Siguro mga limang sigundo nang madilim tapos biglang may isang bola ng ilaw at dahan-dahan itong nababa mula sa aking itaas na parang malaking snowflake; hinintay ko itong malaglag ng tuluyan sa palad ko. Noong nasa palad ko na ay may napansin ako. –may mahinang boses akong narinig at sinasabi nito ang pangalan ko ng paulit-ulit. Noong mga panahong iyon feeling ko nasisira na ulo ko whahahaha.
Sabi nila "malalaman mo na mahal mo ang isang tao kapag nakikita mo ang kanyang mukha sa mukha ng lahat ng taong nakikita mo." Kaya nagtaka ako kung bakit biglang may naramdaman akong pusa sa mga paa ko at kaamoy ito ni Menri! –ano kayang ibig sabihin non? Mukang nasisiraan na talaga ako whaha!!.
Kinuha ko yung pusa at tinignan ko ang mukha nito. Bigla siyang nag-meow ng napakalakas at ayun! –nagising ako sa totoong buhay; sa Earth! I'm finally back! Bigla akong naalimpungatan at nakita ko na nasa loob ako ng isang silid sa ospital at may nga aparato sa katawan ko. Sakto namang tumingin sa vision panel o salamin ng pinto ang isang nurse at agad na tumawag ng doctor. Makalipas ang mga ilang segundo ay may doctor na pumasok. "Kumusta ka na hijo?" tanong ng doktor. E feeling ko bad breath ako kaya tumango nalang ako at pumikit para kunwari hindi ko pa kayang makipag-usap. Whahahaha. Bigla akong nabuhayan ng sabihin niyang "Tawagan mo ang mga magulang ni Mr. Malco.". –Sa wakas makikita ko na sila ulit!
Mga ilang minuto pa ay dumating na ang mga magulang at pinsan ko; kasama nila si Angel.
Nanay: Kmusta ka na anak?
Ako: Bakit san ba ako galing? Joke.
Nanay: Umayos ka!
Ako: Easy lang, Nay! Okay lang ako. Medyo mahina. Ano bang nangyari?
Nanay: May pumasok sa silid mo noon na mga lalake, hinampas ka nila ng bakal sa ulo at tinangka ka nilang kidnapin at dahil doon ay anim na buwan kang nacomatose! Tapos nakuha mo pang magbiro?! Buset ka!
*Bigla akong napahawak sa ulo ko at naramdaman ko nga na may bakas nga ako ng tahi ako sa ulo, mga four inches at haba. Bigla kong napansin ulit si Angela at kinausap ko siya.*
Ako: Angela, buti nakapunta ka din; Di ka ba busy?
Angela: Busy. Pero siyempre nag-alala din ako kaya nung tumawag sila nanay at sinabing nagising ka na, agad-agad kong tinawagan si Saul para ihatid ako dito
Ako: Oh, sino yung Saul? –Driver nyo?
Angela: Tanga, hindi! Boyfriend ko!
Ako: Aba sorry!
Matapos naming mag-away ng bahagya ni Angela ay kinumusta ko naman yung mga pinsan ko. As in isa-isa ko silang kinumusta! Noon ko nalaman na ikinasal na pala ang isa sa mga pinsan ko na si Mary Anne! Grabe nagulat ako whaha!! Matapos ang mga ilang minuto ay dumating naman ang mga kaibigan ko. Sina Toyang at Edbi (magboyfriend-girlfriend sila), Ammie, Aban, Erik, Jimuelle at Anice; May mga dala silang pagkain. Grabe yung mga dala nila! Laughtrip! Pero sa susunod na kabanata ko na ikukwento.
BINABASA MO ANG
The Girl Of My Dreams
RomanceHindi ka makatulog? magbasa-basa ka muna! Story ito ni Tom at ang dream girl niya na si Menri ngunit sa panaginip lang sila nagkikita. Sana maka-relate kayo. hindi ako manunulat kaya pagpasensyahan nyo na. pero promise ko sa inyo na every time na...