Happy Lang

19 1 0
                                    

Gaano nga ba kasaya mabuhay?

Base on my observation maraming tao nag rereklamo tungkol sa buhay nila. Kabilang na nga diyan ang mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi ang mag drama.

Career, love life at kumikita ng tama pero at the end of the day maraming parin silang hinaing sa buhay nila. Yung iba sinasabi na nakakapagod kapag araw araw same lang ang routines na gingawa mo. Walang extraordinary walang thrill kumbaga.

Pero in reality gaano nga ba talaga kasaya ang mabuhay? Maraming tao ang kuntento sa simpleng bagay na natatanggap nila. Masaya sila sa mga bagay na kadalasan inaayawan ng karamihan.

Sa mga maliit na bagay dapat thankful parin hindi naman kailangan na satisfied yung contentment natin appreciation lang ang kailangan natin. Yung iba nga walang kahit na ano pero masaya parin.

Hindi naman ipagkakait ng mundo sayo ang kasiyahan na gusto mo. Pero syempre kailangan mo makipag tulungan sa mundo. Sabi nga diba make the world a better place hahaha charot! 😂

Pero totoo naman kasi. Hindi naman kasi porket wala ka ng bagay na gusto mo o hindi binigay yung taong gusto mo sayo eh wala ng kwentang ang buhay mo. You don't need to force everything.

Kung talagang para sayo ibibigay sayo and just wait. Ika nga nila pag trabahuan mo para mas sure!

Importante ang maging masaya. Pangit naman kasi kung palagi nalang malungkot ka pero may times talaga na dadalawin ka ng lungkot, stressed at depression pero dahil nga importante yung saya ipaglalaban mo yun para lang maging okay ka diba?

Masayang mabuhay pag kontento ka. Di man fair pero pag alam mo okay na sayo kung anong meron ka di kana mag hahangad pa ng iba.

Just sayings walang magawa eh. Life is short be happy guys 😘

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Happy langWhere stories live. Discover now