Chapter 14

575 42 5
                                    

Yes, that was Jade. Pumunta siya para ihatid ako pauwi, sa condo niya. Miss na miss na daw kasi niya ako, nalulungkot daw siya nang walang umuuwi sa kanya. Yung pag-momove on ko biglang nagmove backward.

Bakit ba ibang pagmamahal ang nararamdaman ko pag dating sa kanya? Pareho kaming babae pero wala namang mali dun diba? Walang mali sa pagmamahal.

__

Makalipas ang anim na buwan ay tinalaga na akong Research and Developer Supervisor Assistant. Hindi pa ako pinayagan ni Gab magfull-time dahil nagaaral pa ako. Gusto niya pagaralan ko pa din ang kalakaran nang bawat departamento pero bilang empleyado na dahil ganun din naman ang pagod ko.

Ramdam ko ang pagaalaga nang mga Tanchingco lalo na nang magkapatid na lalaki. Para din akong nagkaroon ng kapatid. Siguro dahil lumayo ang loob nila kay Jade nung nagdalaga na ito.

Kaarawan nang nakatatandang Tanchingco kaya may engrandeng selebrasyon sa mansion at ako ang plus one ni Paul para hindi daw siya mareto kung kani.kanino. Pinaghandaan pa nga niya ang mga gagamitin ko minsan gusto ko nang maniwala sa kantyaw nang iba.

"Mas gumanda ka G, mag.ayos ka nga lagi." Pambobola nang nagmamaneho kong kaibigan

"Kasama mo na ko, wag ka na mambola. Pauleng siguraduhin mong aalis din tayo agad, alam mong hindi ako sanay makipagsosyalan."

"Of course Gorgeous." Sabay kindat. Manginig ka Paul! Di kita type kahit lalaking version ka nang Mahal ko. Ano kaya magiging reaksyon niya pag nakita ako?

__

Pag pasok palamang namin ay marami nang mata ang nakatingin sa amin. Karamihan dito ay mapanglait. Marahil dahil hindi ako tulad nilang kilala. Pinag-sawalang bahala ko nalang, makakalimutan din nila ako pag di na nila ako nakikita.

Dumiretso muna kami sa mga nakakatanda upang bumati. Naramdaman ko ang paghigpit nang braso ni Paul sa kamay ko kaya napatingin ako. Narito ang Pamilya Limjoco.

"Angkong, Happy Birthday!"
"Maligayang kaarawan po Sir John." Ginaya ko lang ang ginawa ni Paul na pag mano.

"Salamat Paul, Althea. Angkong na ang itawag mo sa akin Iha. Hindi ka na iba. Enjoy the rest of the evening ha. Ikaw na ang bahala sa kanya Paul." Bilin ni Angkong. Ehem.

Umupo kami na para kumain. Dun kami sa secluded table para di halata na madami kaming kinuha. Di mapigilan nang mata ko ang pag tingin kung saan saan. Ang tagal naman kasi niya. Gusto ko na siyang makita, panigurado, pink na naman ang gown niya.

"Jade's here." Ani ni Paul.

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Nagtutumpukan na sila sa entrance e. Celebrity Brat."

Syempre naexcite ako, kaya tumayo ako para tignan din siya pero pinigilan ako ni Paul.

"Dito ka na lang, makikita ka din nun at ikaw ang pupuntahan."

Sasagot sana ako pero sakto ang pagpasok niya. Sinong hindi makakapansin? Angat ang kagandahan niya sa suot niyang kulay pula. Nagkatinginan kami ngunit ang ngiti ko ay nawala nang mapansin ako ang panira. Umiwas siya nang tingin pero tinanggal naman niya ang kamay niya sa braso ni David at naunang maglakad papunta kay angkong.

"She is so jealous."

"Ha?"

"Badtrip na naman sakin yan sigurado dahil ikaw ang date ko. Tara sa veranda muna tayo para bumaba ang kinain natin."

Habang naglalakad kami naririnig ko ang usapan nang ibang bisita.

"Bagay talaga sila. Match daw ang result sa. . . ."

". . . . merge nang company nila."

"Napakaswerte nang Limjoco. . ."

Nasira na naman ang gabi ko, gusto ko nang umuwi. Sa condo ni Jade lang laging masaya e.

"Ang bilis nilang magdesisyon sa buhay nang iba no? Ganyan ata pag chinese." -Paul

"Wag ka nang maingay, naniningkit na sila sa galit oh."

"Kilala mo ba yung moreno na yun? Si Mr. Lim?"

"Si Park D. Lim?"

"Hahaha naka.arrange marriage na yan kay Tina."

"Tina Go?"

Nagtawanan lang kami sa kakornihan namin. Nang dumating si Jade.

"Who's Tina?"

"Jowa ni Park." Sagot nang kuya niya. At natawa na naman kami.

"What?? Never mind. Althea I've been calling you kaya pala hindi ka sumasagot kasi busy ka."

"And you, why are you stealing her from me Dhiya? Don't you have a friend kaya bestfriend ko lagi mong kasama?" Pananaray ni Jade.

"Jade, we're friends and co-worker. Boss ko din kaya madaming dahilan para magkasama kami." Ako na ang sumagot para hindi na sila mag.away ulit.

"And it's not your business Shobe. Buti nga hinintay ka pa namin bago kami umalis. Take your time talking, we'll be leaving soon."

"G, may kukunin lang ako then alis na tayo ha. Be back in a few." Bumeso pa talaga sa akin. Nang aasar din talaga e. Hays

Jade's looking at me intently. Hindi ko na naman mabasa ang nasa isip niya.

"You look good in red din pala. Expect ko pink ang gown mo ngayon." Hehe kamot kilay kong sabi para di ackward

"Thank you. And You look ravishing. Sayang.. Where are you going anyway?"

"Ha? Hindi ko alam kay Paul e. Basta sabi niya lang sakin kakain lang kami dito tapos ok na. Teka, kumain ka na ba?"

Sumagot naman siya at naiba na ang usapan namin at tumagal naman kaso. .

"Babe, Tito Oscar is looking for you. Tara." Di namin namalayan yung unggoy na dumating. Epal.

"Susunod nalang ako. Mauna ka na. Thanks."

"He asked me to get you."

"Sige na Jade, aalis na rin siguro kami. Nanjan naman na si Paul."

Tinitigan muna niya ako nang nakakailang bago umalis. Bakit ba ganun makatingin yun. Nakakatakot.

"Iniwan ka nang bestfriend mo? Tss. Tara na. Hahatid na kita."

"Akala ko may pupuntahan pa tayo?"

"Inaasar ko lang si Jade. Effective no. Leggo!"

Nakasakay nako sa sasakyan nang may biglang tumawag kay Paul.

"Sir Paul, hinahanap po kayo ni Sir Oscar. Puntahan niyo raw po siya."

"Sige salamat. G, sandali lang ha."

I nod and look for my phone to text Jade.

Nagulat ako nang may pumasok sa driver seat. Sobrang bilis pala nang sandali ni Paul. Pero mas nakakagulat nang makita kong nakapula ang sumakay.

"This ride has been override." After saying that she wink. Starts his brothers car and drive away.

__

1000 words.
Merry Christmas Rebels! ❤

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon