CHAPTER 2
Unexpected(Part 1)
Nakaupo ako sa Kama.
Kusang tumutulo ang luha.
Iniisip ko, Bakit kaya nagalit ng ganun si dad?
bakit may half Piano sa music room ni mom? At baki---
*TOK* TOK*
"Celestine?"
Amp. ayan nanaman sila. Tatawagin nanaman nila ako dahil
pinapatawag ako ni dad. tsk. ayoko munang humarap sakanya masakit parin sakin yung pag sigaw niya sakin kanina.
"LEAVE ME ALONE!" malamig kong tono.
*TOK*TOK*
"SABI KO IWA--"
"DO YOU WANNA BUILD A SNOW MAN?~"
WOAH!
Ano daw? Ba't may biglang kumanta? isa ba yun sa mga butler namin? nagtatanong siya kung gusto kong gumawa ng taong nyebe? hahaha pfft.
"HA?!" natatakang tanong ko. Panira moment ah.
"COME ON LETS GO AND PLAY~"
"Sino ka ba?" pamilyar ang boses niya.
"I NEVER SEE YOU ANYMORE, COME OUT THE DOOR~"
Sinu ba siya?
Tumayo ako para tignan kung sino ang nasa pinto.
"IT'S LIKE YOU'VE GO--, HEHE~ HI CELESTINE! ^_^v"
"LANCEEEEE!" Sabi ko na eh! kaya pamilyar yung boses haha! si lance pala!
"teka lang di ako makahinga!" Nabigla kasi ako kaya nayakap ko siya haha!
"Ay sorry haha! kamusta ka na? antagal nating di nagkita!" tanong ko.
"Mamaya na yang kamustahan na yan. may pupuntahan tayo!" bigla niya akong hinila.
"Teka! saan?"
"Basta!"
habang hila hila niya ako nakatingin lang ako sa likod niya. After 5 long years 'anlaki na ng pinagbago ng features niya mas matangakad na siya sakin ngayun, mas lumitaw ang pagiging moreno niya at mas naging masculine figure na talaga ang katawan niya, but still maloko parin siya tulad noon, Pagkatapos kasi ng graduation namin nung elementary hindi na kami nagkita. Si Lance Taylor ay isa sa mga kababata ko. magkasosyo ang family namin sa iba't ibang negosyo. lagi ko siyang kasama dati magperform sa school, lagi kaming pinagduduet dahil ang ganda daw ng blending ng boses naming dalawa. oh! oo nga pala. yeah kumakanta rin ako and nagpiplay ng piano. nakita nyo naman kanina di ba? kaya nga ako pinagalitan ni dad eh. psh.
BINABASA MO ANG
Unfinished Song
Roman d'amour"Music is my Painkiller... my soul remedy, my happiness and the cause of my loneliness."