Chapter Three: Be His......Model??

67 4 2
                                    

< Kevin's POV >

I'm trying to call Leo but he's not answering my calls. Sumasakit na mga daliri ka da-dial ng number nya! May meeting sana kami ngayon with Ms. D about sa photo shoot namin na hindi natapos nung last friday dahil wala sya! Rest day ko din sana ngayon dahil Linggo ngayon, pero wala eh! Nandito ako sa studio, nagtratrabaho habang yung partner ko nagpapakasarap sa tabing dagat kasama ang guardian angel nya! Buhay nga naman!

"Ano na Kevin? Hindi na naman ba makakarating si baby boy?" tanong ni Ms. D na halatang halata ang pagkadismaya sa mukha.

"I'm so sorry Ms. D but he can't make it today. May sobrang mahalaga daw po syang inaasikaso ngayon eh na hindi nya pwedeng iwanan" palusot ko.

"Hmmp! So it means na ikaw lang ang makakameeting ko ngayon?" sabi neto habang pinapaypayan ang sarili at lalong nadismaya ang mukha.

"Ganun na nga po Ms. D!" sabi ko sabay puppy eyes sakanya.

"Hay naku! Ano pa nga ba naman magagawa ko!" sabay inirapan ako.

Naku! Kung hindi lang malaki magbayad tong matandang dalagang ito ay hindi ko talaga pagtiyatiyagaan toh!

**********

Katatapos lang ng meeting ko with Ms. D at sinusubukan ko ulit tawagan si Leo.

"Oh? Napatawag ka?"

Sa wakas! Pagkalipas ng limang dekada ay sinagot din ni baby boy ang tawag ko!

"Ay sorry! Busy ka ba? Naistorbo ba kita? Nakakahiya naman sayo!" pang asar kong sabi.

"Puro ka kalokohan! Ano nga? Anong kailangan mo?"

Wow! Hangang hanga naman talaga ako sa magaling kong kaibigan na ito! Patay malisya lang ang peg?! Huminga na lang ako ng malalim at pinilit ang sarili na magsalita ng mahinahon. Sobrang hinahoooooon!........?

"HOY LUKE HWANG! ANAK NG ISA SA PINAKAMAYAMAN SA BUONG PILIPINAS! GU- "

"Buong asia, Kevin." pagtatama neto sa akin. Tss. Lakas ng loob! Hambog!

"FINE! BUONG ASIA! BUONG MUNDO! BUONG UNIVERSE!"

"Ano ba gusto mong sabihin? Ang dami mong daldal, daig mo pa babae! Nag d-drive ako kaya sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin!"

Aba! Sya pa ang may ganang magalit!

"Gusto ko lang malaman mo na... SINASAULI NA KITA SA MGA MAGULANG MO! SA KANILA KA NA MAGTRATRABAHO SIMULA BUKAS AT WAG NA WAG KA NG BABALIK SA STUDIO!"

"So yun lang nga ang sasabihin mo?" mahinahon padin netong sabi.

"Yan lang din ang masasabi mo?!" pagtataka kong tanong.

"Hindi! Ako ang may malaking naging puhunan diyan sa studio at ikaw? ano ba naambag mo? tripod? tss. Lakas ng loob mo na hindi ako pabalikin sa STUDIO KO ah! pasalamat ka naiintindihan ko ang kalagayan mo, na may sakit ka sa utak!" pasigaw nyang sabi mula sa kabilang linya. Nagbibiro lang naman ako eh! Siya kasi eh! huhuhuhu. I hung up the phone na lang. Wala na akong masabi eh kasi tama naman sya, tripod nga lang ata ang naambag ko. T.T

-----------

< Leo's POV >

I'm still driving pauwi ng bahay at ang sakit ng tenga ko dahil kay mokong! Sigawan ba naman ako mula sa kabilang linya! tama ba yun?!

*whomp*

Si mokong nagtext.

KEVIN:                                                                                                                                                                         Bukas may meeting ulit tayo with Ms. D and please umattend ka! kung hindi ay tototohanin ko talaga ang sinabi ko sayo kanina! joke! hahahaha!

I Honestly Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon