Ang Buhay Seminaryo
I. Si Mateo
Sa buhay ng isang tao, marami tayong karanasan na hindi malilimutan, masakit man o masaya. Gaya nitong kwento na ating mababasa tungkol sa isang tao na nakaranas ng saya sa gitna ng kalungkutan na nagbunga ng pighati at aral sa kanyang buhay.
Isang simpleng tao na nagngangalang Mateo. Umpisahan natin ang kanyang kwento noong sya'y nagbibinata.
Noong sya ay pumasok ng high school sa isang pampublikong paaralan, alam na nya na sya ay kakaiba sa lahat ng mga lalake sa paligid, pati ang magulang niya ay alam din ang pagkatao ng kanilang anak. Pero kahit meron ganoong pagkatao ang kanilang anak, ay inalagaan at pinalaki sila ng tama. Matagal na naga-abroad ang ama ni Mateo para meron silang pang gastos araw-araw. Mula nang nagkamulat si Mateo ay hindi nya nakasama ang kanyang ama. Meron taon na nagkasakit si Mateo at biglang isinugod sa ospital, at nalaman ng doctor na meron syang RHD o yung paglaki ng kanyang puso. Mula nuon ay nalaman nila na may sakit si Mateo. Nagpahinga sya sa pag-aaral at hindi sya pinagtrabaho; bawal sa kanya ang mapagod na syang bilin ng Doktor.
Nung nagbibinata na sya, namalagi na ang kanyang ama dito sa Pilipinas. Naiilang silang apat na magkakapatid sa kanilang ama, sa tagal ng taon na hindi nila ito nakasama sa bahay, kaya malayo ang pakiramdam nila sa kanya. Istrikto ang kanilang ama -- bawal maglaro sa labas kapag gabi na, maski lalake ka man o babae, kahit yung binatang kapatid ni Mateo ay ganun din.
Naging aktibo si Mateo sa mga samahan sa simbahan lalo na sa mga gawain ng mga kabataan. Dun nya naranasan kung paano maging masaya sa piling ng mga kaibigan na nasa simbahan din, kahit pinagbabawalan sya ng kanyang magulang, tumatakas sya para lang makapunta sa gawaing simbahan.
Sa simbahan sya nahasa sa kumanta, kahit na hindi nya alam kung tama o hindi, basta kumakanta lang sya kung may kasal, sa choir at iba pa. Minsan may natanong sa kanya if gusto nya mag aral sa seminaryo, sagot nya, "Eh, bagay ba ako dun? Ano ba meron dun?" Mag-aaral ka dun para maging manggagawa ka rin ng simbahan, kasi nakikita ko meron kang potential," sabi ng kasama nya.
Dumating ang araw na naramdaman nya na gusto na rin nyang pumasok sa seminaryo, at nagpaalam sya sa kanyang mga magulang. "Nay, Tay, gusto ko sanang mag-aral po ulit," sambit ni mateo sa kanyang magulang. Pero nong narinig nila na sa seminaryo sya mag-aaral, hindi sila pumayag. Pinagpilitan ni Mateo ang kagustuhan nyang mag-aral..
Naayos na lahat ng mga papel para sa pagpunta nya sa seminaryo. Naaprobahan na ng Obispo ang kanyang pag-aaral, at nang nalaman ng magulang nya, wala silang magawa kung hindi sumang-ayon.
Hindi alam ni Mateo kong ano ang mga posibleng mangyari sa loob ng seminaryo na kanyang pupuntahan; lingid sa kanyang kaalaman na dun nya mararanasan ang hirap ng buhay estudyante. Ang mawalan ng panggastos; ang pakikasama sa taong hindi kilala; kung papaano nya lalabanan ang kanyang hiya at marami pang pagbabago sa kanyang katauhan.
II. Ang Seminaryo
Pagpasok ng van na sinakyan ni Mateo papunta sa seminaryo, nakita nya ang napakaraming puno na parang malugod na bumabati sa kanyang pagdating. Masaya at inaantabayanan nya ang pagpasok sa loob ng dormitoryo. Tinignan nya ang kanyang pangalan sa lobby kung saan ang nakaatas na silid para sa kanya. Silid 45 sya tutuloy, kasama nya ang isa sa mga kababayan nya.
Sa unang taon ni Mateo ay maayos ang lahat ng mga pangyayari. Nagkaroon na sya ng maraming kaibigan at nabawasan na rin ang kanyang pagiging tahimik at mahiyain, pero nandun pa rin ang pagiging mapag-isa nya. Lagi syang naglalakad sa Oval pag dating ng ala-sais ng hapon. Doon ay maraming naglalakad din na kasamahan nyang seminarista. May mga babae din na gustong sumabay sa kanyang paglalakad na upang makipagkilala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Seminaryo *
RomanceSi Mateo- Dito malalaman kong sino si Mateo Ang Seminaryo Ang Karanasan Si Jessie Ang Birthday ni Jessie Ang Kuarto Si Jessie at Mateo