Tanga! Mahal kaya kita!

37 0 3
                                    

Chapter 1- New School, New friends, New Crush.

The light from my window woke me up. I stretched my arms then rubbed my eyes until I realized, Oh shit, it's first day of school.

Agh! nako naman! ba't ngayon pa eh.

I woke up at exactly 7:14 am and my first class which is Chemistry 116 is going to start at 7:30. Pretty great start right for a freshman on the first day of school right? *insert sarcasm*

Kabadtrip naman oh! Bwiset na alarm din kasi eh, nako namaaaan! T-T

Oh, by the way I'm Andrei Gonzales, a Medtech student incase tinatanong niyo anong course ko. Gusto ko rin talaga kasi maging doctor balang araw. . Alam niyo na, para makatulong din sa ibang tao. Kung iniisip niyo na ako nanaman yung lalaking magaling sa sports, pogi, at chickboy. . well, not exactly. I'm just a plain guy who loves reading and music. Minsan nga napagkakamalan pa akong bakla dahil sa hilig ko sa music at pagbabasa. Pero wag lang magkakamaling abusuhin ang kabaitan ko, makakatikim talaga sila.

I took a bath, changed to my casual clothes (well first day pa kasi kaya wala pang uniform), ate breakfast, brushed my teeth, then went off to school. Hinahatid-sundo ako ni Manong Frank kahit saan ako pumunta, ayaw kasi nila mama at papa na mag commute ako kasi delikado daw. Bago pa lang ako dito sa Koronadal City, doon kasi kami dati nakatira sa General Santos City. Pinadala ako dito kasi dito daw magandang mag-aral ng Medical Technology, wala rin namang problema kasi may Townhouse kami dito, malaki-laki rin naman yung bahay at solong-solo ko.

Kuya Frank, sa main gate mo nalang po ako ihatid, maglalakad nalang po ako papasok.

Sige po sir Andy, sigurado po ba kayo na okay lang sa inyo na dito ka nalang sa labas ibababa?

Oo naman kuya. Sige alis na po ako! Mag tetext nalang ako mamaya kung pauwi na ako. Tumango si Kuya Frank at pinaandar muli ang sasakyan, then I grabbed my bag, at mabilis na pumasok sa school.

Chineck ng guard ang bag ko, at pinapasok naman agad. Kinakabahan ako, alam niyo yung First Day Feeling, yung wala kang kakilala? Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

Damn it! 

Bigla akong napasigaw nang makita ko ang oras. 7:45am na! 15 minutes late na ako sa klase ko, on the first day of school pa talaga. Humarurot ako para hanapin ang IMT Room 3006 na nakalagay sa class schedule ko.Buti nalang at nasa kabilang building lang ito na malapit sa gate, kaya agad ko itong nahanap.

Good morning ma'am!


Agad kong bati bago ako pumasok. . Mukhang late rin naman kasi si ma'am. Napansin ko rin na kakasimula niya pa lang mag check ng attendance.

Hay! Salamat at nakaabot. Muntikan na yun ah. Bulong ko sa aking sarili.

Nakaupo ako sa bandang gilid, malapit sa bintana. . Naalibadbaran kasi ako pag walang ventilation. Grabe, unang araw pa lang muntikan na ako magka offense. Sa susunod kasi matulog na ng nasa oras para di napupuyat! Nakasanayan ko na rin kasing matulog ng madaling araw, lalo na nung summer vacation. Ops! Aminin! Lahat naman tayo napupuyat pag summer ah? Oh, diba?

Hinihintay ko na lamang na tawagin ni ma'am ang pangalan ko nang may napansin akong babae sa bandang harapan. . tinawag ni ma'am ang pangalang Tiu, Liza Mae. Agad naman sumagot yung kay gandang babae ng Present ma'am! .

Shit! Ang ganda niya. Bigla kong sambit.

Nararamdaman ko ang pagbilis ng aking heart beat. Tila nalulunod ako sa kagandahan niya, biglang nawala lahat sa paligid ko, huminto ang oras, kami lang ang mundo. Titig na titig ako sakanya, di ko maalis ang tingin ko. Wala na akong ibang marinig kundi ang sariling kabog ng puso ko. . hanggang sa. . 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tanga! Mahal kaya kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon