Nakarating na ko sa school pero yung dalwang unggoy wala pa -_- anong klaseng taga bantay yung mga yun?
Nabanggit nga diba sakin ni kuya yung tungkol sa pagbabantay nila nung una nainis ako pero nung kinalaunan natuwa ako hahahaha kasi may pagttripan ako lagi.
"PAULA!!!" Si Baks yun aa?
Tumingin naman ako sa paligid para mahanap siya, pero nasan na yung baklang yun?
"HOY NANDITO AKETCH ! SA TAAS ! SA LANGIT !" Langit? taas?
Tumingala naman ako at ayun yung bakla nasa rooftop -_-
"BAKIT MO KO TINATAWAG?"
Sigaw ko sakanya
Para kaming abno dito naguusap ng magkalayo -_-
"Yung si ano yung Crush mo paparating !"
Tumingin naman ako dun sa gate para makita yung crush ko *-* emeghed.
Ang hot niya tlga with matching may dalang bola. Kyaaaaahhh. Naka Jersey pa . Nukkksss. Lemme introduce my one and only crushhh Prince Charles Abena. Clap clap clap *confetti*
Nung nasa harapan ko na siya kasama nung mga ka team niya binati ko siya ng
"Hi Prince !"
Pero smile lang ang sinagot niya sakin -_-. Lagi na lang nakangiti kapag binabati ko tss. Hindi ba pwedeng sabihin niya naman na
"Hi Paula. Ang ganda mo" -_- Hanggang pangarap na lang ako. Tss.
"Di ka ulit pinansin?" Si Kends na nasa likod ko
"Ngumiti lang as always"
"Pasok na tayo sa classroom" Yaya ni Ands
Naglalakad na kami papuntang classroom pero may sigaw ng sigaw ng
"RAIIIIINNEEEEEE"
Paulit ulit nya yung sinisigaw -_-. Abno na siguro yun . HAHAHAHA.
Maya mya nagulat na lang ako kahit sila Kends nagulat din kasi may biglang nambato sakin at syempre tumalikod ako para makita ko kung sinong baliw yun.
"Hoy ikaw bakit mo ko binato ng pingpong ball? Sira na ba tlga yang utak mo? -_-" Pansin ko lagi siyang may dalang pingpong ball -_- at sakin lahat nababato .
"Eh kasi tinatawag kita di ka manlang nalingon." Kent
"Wala akong narinig na tumawag sa pangalan ko"
"Tss ewan ko sayo -_-. Nakita mo ba si Bryle?" Tanong niya
"Hindi. Baka nasa Galaxy sundan mo"
"Aaaahh. San yun?"
"Hahahahahhaa. Galaxy dude, sa outer spaceeee!" Singit ni Ands
"Ano ba yan Kent hahahaha. Napapatawa mo ko ng wala sa oras. Yung pagkatalino mo near to boboness!"
"Tss -_-. Ang section ko pala ay 4-Telekinesis"
"Oh? ano nga--- Wait. WHAAAAAATTT?!"
Bakit to napapunta sa section namin?
"Ok lang yun te ! Gwapo naman tong lalaking tooooo!" Si Baks .
Bakla tlga -_-
"San ka galing?" Tanong ni Kends kay Baks. Bigla bigla na lang kasing nasulpot
"Sa puso niya~" Sabay turo kay Kent.
"Ba't kaklase kita? -_-" Tanong ko kay Kent.
"Aba malay koo -_- nag enroll ako tapos sabi nung teacher 4-telekinesis daw ako. San ba yun?"
MEHEHE. I have a brilliant great and a nice idea >;)
"Ituturo ko sayo kung saan" Nagpresinta na ko. Syempre . hahahaha
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa nasabing "room". Hahahaha. Nauuna siyang maglakad sakin kaya madali lang tumakas. Niligaw ko siya dun sa lumang building hahahha. Kailan kaya makakabalik yun?.