♥ lovely xl ♥

4.9K 59 0
                                    

Nagtungo ako sa kwarto namin ni Myz, tahimik, naglakad papunta sa kama at naupo. Ganito ba talaga kahirap gumawa ng paraan para mapatawad ng taong mahal mo? Gano'n ba kahirap sa kanya patawarin ako? Sobrang gago 'ko. Malamang, hindi ako 'yong nasa sitwasyon niya kaya hindi ko nararamdaman kung anong nararamdaman niya. Napakagago ko, hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya, naging padalos-dalos ako. I deserve this.

Hinubad ko ang damit ko saka inihagis na lang sa sahig. Isinunod ko ang pants ko at ikinalat ko na lang kung saan ko maibalibag. Pagkatapos ko na lang maligo saka ko ilalagay sa lagayan ng maruruming damit.

Habang umaagos ang maliliit na patak ng mainit na tubig na nagmumula sa shower pabagsak sa aking katawan ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Iniisip ko kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Kailangan kong maibalik ang tiwala ni Myz na tila nalamatan ko na, o dapat kong sabihin na, nasira ko na.

Sabi nila, hindi madaling maibalik ang tiwala ng isang tao kapag nasira mo 'yon and this is what I'm experiencing right now. Totoo nga, sobrang hirap. Hindi matutumbasan ng walang humpay na sorry. Hindi maibabalik sa isang iglap lang. It takes time. And while I'm waiting for the "right time", I need to do something. Something that will fix this mess I made. And what would it be? Of course, I'll find out.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos maligo at dali-daling umakyat pabalik sa kwarto namin. Narinig ko naman ang tawanan na nagmumula sa kwarto ni Jam. Mukhang nando'n sila at nagkakasiyahan. Girls talk, I guess. Napailing na lang ako habang naglalakad at nang maabot ko na ang doorknob ay kaagad ko 'yong binuksan.

I go to my drawer and pick up random clothes. Nasa bahay lang naman ako kaya kahit ano na maisuot ko. Naupo muna ako sa kama habang pinupunasan ang basang buhok ko. Then, my phone just vibrated so I immediately tilt it to see who's calling.

"Dad," panimula ko, pagkasagot sa call.

"How you doing, Mule?" tanong niya. I get up to pick my dirty clothes scattered on the floor.

"Doing good, nothing to worry," I answered while putting those clothes inside the hamper.

"Listen, son, 1 month from now, I guess nakabalik na 'ko ng Pilipinas and we're--" I cut him off.

"We're gonna be very busy planning about our business, right?" I paused for a sec waiting for him to respond. Sobrang nakaka-excite na pangyayari.

"Yes, gano'n na nga," he answered and I can see here that he's happy about it. Who the hell is not going to be glad if you and your father will be living together again after many years? I guess none.

"I'm excited dad," I said while my phone is caught in-between my ear and shoulder. I smiled as I open the door using my right hand while my left hand is holding the wet bath towel I used. "I missed you so much."

"Miss na rin kita, anak. Take care always, I need to work. Love you, bye!" Kinuha ko ang cellphone na nakaipit sa tenga ko at ibinulsa. Pababa ako ngayon para isampay sa banyo 'tong towel na ginamit ko. Kung wala lang tao sa bahay, naglakad na ako ng hubo't hubad dito kanina kaya lang natatakot ako kasi nandito sila Hera at Joni, baka kung ginawa ko 'yon, e, nakita na nila ang footlong ko. E 'di lalong nagalit si Myz? Buti na nga lang at hindi nangyari kasi nando'n pa rin sila sa kwarto ni Jam.

Pagkatapos no'n ay nanood muna ako ng TV. After matapos ng tennis game na pinapanood ko sa TV ay nagpasya na akong bumalik sa kwarto. I turn the TV off, heading my way to the kitchen to get something to eat. Chocolate? No. I think, hindi ito ang oras para kumain ng chocolate, but since I'm a little bit hungry, so... yes.

Tinanggal ko na kaagad ang balat na nakabalot sa Toblerone at saka kumuha ng soya milk. Heaven. Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Bahala na si Myz kung kumatok pa siya, p'wede ko naman siyang hindi pagbuksan. Jam's bedroom is very wide. Actually, they can all sleep there. But that will only happen, if makatulog ako.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon