Chapter 4

7 1 0
                                    

Natatanaw ko na ang San Ignacio University. Kung sa malayo titignan ang eskwelahan ay magmumukha itong sinaunang building. Luma pero elegante tignan.

Wala pa din kaming imikan ng lalaking yakap yakap ko ngayon. Fine with me though dahil mukhang hindi siya friendly.

"Malapit na tayo, Via!" Lumingon ako kay Gracie na solo sa kanyang kabayo. Sana pala ay sa kanya nalang ako umangkas.

Ngumiti lang ako bilang tugon. Tinignan ko silang lahat at mukhang excited silang lahat. Bago pa kami makalapit sa University ay lumiko na kami sa isang malawak na palayan. Sa gilid lang kami dumadaan dahil puno ng palay ang ibang part ng buong lupain.

Hindi masyadong mainit kahit na hapon dahil puno ng malalaking puno ang dinadaanan namin. Typical province, it is. Huni ng ibon ang madalas mong maririnig na sobrang relaxing.

If it was just me, I could live here forever. Pero alam kong di sanay sa ganitong buhay ang mga kapatid ko dahil sa Maynila na sila lumaki at nagka-isip.

Narating na namin ang dulo ng palayan, huminto kaming lahat at isa isa na silang bumababa sa kanilang mga kabayo. Wala pa naman akong nakikitang falls.

"Tara na, Via. Lalakad pa tayo ng konti. Di na kaya ng kabayo pababa doon eh." Ani Gracie. Agad naman akong sumunod sa kanya.

Medyo matarik ang daan pero hindi delikado. Hindi lang talaga kaya babain ng mga kabayo. Saglit lang ay may naririnig na akong lagaslas ng tubig. Nae-excite na ako. Naamoy ko na din ang amoy ng pinaghalong tubig at lumot.

"Dito na tayo! Pasinaya Falls!" Ani Gracie sa aming lahat at ngiting ngiti.

Naghiyawan naman ang mga kasama naming lalaki. Naglakad pa kami ng konti at naabot na namin ang tubig. Sa gilid ng falls ay may iilang maliit na kubo. Siguro ay may apat dito sa gawi namin at may tatlo naman sa kabila.

"Dinadayo talaga dito dahil sa malinaw na tubig. Walang entrance fee. Talagang ginawa lang ng mga taga dito 'tong mga kubo dito para daw kapag may mga pupunta dito may makakainan at mapaglalagyan ng gamit nila." Ani Ron. Nagulat pa ako sa biglang pagsasalita niya dahil hindi ko naman siya katabi kanina.

"Gaano ka na katagal nakatira dito sa San Ignacio?" Sabi ko.

"Since birth?" Aniya at natawa. 

Natawa din ako sa tanong ko. Malamang nga naman dahil taga rito siya.

"Dito tayo!"Ani Ron sa aming lahat. Ito ata ang pinakamalapit sa falls. Minsan ay natatalsikan pa kami ng tubig na bumabagsak pero okay lang dahil hindi naman malakas.

Akala ko ay mga damit lang ang dala nila. May mga dala din pala silang mga pagkain. Hindi sa ina-underestimate ko sila pero akala ko may dala man sila ay puro kamote or mais. Hello, nasa probinsya tayo. Okay, ako ata ang matapobre.

Si Ron ay may dalang inihaw na manok. Si Gracie naman ay may dalang spagetti. Ang iba ay may dalang mga softdrinks at junk foods. Ako lang ata ang walang dala.

"Hala, hindi ko alam na magdadala pala ng pagkain. Pasensya na." Sabi ko. Feeling ko ay namumula ako dahil sa sobrang hiya.

"Ayos lang 'yon, Via. Ano ka ba? Ang dami na nito." Ani Ron at ngumiti.

Ngumiti din ako bilang tugon. Bago daw kami maligo ay nagyaya muna silang kumain at magpicture taking.

Habang kumakain ay pinakilala sa akin lahat ni Gracie ang mga kasama namin.

"Siya si Ron, Edward, Luke and lastly Mr. Sungit, Eugene." Ani Gracie.

Umismid naman si Eugene sa sinabi ni Gracie.

Si Eugene ang inangkasan ko kanina, si Edward at si Luke naman ang dalawa pa naming kasama.

Actually, siguro nga judge mental ako. Nagulat ako ng maglabas sila ng kanya-kanyang cellphone na lahat ay branded. Halos lahat ng classmate ko sa Maynila ay may ganoong cellphone.

Si Ron ay may dala pang DSLR camera. Para akong nanlumo, ang cellphone ko ay de-keypad at walang camera. Galing nga akong Maynila pero ako pa ata ang mas mahirap sa kanila.

"Picture tayo, Via!" Ani Ron at agad siyang tumabi sa akin at umakbay.

Kinuha naman ni Gracie ang camera at pipicturan na sana kami ng biglang dumaan si Eugene.

Na-click na din ni Gracie ang shutter. At ng tignan namin ang picture ay natakpan si Ron ni Eugene.

"Ano? Puro picture nalang kayo d'yan?" Ani Eugene at agad naman sumangayon ang iba pa.

Nakita ko namang sumimangot si Ron kaya napatingin ako kay Eugene na nakatingin rin pala sa akin. Nakita kong ngumisi siya pero saglit lang at umirap na.

Anong problema ng lalaking 'to? Anong problema niya sa akin?

"Mamaya nalang ulit, Ron?" Sabi ko pampalubag loob sa kanya.

Ngumiti naman siya at tumango. Mukha namang mabait si Ron kaya mukhang magkakasundo kami.

"Bihis tayo, Via!" Sigaw ni Gracie. Agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha ang mga gamit ko sa bag.

Pinauna ko na siyang magbihis sa may CR na malapit lang sa kubo namin.

Nagulat ako ng paglabas niya ay two-piece lamang ang suot niya.

Naggaganyan din naman ako, pero dahil umiral nanaman ang pagiging judgemental ko ay sando at short lang ang dala ko. Bukod sa nasunog lahat ng ganun ko ay wala din naman talaga akong ganun ngayon.

"Ano susuotin mo?" Aniya ng nakita niyang nakatitig ako sa kanya. Makinis at maputi si Gracie na parang hindi probinsyana.

"Sando tsaka short lang." I answered shyly.

"Meron akong baon na one-piece doon. 'Yon nalang. Please, damayan mo ko sa kaartehan ko." Ani Gracie na nagpapaawa, kaya tumango nalang ako.

Agad siyang tumakbo ulit sa kubo at agad na kinuha ang gamit niya. Tumakbo ulit siya pabalik sa akin dala ang one-piece na may lower back design at purong itim ang kulay.

Agad akong pumasok sa CR at sinuot ang bigay ni Gracie, di ako naiilang dahil sanay akong magsuot ng ganito. Pero naiilang ako sa mga kasama ko dahil bagong kakilala ko palang sa kanila.

Palabas ako ay napatingin silang lahat sa akin.

Tinignan ko din silang lahat at ngumiti, napawi ang ngiti ko ng nagtama ang tingin namin ni Eugene. Matalim ang kanyang tingin at parang galit na galit sa ginawa ko. Malalalim din ang kanyang hininga.

Parang akong nanlambot ng umiwas siya ng tingin at lumangoy papunta sa kabilang side ng falls.

Bakit ganun? Parang nanlalambot ang tuhod ko. Bakit parang kailangan kong humingi ng tawad sa kanya kahit wala naman akong masamang ginagawa. Bakit parang may kasalanan ako?

Ano ba ang nangyayare? Ang gulo.

Love And IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon