Garlic’s POV
Naiinis padin ako kapag naalala ko yung nangyari sa starbucks pakiramdam sa kagustuhan kong iwasan siya, hindi ko magawa kasi in the first place meron paring parte sa puso ko natutuwa kasi nandito na siya, at meron din parte na patuloy nasasaktan at nagagalit. Nabuntong hininga ako. Oo nga sinabi ko gaganti ako pero bakit sa tuwing gusto ko gumanti laging napupurnada, sa tuwing magsasalita ako ng masakit para sakaniya, ngitian niya lang ako nakakalimutan ko ang lahat.
Na dapat hindi, dapat galit ako sakaniya, na dapat kinakamuhian ko siya, mahal ko nga pa nga din ba siya? O natatabunan lang ng galit ang magmamahal na meron ako para sakaniya? Umiling ako. Hindi ko siya mamahalin hindi na, tapos na ako dun nasaktan na ako at natuto na.
Hindi ko na kailangan bumalik sa nakaraan, kung saan wala akong nagawa kundi umiyak at masaktan. Kailangan ibaon ko na sa limot pati yung masasayang ala-ala ang tanging gagawin ko lang ngayon ay gumanti sakaniya.
Huminga ako ng malalim, kailangan ko pa magplano kung paano ko siya sasaktan, kung paano niya mararamdaman yung nararamdaman ko. Dapat ba akong pumayag na lumapit siya sakin ulit? Hayaang bumalik dati?
“Hi” Napatingin ako.
“Ano ginagawa mo dito?” Kunot noo kong sabi.
“Alam mo Garlic, cafe to eh, pwede naman siguro ako pumunta dito diba?” Nakataas ang kilay na sabi niya. Ibang klase hanggang ngayon ang yabang padin niya kagaya nuon.
“Alam mo Allison maraming cafe hiyang-hiya naman ako sayo dito talaga?” Nagulat ako ng bigla siyang tumawa, andun padin ako yung kgwapuhang taglay niya nuon. Shit! Anong pinagsasabi ko.
“So iniisip mo sinunsundan kita?” Nakangising sabi niya.
“Bakit nga hindi, ano to coincidence lang? Sa dami ng café dito?” Nakairap na sabi ko.
“Sungit mo padin” Huminga ako ng malalim.
“Alam mo, umalis kana, baka kapag napikon ako sayo ibuhos ko sayo yung kumukong kape dito” Nakairap na sabi ko, nagulat ako ng umupo siya sa tabi ng couch ko.
BINABASA MO ANG
Lovingyou Secretly (Completed)
Teen FictionHow can I live when I stop doing the things make me want to live? - Allison Trevor