Ivan's POV
Mahigit isang oras na nang magpaalam si Sam na mag-ccr ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?
"Sorry, natagalan." Bungad ni Samantha pagkabalik niya. Mugto ang mga mata nito at halatang kagagaling lang niya sa pag-iyak.
"What took you so long?" Tanong ko sa kanya.
"May kinausap lang." Sabi niya. She was lying. I know.
"Sigurado ka? Bakit nagmumugto ang mata mo? Umiyak ka ba?" Paninigurado ko sa kanya.
She just chuckled but I know that she was trying to hide the sadness in her eyes.
"Ano ka ba? Ayos lang ako. Napuwing lang ako kanina, ang hangin kasi. Tara na, kumain na lang tayo, baka nagugutom ka na." Anyaya niya sa akin. Halata sa kanya na iniiwasan niya lang ang bawat tanong ko sa kanya. I know her very well because she was my best friend before. Naging magbest friend muna kami bago naging kami talaga. She and Nathalie were my girl best friend before, and Ryle was also my best friend. Lingid iyon sa kaalaman ni Sam na isa sa barkada ko si Ryle. Wala kasi itong pakielam sa barkada ko noon. Masyado siyang nakafocus sa pag-aaral noon pa lang.
"Anong gusto mong kainin, Sam? Ako na ang bibili, maupo ka na lang diyan." Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa Canteen.
"Chicken adobo with rice na lang." Tipid na sagot niya.
"Sige. Antayin mo na lang ako diyan." sabi ko saka umalis.
**
Samantha's POV
Pagkaalis ni Ivan para bumili ng makakain namin ay tumungo na lang muna ako. Wala talaga ako sa mood ngayon. Ramdam ko pa rin ang pagkirot ng puso ko sa tuwing naaalala ang sinabi ni Ryle kay Nathalie na mahal niya pa rin ito.
Ngayong inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na si Ryle, ano ng gagawin ko? Makakaya ko kayang magpanggap na hindi nasasaktan habang nakikita ko siyang may ibang minamahal? Makakaya ko kayang magpanggap na kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya kahit ang totoo higit pa roon ang nararamdaman ko?
"Hays, ang hirap! Bahala na nga!" Sabi ko saka pinaggugulo ang buhok ko.
"Samantha..."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Novela JuvenilSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...