IFILWME 9

23 1 0
                                    

Chapter 9

*Kinabukasan*

Sandra's POV

"Wag mo akong iiwan.... Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag nawala ka sa tabi ko...."

"Please, Sandra...."

*Riiiiiiiiiiiiiing*

Ano ba. Ang sarap na ng tulog nung tao oh! Tssssk. May pasok nanaman. Hayyyyy.

Weird nung panaginip ko. Yun nanaman. Katulad nung last time din. May ganun din na line. Yung "Wag mo akong iiwan" Sino kaya yun? Parang familiar yung boses nya... Aish. Wag ko na ngang isipin. Mabaliw pa ako ng wala sa oras. Haha!

Daily Routine.

Ligo

Bihis

Kain

Paalam kay mama

Alis ng bahay

Ayan ang lagi kong ginagawa tuwing gigising ako pag may pasok. Pero iba pag walang pasok.

Naglalakad na ako papuntang school. Pero bigla ko namang nakita si Christian. Hay nako. Sira na araw ko

Hindi ko na lang sya pinansin. Pero maya maya, nakita ko na sya sa tabi ko. Tinignan ko sya.

"Goodmorning Mae!" - Christian.

"Morning din." - bati ko sa kanya na parang tamad na tamad

"Kumain ka ba? Bakit parang tamad na tamad ka yata ngayon?" - Christian

"Oo. Kumain ako. Nakita lang kasi kita kaya ako nag ka ganito." - ako

"Ouch. Grabe naman yun. Sorry Mae." - Christian

Dug. dug. dug.

Bakit gumaganun nanaman sya? May sakit ba ako sa puso? Mamaya nga mag papa tingin na ako sa doctor.

"A-ah... J-joke lang y-yun!" - ako.

"Okay ka lang ba Mae?" - Christian

"H-Ha? O-Oo Naman! Sige una na ako. Bye!" - Ako sabay lakad ng mabilis

"Huy Mae! Wait lang! Sabay na tayo!" - Sigaw nya.

Dire-diretso ako sa pag lalakad.

"Huy! Wag mo naman akong iwan!" - Sigaw nya ulit

eh? napatigil ako bigla sa paglalakad, haist, bumigat bigla ang loob ko ngayon, at kung tatanungin niyo ako ngayon. eh hindi ko rin talaga alam sa sarili ko... may sakit na ata ako sa pagiisip eh.

"Mae. Sabay na tayo pumasok." - Biglang sulpot ni christian sa tabi ko kaya mejo nagulat ako.

"A-Ayoko nga! Pumasok ka mag isa mo." - Ako

"Pleaseeeeee?" - christian na may kasamang........ PUPPY EYES?! Seriously, Ang gay Pero ang cute nya.

Syempre joke lang yun! Joke lang yung ang cute nya! Ew. Gaaaaaayyyy.

"Ayaw." - Ako

"Pleaseeeeee?" - Christian

"Ayaw." - Ako

"Pleaseee? Pleaseee? Pleaseee?" - Christian.

"Oo na. Sige na. Sabay na tayo. Wag ka nang makulit." - Ako.

ngumiti siya ng malaki, kita na nga rin ang shining teeth niya. nakakabanas, pero may cuteness...

W-what the fudge!? ano na naman ang pinagiisip ko--?!?!?! grrrr! siya talaga ang nagpapabaliw sa akin eh!

I Fell In Love With My EnemyWhere stories live. Discover now