JC.
Kanina pa ako paikot ikot dito sa opisina ko. Hearts day banaman ngayon. Andito si Aes tas ndi ko maaya. Bat nga ba hindi?
Kasi baka lagyan niya ng malisya. Tapos... Baka umasa nanaman siya. Baka magassume ng mga bagay bagay. O kaya maisip niyang pinaglalaruan ko nanaman siya?
Hay nako. Ilang linggo naman na kaming magkasama. Ilang linggo na siyang nagmo monologue sa kwarto niya. Syempre naririnig ko ako pa ba. Joke. Hindi ko naririnig, i mean ndi naiintindihan kung anong sinasabi niya. Basta kausap niya si meng.
Pero diba matagal naman na yon? Past na. Nakamove on na siya diba? Hindi sa ayaw ko sakanya. Pero sa ngayon i'm contented with our status. Bestfriends ulit. Nothing more, nothing less.
Edi ayain ko nalang kaya siya? Bahala na... Palabas na sana ako ng office ng marinig kong may pumasok sa kwarto ko at malamang sya yun.
-------
Aes.
Paikot ikot ako dito sa kwarto. Naghihintay ng babati sakin. Joke. Iniisip ko kasi kung sino aayain ko or meron bang mangaaya sakin?
Malamang ndi yun siya. Bukod kasi sa shytype yon e mahiyain pa. Joke ewan ko. I just don't feel him na interested. Feeling ko nga di niya isecelebrate ang hearts day or pupuntahan niya parents niya? Ewan ko. Or baka busy siya kasi ndi pa siya lumalabas ng opisina? Oh wala talaga siyang balak ayain ako. Hayss dahil kumapal naman na mukha ko. Ako nalang magaaya!
--------
JC.
So ito na nga, siya nga yon. Ewan ko kung bat siya andito. Pero nararamdaman kong may hinihintay din siya.
"May lakad ka ba ngayon? Samahan mo ko!" Sabi niya. Sabi na eh. Naunahan nanaman ako.
"Wag ka mahalala panget! Bestfriends date lang ganern!" Sabi niya. Simula nung nagmeet kami ang straight forward niya na. Ung tipong nagtatanong palang ako sa isip tas sinasagot niya na.
Nagbago siya actually. Sa maturity at emotion niya. Kaya niya na icontrol. Nalakatuwa lang.
"Sure basta treat mo!" Sabi ko.
" nays naman. Lalaki dapat gumastos!"
"Sa magjowa lang yun" sabi ko.
"Hindi! Sa buong buhay na magkasama tayo ako na gumastos ikaw naman" sabi niya.
"Ikaw nagaya eh" i said. Ang hindi lang nagbago sakanya is yung cuteness niya pag napipikon hahaha. Irap queen kasi to.
"Maygash i'm so done!" Sabi niya.
"Magbihis ka na. Oo n po nagbibiro lang eh hahaha" i said at pinisil ung ilong niya. Lumabas na siya kaya nagdecide na akong maligo.
After nun namili na ko ng susuotin. Dahil hearts day ngayon... Hindi ako magrered. Mamaya isipin ng tao magjowa kami. Alam niyo namang kilala ako dito. Nag longsleeves polo ako na mint green at slacks para naman sosyal. Nakakahiya sa kadate ko eh. Milyonaryo na kaya yun. Joke pero malapit na. Mabenta kasi ang books niya all over asia. Meron siyang fictions tas merong educational. All in siya. Gumagawa din siya ng newspaper tas mga Books about christianity.
Hindi naman sa stalker ako pero nasearch ko lang siya sa google one time tas dun ko lang nalaman na ganun na agad kalaki ung kita niya sa isang libro palang na napublish. Tas makikita niyo siya pachill chill lang sa buhay. Lupet diba.
"Carlo!!!" Narinig kong pagtawag ni aes sakin. Parang nagbago ata tawag niya sakin ah? Hmp mas okay naman yang carlo kesa sa jc. Common na masyado. Buti pa pangalan niya eh, Ivory Aeschylus. Ung basa ng Aeschylus (eysaylus) baka ndi niya pa nashare sainyo share ko lang. So dahil tapos na ko di na ko masyado nagpapogi kasi pogi na ko talaga, pumunta na ko sa kwarto niya.