▬TRIXIE'S POV
So there, yung dream date ko eh natupad ng di oras kasama ang taong hindi ko inaasahan. Tsk. Naiinis ako kay Sir Darrel! Bakit ba niya ako binibigyan ng mga dahilan para mahulog sa kanya!
(>.<") (">.<) (>.<")
NO! NO! NO! I WON'T FALL FOR HIM! I WON'T! I WON'T! I WON'T!
Bumalik na kami sa beach house at nakisama na sa party.
▬BJ'S POV
May napansin ako kay Darrel simula nung bumalik kami dito sa beach house. Parang sobrang saya niya. Ano kayang ginawa nila ni Trix kanina doon sa dalampasigan? Hmmm....
"Darrel, anong ginawa ninyong dalawa ni Trix kanina? Bakit ang tagal nyo doon?" tanong ko sa kabila ng ingay ng mga tao at sa lakas ng music na tumutugtog.
"Huh?" he asked. Ano ba yan. Nilakasan ko na nga yung boses ko, di pa rin narinig.
"Sabi ko bakit ang saya mo? May ginawa ba kayo ni Trix?" tanong ko ulit.
"Loko-loko! Sira ulo ka pare. Itutulad mo na naman ako sayo. Masaya lang ako kasi she's the one who greeted me first." sagot niya.
-_______________-
Yun lang? Babaw ah!
"Masaya ka na nun? Iba talaga pag-inlove! Bumababaw ang kaligayahan! Haha!" komento ko.
"Hilig mong mag-imbento. Ikaw naman talaga ang inlove dyan eh! Nakatingin ka na naman kay Zarah! Hahaha!" sabi niya.
Loko to ah. Sakin pa pinasa ang issue! Tsk. Sinong ba naman kasi yung kanina pa katawagan nitong babaeng to! Maya't maya may kausap sa phone! Tss. Tapon ko kaya sa dagat cellphone nito?
"Darrel, pare, hiramin mo nga yung cellphone nung estudyante mong yun." utos ko sabay turo kay Zarah.
"Bakit?" tanong niya.
"Itatapon ko lang sa dagat. Kanina pa may katawagan yan eh." I answered.
"Hahaha! Woah! Seryoso ka na ba talaga sa mga pagkakataong 'to BJ? Ikaw ba yan?" he asked.
"Tss. Seryoso...di uso sakin yun! Siya lang talaga trip ko sa mga panahong 'to. Kakaiba eh." I said
"Sige. Sabi mo eh." sabi naman niya. Ayaw maniwala. Di nga ako seryoso dun! Gusto ko lang talaga itapon yung cellphone niya.
▬TRIXIE'S POV
Halos 2am na nung matapos ang party sa beach house. Natulog na ang karamihan sa mga bisita ni Sir pero kami ng mga girlfriends ko at si Zack eh nandito pa't nakaupo sa palibot ng bonfire. Nag-ja-jamming. Si Sir yata at si kuya nagliligpit-ligpit pa.
♫ I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let you hold the remote control...♫
Naggigitara si Zack habang kami naman nila Trish, Camile, Zarah, Lea, Lucy at Nessa eh kumakanta. Tapos bigla nalang nakisama na samin sila kuya at Sir. Umupo na rin sila sa tabi namin at naki-jamming.
"Trix! Kantahan mo naman ako oh. Please?" biglang request ni Zack with matching pout at puppy eyes pa!
Dahil cute naman siya eh pagbibigyan ko na. ^__________^
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?