Pamagat: Pake ko?
((Mei Randa))
"Mei, sigurado ka ba jan? I mean, pusa? Aalagaan mo?" Teka, kanina pa ito si Jane kontra ng kontra sakin. Ayos lang naman kung mag-aalaga ako ng pusa hindi ba? At aalagaan ko naman itong si Ysay.
"Jane, pwede ba? Pusa lang yan ang dali lang kaya mag-alaga niyan. Ayaw mo ba sa kanya?" Tanong ko pa dito, kanina pa kami nagtatalo rito sa kwarto namin.
Nasa tabi ko naman si Ysay, prenteng nakaupo, at tulog. Tapos itong si Jane nakabusangot ang mukha.
"Sabi ko na mangyayari talaga ito eh, dapat di mo na alagaan yan. Pahamak lang dala ng pusa na iyan." Tinitigan ko siyang mabuti, anubg pinagsasasabi nitong babaeng ito? Sobrang bugnot ko na nga ngayong araw.
Huwag naman sana niyang sabihin na may mas lalala pa sa mga nangyayari sakin.
"Jane, kung ayaw mo sa kanya kawawa naman kung pababayaan ko siya sa lansangan." Nagising bigla si Ysay ay lumapit sakin, napangiti nalang ako ng pumunta siya sa mga hita ko at doon natulog muli.
"At kelan ka pa nagkainteresado sa mga pusa Mei? Parang dati lang galit ka sa kanila kase lagi silang nag-iingay sa bubong mo." Naalala ko tuloy bigla yung mga nag aaway na pusa sa hatinggabi sa bahay namin, sobrang ingay nila hindi ako makatulog.
"Pinaalala mo pa talaga iyon Jane? Talaga ba?" Sarcastic kong sabi, ang ganda kase talaga si Ysay.
Nakakapanghinayang kung ibabalik ko doon tapos kawawa naman siya.
"Mei, isipin mo nalang na paano kung may amo pala siyang iba? Tapos nawawala lang pala iyan. Eh sa ganda niyan halatang alagang mayaman iyan eh." May punto rin naman siya pero kase, iba pa rin kapag may alaga kang pusa. Magaan sa pakiramdam.
"At tsaka tignan mo nga, may collar siya. Ibig sabihin lang niyan ay tama ako kaya ibalik mo nalang siya bukas, kung saan mo man yan napulot." Kumunot nalang bigla ang noo ko, bakit hindi ko ito napansin kanina?
Badtrip talaga ako ngayon wala na bang igaganda ang araw ko? Hinaplos ko ang collar niya, kulay itim ito at may simbolo sa gitna ng isang puting bulaklak na kung tawagin sa amin ay bampaguita.
Ito ang pambansang bulaklak namin at nagtatagalay ito ng nakapabangong halimuyak ang sabi nila sa gabi raw ito dinidiligan ng mga diwata para hindi matanggal ng sinag ng araw ang halimuyak nila.
Wierd diba?
Pero anu naman kayang kinalaman ng bampaguita kay Ysay? Hindi kaya dahil sa kasing puti niya ito?
Pwede pero dipende...
"Mei, pakinggan mo nalang ako okay? Hindi naman siguro malaking kawalan kung hindi mo aalagaan ang pusang iyan at saka, malay mo may iba pa palang pusa ang karapat dapat mong alagaan." Dagdag pa ni Jane, bakit ba kase ayaw niya dito? Inaway ba siya ni Ysay? Hindi naman ahh.
"Okay fine! Ibabalik ko siya sa abandonadong room bukas masaya ka na ba? Parang pusa lang ayaw mo pa sakin paalagain." At nagtalukbong nalang ako ng unan, hindi talaga maganda ang araw ko ngayon.
*tok tok tok*
"Bukas iyan." Hayag ni Jane, nadinig ko namang bumukas ang pinto at nagsara rin, sino kaya ang dumating?
BINABASA MO ANG
Fairytale?! hindi totoo yun!
Teen FictionMei Randa hates some people on her life, lets say their whole kingdom and her family. Okay lahat lahat. Pero soon after she meet the princes, will she be able to understand their true meaning? Isang babaeng parang sinumpang dragon na isang prinsipe...