SIMULA

34 1 1
                                    

HAILEE'S POV(POINT OF VIEW)

"Weyt, tinawag mo daw ako?" tanong ko sa kanya. Weyt is my older brother, he's really strict with everything. Kaya wala siyang nagiging-jowa kasi ang sungit-sungit hmp!Habang nagkaklase kami ay pumunta siya doon ngunit hindi niya ako naabutan dahil nasa banyo na ako. Pagdating ko ay agad na sinabi sa akin ng guro na pinapatawag ako ng Kuya ko.

"Oo." seryosong sabi niya sa akin dahilan para tumayo ako ng tuwid. Sa tuwing seryoso to'y hindi mo siya mapapatawa o mapapangiti man lang.

"Bakit?" tanong ko pabalik, sumeseryoso na rin. Kahit na kinakabahan ay hindi ko pinakita dahil alam kong pag-iisipan nitong may kasalanan akong nagawa.

"May mga naririnig ako tungkol sayo," nagitla ako dahil wala akong maalalang ginagawang kababalaghan nitong mga nakaraang araw. Ang mga kaibigan ko lang naman ang natatandaan kong mga nakakasama ko, ha? "May nagsabi saakin na may nobyo ka na raw? Totoo ba?" sunod-sunod nitong tanong dahilan para mabilis akong umiling.

"Wala ha! Kanino mo naman narinig 'yan? Sa tingin mo magkakanobyo ako kung kasama ko lagi ang mga kaibigan ko?" naiiritang sagot ko sa kanya. Aba't ang kapatid kong 'to! Naniniwala ba siya sa mga sinasabi ng iba?

"Talaga? 'Wag mo lang subukang magsinungaling. Kilala kita, Hailee." pagdidiin niya. Nakakalokong ngiti ang binitawan nito. Naglikot ang mata ko, kung saan-saan umiikot.

Wala sa sarili akong tumungo sa klase pagtapos ng maikling usapang naganap. Kusang pumasok ang pangalan ng isang babaeng maaring nagpakalat ng maling impormasyon na 'to. Is that her way of pissing me? Well, flash news, sis. I'm not!

Si Angeline. Siya ang nambubuyo sa school namin. Simula elementerya pa man ay mainit na ang dugo nito sa akin. Nakiusap ako rito na tigilan ang pambubuyo sa akin dahil kapag nalaman ng mga mgaulang ko ang tungkol dito ay magiging malaking problema ito. Mag tatapos na ako ng pag hayskul ngunit hindi pa rin ako nito tinatantanan. Pero nung malaman ng magulang ko yung tungkol dito,pinatawag ang mga magulang niya at nakipag deal.Kung ipapagpatuloy niya parin ang pambubuyo,
mapupunta kami sa hukom.Hindi niya na ako binubuyo pero sinisiraan niya lang ako.
Isa kasi ako sa mga tinitingalaan ng mga students dito dahil daw sa taglay kog talino,bait at ganda.Ganun din ang Kuya.

Itinuon ko na lang pansin sa guro at nakinig sa discussion.Nung maglunch ay bumaba kami ng mga kaibigan.

"Hailee bakit ka tinawag ng kuya mo?" si Alexandria kaibigan ko.

"Oo nga.May kinalaman ba nanaman to kay Angeline?" si Akiz. Silang dalawa ni dria(Alexandria for short) ang mga naging kaibigan ko simula nung lumipat ako noong gr.5.

" Siya nga.Gumawa nanaman siya ng kalokohan."   Pagtutukoy ko kay Angeline. Siya lang ang nambubuyo sakin at wala nang iba.

"Ano sinabi tungkol sa'yo?" si Akiz.

"Ang sabi niya may nobyo ako eh bawal ako makipag relasyon at wala akong balak. Kung may makasama man tayo, para sa project or performance Task iyon."

"Nakakairita! Akala niya naman may makukuha siya tssss."

" Pahirapan nanaman ito sa pagpapaliwanag." Sabi ko. Hindi mo mapapaniwala agad ang kuya ko dahil may utak siya hahaha. Naalala ko tuloy nung nag swimming pool kami sa isang resort. Tumatakbo ako papuntang pool tapos madulas pa 'yung sahig kaya ayun nadulas ako tapos nauna yung noo ko. Wala sa paligid si kuya kasi kasama niya mga pinsan naming mga lalaki sa isang resto pero nasa loob parin ng resort na pinuntahan namin

FLASHBACK

  "Bakit lumaki ang noo mo?" Si kuya. Agad naman akong sumagot at ipinakitang ayos lang.

"Huwag kang magalala dahil nauntog lang ako sa sa pader" nakatingin siya sa'king mata na para bang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo. Iniwas ko ang paningin ko sakanya dahil baka masabi ko ang totoo at sasabunin nanaman niya ako ng mga salita.

"Ganun ba? Tignan nalang natin" nakangising sabi niya at tumalikod na siya papunta sa mga pinsan naming nagpipicture. Napa buntong hininga nalang ako dahil malalaman din naman ito ni kuya.

             END OF FLASHBACK

Habang pababa kami ay kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko kung paano ko malulusutan si kuya. Ilang beses akong bumuntong hininga dahil ang dami ko pang tatapusin tapos idagdag mo pa 'yung mga problema ko.

"Hi Hailee" nahihiyang tanong niya. Napahinto kaming tatlo at nagkatingin at sabay na ngumisi ang dalawa at nauna. Isa siya sa mga sumali sa quiz bee. Matunog kasi ang Garcia sa school at kami din ng kuya ko kilala kami dito dahil super close 'yung family ko sa owner ng school na 'to.

"Hello" pormal kong sagot sa kanya.

"May ibibigay sana ako sa'yo"

"ano 'yun?"

"Ito" binigay niya saakin ang isang box na naglalaman ng mga chocolates at kung ano-ano pa. "Sana magustuhan mo iyan." namumulang sabi niya.bahagya akong natawa dahil ang cute niya kapag namumula siya.

"Wow! ang dami naman nito. Naku dapat ay hindi kana nag abala pa. Nakakahiya naman, pero salamat. Titikman ko ito mamaya dahil mukha siyang masarap" nakangiting tugon ko sakanya.

"K-k-kurt a-ang panga-ngalan k-ko" kinakabahang sabi niya at nagkamayan kami at nagpaalam na sa isa't-isa.

"Taray!" Si Dria.

"Oh bakit?"

"Dati puro hi lang ang ginagawa sa'yo ng mga fans mo ngayon, may pabigay-bigay pa!"

"Kapag sumikat ka, huwag mo kaming kakalimutan bilang kaibigan mo ha? hindi ka namin mareach eh hahaha!" si Akiz. Natawa kaming tatlo dahil sa mga pang-aasar nila saakin.



Hello to my FLOWERS! sobrang thankful ako dahil binasa niyo ang aking istorya at isang malaking saya ang naidudulot ninyo sa akin.

REALIZEWhere stories live. Discover now