Chapter 9: The Deal
Night.
Ashley's POV
Hindi ko namalayan na nakahiga at nakatulog na pala ako sa couch. Masyado na akong naiistress at alam kong mas sasakit pa ang ulo ko kapag inalala ko pa ang mga iyon. Nasa loob pa rin ako ng underground. Tumayo ako at nilibot ang underground. Para lang itong malaking bahay kaya lang ang kaibahan ay may mga cubicles, mesa, computers na parang laboratory. May mga laboratory din at maraming mga kwarto. Ang nakakamangha pa rito ay kung nasaan ako ay doon lang may ilaw!
Maganda ang lugar dahil sa magagandang disenyo ng mga dingding na iba-iba ang kulay ngunit shade of blues lahat, which is my favorite color. Bawat dingding ay may kanya-kanya itong design na mukha talagang sinadyang gawin. Naglakad pa ako ng makita ko ang kusina. Binuksan ko ang ref at nakitang maraming laman ito. Tiningnan ko kung pwede pa ba itong kainin. Nang masigurong pwede pa ay kinuha ko ito at nilagay sa mesa. Nakapagtatakang maraming pagkain doon. No, scratch it. Pwede sigurong may mga pagkain pa pero hindi mabaho ang amoy nito ibig sabihin ay hindi pa ito sira. Sa pagkakaalam ko, ngayon pa lang ako nakapunta rito pero paanong? Bukod ba sa akin ay sino pa ang pumupunta rito? Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jasmin sa akin na nawala ang memorya ko. Pero paanong nawala ang memorya ko kung natatandaan ko naman ang lahat?
Kahit nanghihina (dahil siguro inaantok pa at sa gutom) ay iniluto ko pa rin ang pagkaing nakuha ko. Pagkatapos makapagmuni-muni at makakain ay iniligpit ko na ang mga ginamit ko. Hinugasan ko na rin ito at napagpasyahang libutin ito. Sana may makuha ako ritong makatutulong sa mga problema ko.
Sinimulan ko ang paglilibot ko sa may mga cubicle. Sa lahat ng cubicle na nadadaanan ko ay may mga computers. Medyo makapal na rin ang mga alikabok doon ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Nang makalapagpas ako roon ay nakita ko naman ang isang malaking glass room kung saan samu't-saring mga laboratory apparatus ang naroon. Nang lumabas ako roon ay tinahak ko iyon dare-daretso at nakita ko naman sa mga dingding ang malalaking paintings doon. Some are abstracts. Nang makarating sa dulo ay nakarating ako sa hallway kung saan kabi-kabila ang mga pinto.
Napagpasyahan ko munang unahin ang 'pagmamarathon' sa mga pinto sa kanang side. Nang mabuksan ko ang unang pinto ay nakita ko na para itong bodega na pinaglalagyan ng mga sports equipments. Sinarado ko ito at binuksan ang kabila. Nakita ko namang isa itong mini gym. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa ikatlong pinto kung saan nakita ko ang isang boxing ring. Lumabas na ako at tiningnan ang sumunod. Napansin kong pare-pareho lang ang laki ng bawat kwartong napapasukan ko. Sa unang tingin sa mga pinto ay talagang mapapagkamalam mo itong maliit lang ngunit kapag nakapasok ka na talaga ay mamangha ka. Totoo nga na 'Don't judge the book by it's cover.' Yeah, I should always remind that line. Bigla kong naisip at pinagpatuloy ang ginagawa kanina.
Icell's POV
I just want to smile all day and laugh but I am still acting so that's why I can't do whatever I want. Tsk.
I just whistle to stop myself from smirking. I should take a photo of her secretly. Her face is priceless!
BINABASA MO ANG
Nakakapagpabagabag (Book 1 of CLS)
Mystery / ThrillerAshley Shane Samaniego is a girl that can't forget her painful past. She run and hide but that only makes her past easily hunt her. She did everything to hide again but, she can't. She will do everything, she will allow her self to be a monster like...