaalala mo pa ba? Kung naaalala mo pa, bakit ngayon ika'y lalabas na?

Sayang at pinili mong sumuko kahit kaunti na lang ay maabot mo na ang dulo.

Nakakalungkot na yung dating umaapoy na bokasyon mo, ngayo'y bigla nalang lumamig at nagyelo.

Gayunpaman, wala na akong magagawa kundi ang ipagdasal ka. Ang desisyon mo'y hindi ko na  mababago pa.

Kaya naman ngayon sa pag-alis mo, nawa'y maidala mo ang ala-ala ng seminaryo. Ala-ala kung saan nagsimula hindi lamang ang bokasyon mo kundi ang pagkakaibigan na sa ating lahat ay nabuo.

Bok, naa-alala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon