Ang Misteryong Bumabalot sa Kulangot ng Aking Pinsan

100 1 0
                                    

Title: Ang Misteryong Bumabalot sa Kulangot ng Aking Pinsan

March 15, 1999 ng sila ay dumating.  Labing isang taon na ako ngayon at ngayon ko lang sila makikita. Ewan ko ba kung anong espesyal ang meron sa kanila at parang ang lahat ay natataranta. Inisip ko tuloy siguro parang si Demi Moore ang darating kaya sila natataranta. Grabe ang linis ng bahay. Bagong pintura ang lahat kulang na lang pati yung ibang aplayanses ay pinturahan. Lahat ng butas sa bubong namin inayos na. Dati pag-umulan ng matindi umuulan din sa loob ng bahay namin lalong-lalo na sa puwesto naming meron pang talon na kasama. Para lang siyang “Hinulugang Taktak”, sa amin nga lang ay mas maayos kung tatawaging “Hinulugang Imburnal”. Ito marahil ang pinaka mabigat sa lahat. Bumili sila ng ER-KON! Kaso gamit na ata, kulay brown tapos sobrang ingay pag binubuksan. Pero sabi ng tiyuhin kong adik bago daw yun. Siya kasi ang bumili. Ang laki kaya ng binigay sa kanyang pera. Mga sampung-libo ata yun. Hindi ako naniniwala sa kanya kasi nung pumunta ako sa bahay nung kaklase kong mayaman kulay puti yung er-kon nila tapos hindi pa masyadong maingay.Makalipas lang ang ilang saglit narinig ko na ang sasakyan. Naku andiyan na ang mga artista! magpapa-otograp pa ba ako? Parang “RED CARPET PREMIER” me tagabukas pa ng ven! Ban ang tawag ko dun dati kaso sabi ni lola mali daw yun dapat VEN!

Yun na nga dumating sila. Kaso nadismaya ako kasi hindi naman pala ala Demi Moore. Hindi naman pala sila artista. Balikbayan lang pala. Bakit ganun? Ang bait nilang lahat sa kanila. Nakangiti, natataranta sa pag-aasikaso, tapos ang daming pagkain. Hindi naman sila siguro ganung katakaw. Ang papayat kaya nila. Makakain kaya nila lahat yun? 

Pagkatapos nilang pumasok sa bahay isa-isa nang nilabas ng mga tiyuhin ko yung mga malalaking kahon. YEHEY! Puro tsokoleyt ang laman nun! Sana yung pinaka-malaking tsokolate sakin. Pag lapit ko, siya namang harang ng pinsan kong kontra-bida na si Leanor.

“Oi Bebang! Bawal ang mga anak-araw na PG dito!”

“Bebang mo mukha mo! Hindi Bebang ang pangalan ko at hindi ako anak-araw mas bagay kaya sayo yung pangalang BEBANG. Inggit ka lang kasi negra ka. Mukha ka pang ulikba.” Tapos nun tumakbo na ako siyempre. Ang laki kaya nun.

Labing-anim na taong gulang na si Leanor. Hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng dugo sakin nun. Wala naman akong ginagawang masama. Kasalanan ko bang naging maputi ako. Dati nga nilagyan ko pang uling ang sarili ko para masabi lang na kamag-anak nila ako. Imbis na tanggapin nila, pinagtawanan pa ako. Mukha daw akong batang yagit. 

Nakakainis talaga siya. Hindi ko tuloy nakita yung mga tsokoleyt. Sigurado akong itatago na naman yun ng lola ko. Hindi naman kasi naming puwedeng itago sa amin kasi matutunaw lahat ng tsokolate. Ang may pridyider lang ay sila lola at ang pangit dun ay may lock yung pridyider. Kaya pag nakilagay kami dun para sa lahat na yun pero yung sa kanila hindi puwedeng galawin.

Sa di naman kalayuan maririnig ang tita Doring kong pilit binabaluktot ang Tagalog niya. Kahit dalawang Linggo lang siya sa California nakalimutan niya na daw ang Tagalog. Puro Ingles lang daw kasi ang salita niya dun.

“Kumustah nuh kuhyow? Natutuwah uhkow muhkakeetuh kuhyow?” yun ang sabi niya

“Ano naman ang masasabi mo sa California?” tanong ng kapit-bahay namin sa kaniya

“Muhguhndah. I really loved the scenery and the beaches there. Yuhng tah-ohw muhsuhyah. Nuh-heer-uhpuhn nuh uhkuh muhg Tuhguhlowg.”

Ewan ko kung paano siya naintindihan nung kausap niya. Ang SUHG-WAH pakinggan! Lumapit pa akong konti sa may pintuan. Naku sinasabi na ni tita Patring yung mga bibigyan niyang espesyal na regalo.

“Para kay Mauricio. Mga brief na Ralph Lauren.” siya namang abot niya kay tito Mauricio “Para kay Armee ito ang doll house.” inabot niya naman ito kay Armee 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Misteryong Bumabalot sa Kulangot ng Aking PinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon