Ako yung Tanga

517 5 0
                                    

Umaasa nanaman ako
Umaasa sa isang tao na katulad mo
Naghintay at nagbabasakali
Na ikay maging akin muli.

Maraming katanungan 
Kung bakit akoy nasasaktan
Ano ang aking kasalanan
Akoy nagmahal lang naman ng lubusan

Ang gusto ko lang ay sagot
Sagot para sa puso kung puno ng poot
Galit at puno ng suklam
Sa tuwing ikay aking nasisilayan

Mahal, sabi mo ako lang?
Ako lang ang taong nandyan sa puso mong nagdadahilan
Ako ang nasa puso mung sugatan
Pero hanggang salita kalang at di mo kayang panagutan

Bakit sya ang nandyan sa puso mo?
Anong meron sa kanya na wala ako?
Lahat ng tanong ko nasasagot mo
Sinasagot mo sa paraang ako yung nandyan sa puso mo

Pero bat ganun?
Bat parang ako yung nasa labas habang sya ang nandyan
Bat parang kayo yung maligaya sahalip na tayo ang masaya
Bat lahat ng pagmamahal mo di ko dama?
Diko sya dama at parang wala.

Mahal, pwede mung sabihin na tama na
Na itigil ko na tung ilusyon ko na kasama kita
Ihinto ko na ang pag-iisip na mababalik pa
Para lumayo nako dyan sa puso mong naghahanap na ng iba.

Isang babae na di katulad sakin
Isang babae na di mo sakin maisasalamin
Sa isang katangian na malayo kumpara sa kung ano ako
Dahil walang-wala, wala syang katangian na meron ako dito sa puso ko.

Pero mahal, ito lang ang masasabi ko sayo
Na hanggat kaya ko pa ay susunod ako
Hanggat may pag-asa ay lalaban ako
Na hanggang sa huli, magmamahal parin ako sayo

Kase mahal kita
Mahal na mahal na mahal kita
Hindi ko kayang mawala ka
Kaya habang nabubuhay ako
Sayo at sayo lang ang puso ko.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon