Bianca's POV
Kahit na humahangos kong nagpunta sa unit namin ay dahan-dahan ko pa ding isinara ang pinto para hindi ako makaistorbo.
Tinungo ko ang kwarto kung nasaan si Baby Calvin. Agad kong hinalikan ito sa noo at sa pisngi. Ang maisip na tadhana na talaga ang nagtakda ng pagkikita namin, magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Takot na baka maisipan ni Vincent na kunin ang anak ko sa akin. Kaba na baka manaig na naman ang pride ko kapag bumalik siya sa buhay ko. Hindi ko na napansin ang pagtulo ng luha ko. Hanggang ngayon, naguguluhan pa ako.
————————
Mas pinili kong maging normal ngayong umaga. Wala din akong balak sabihin kay Oshin ang pagkikita namin ni Vincent. Alam ko naman na uulitin lang nito ang sinabi niya sa akin last time. Ang payagang bumalik si Vincent sa buhay namin ng anak ko.
Wala pa sa salas si Oshin kaya naman naisip kong baka natutulog pa ito. Nagluto na rin ako ng agahan namin habang natutulog si Baby Calvin. Naghain na ako sa lamesa nang matapos ako sa kusina. Hindi na ako kumatok pa sa kwarto ni Oshin, bagkus ay binuksan ko na agad ang pinto ng kwarto.
"Beshy? Handa na ang....." Nagulat na lang ako sa nakita ko. Si Oshin.. kasama si Stanley? "a—ga-han."saka ko naituloy ang sasabihin ko.
"Sige, susunod na ako ... este kami."sabi naman nito.
Kahit sa paglabas ko sa kwarto ni Oshin ay ang harutan pa rin nila ang naririnig ko. 'Ganyan din kami noon ni Vincent.'sa isip ko.
Wait! Teka nga muna. Bakit ba siya na naman ang nasa isip ko? "Ano ba?!"inis kong sabi sa sarili ko.
Napatingin ako sa dalawa na magkahawak pa talaga ng kamay paglabas nila ng kwarto. "Ehem!"pagtakhim ko. "Alam n'yong wala akong lovelife. 'Wag kayong mang-inggit ng ganyan."pagbibiro ko pa. At talagang nakuha ko pa magbiro 'no?
"Hindi ka naman namin iniinggit. Gusto ko lang maging sweet kay Oshin all the time. Tagal din bago kami naging ganito ulit sa isa't isa."si Stanley.
"Hay naku! Bawal ang drama dito Kengkoy!"si Beshy.
Hindi ko maiwasang hindi mainis sa dalawa. Pati ba naman hanggang sa pagkain ay magkahawak kamay pa. Tapos kung magsubuan pa. Hindi na nahiya sa akin. Kulang na lang ay itali nila ang sarili nila sa isa't isa. Mukha namang nakakahalata rin itong si Beshy. Tahimik ito habang kumakain 'e.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na si Stanley. Ngayong araw na din kasi ang balik ng lahat sa normal. Inimpake na rin namin ni Oshin ang mga gamit namin. May kaba akong lumabas sa hotel. Baka makita ko na naman si Vincent sa paligid.
"Beshy?"tawag sa akin ni Oshin.
"Hmm?"
"Let's go."Tumango na lang ako dito saka sumakay ng kotse.
————————
Vincent's POV
Itinawag ni Garren sa akin na ngayong umaga ang balik nina Bianca sa Cavite. Nag-impake na rin ako. Hindi naman ako nabigo na makita ang mag-ina ko bago pa man ito makasakay sa kotse kasama si Oshin.
While I was driving pabalik ng Cavite, hindi ko maiwasang maisip ang pagkikita namin ni Bianca. I did not expect to see her. Lalo siyang gumanda sa malapitan at ang malambot niyang kamay ay nahawakan ko pa. Mabilis ang pangyayaring iyon. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hanggang sa pagtawag lang ng kanyang pangalan ang nagawa ko. Hindi ko man lang siya hinabol nung oras na iyon para yakapin at makiusap na bumalik kami sa dati.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Fiksi UmumWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...