(magsign of the cross at magdasal muna bago basahin, pls. At patawad po talaga)
+++++
Dear Death,
Asan ka na? Dito na me waiting 4 u. Txtbck.Isa. Dalawa. Tatlong beses na pagtatangka na walang bisa. Gusto ko ng mamatay! Kamatayan, kunin mo na ko, please. Kunin mo na ko... please.
Ganyan ang lagi kong dasal bago matulog at pagkagising pero hindi nagkakatotoo. Badtrip. Napakahirap ba ng hiling ko? Hindi naman ako naghahangad ng materyal na bagay o ginto. Ang simple simple lang ng hiling ko hindi pa maibigay. Like duh? Babawiin lang naman niya yung buhay na ipinagkaloob niya sa akin. Yun lang. Like, ano ba bakit ayaw mo akong patayin?
Pagod na ako sa buhay ko. Pagod na akong maging tao. Pagod na akong maging ako. Pagod na akong maging si Lito.
Pagod na pagod na ko.Pero bilib talaga ako sa nasa itaas, hindi talaga siya nagsasawang pakinggan ako. O baka hindi niya ako pinapakinggan, kaya hindi nagkakatotoo? Hindi kasi maganda ang hiling ko. Aminado naman ako doon.
Alam kong maling hilingin ang bawiin ang buhay na ipinagkaloob na niya. At siguradong ang mga taong nagnanais na pahabain pa ang mga buhay nila ay gi-giyerahin ako. Dahil sinasayang ko ang isang bagay na gustong gusto nila.
Pero anong magagawa ko? Iyon talaga ang gusto ko. Kung pwede ko lang ipamigay na lang sa kanila itong buhay ko. Paghati-hatian nila kung gusto pa nila, gagawin ko. Basta in the end gusto ko patay ako.
Iniisip siguro ninyo, bakit hindi na lang ako ang gumawa? Bakit may pa-hiling hiling pa akong nalalaman? Kung gusto ko talaga, ba't di ko na lang gawin?
Well, I tried. But I failed. Sa dami ng beses di ko na nabilang.Sinubukan kong uminom ng lason pero hindi epektibo. Nahilo lang ako at nag nosebleed. Hindi naman ako namatay.
Sinubukan ko ring magbigti pero masyadong mataas ang kisame namin, hindi ko maabot. Badtrip.
Sinubukan ko rin ang magpakagutom pero dalawang linggo na buhay pa rin ako. Kasinungalingan lang yung sabi-sabi na nakamamatay ang hindi pagkain sa loob ng tatlong araw. Dahil ako ang living proof.
Sinubukan ko rin ang hindi matulog, pero wa epek. Dahil as you can see, I'm still alive and kicking. At nakuha ko pang ikwento ang talambuhay ko di ba?
Sinubukan ko ang tumalon. Nagpakapagod akong umakyat ng bubungan ng bahay namin para lang utusan ng nanay ko na magwalis ng bubungan namin, nung makita niya ako doon. Tirik na tirik pa naman ang araw nung panahon na yon. Kaya ang ending, natusta ako. Muntik pa akong hindi makilala ni nanay at ng kapatid ko pagbaba ko mula sa bubung. "Ako 'to." Sagot ko nung tinanong nila ako kung sino ako. Paano nila ako nakilala? Sa boses kong walang kagana-ganang magsalita as usual.
Sinubukan kong magpakasagasa, tinataymingan ko talaga na pag malapit na sa akin ang sasakyan bigla akong tatawid. Pero pumepreno ang mga sasakyan. Hindi nila ako sinasagasaan. Yung iba minumura at sinisigawan pa ako. At may gana pang magtanong kung nagpapakamatay ba ako? Duh. Oo kaya. Ang slow din ni manong. Tatanong tanong pa talaga ha? Di pa ba obvious? Sa sobrang badtrip ko tuloy, umuwi na lang ako.
Kaya nga ngayon, padasal dasal na lang ako kasi naman palagi na lang akong naba-badtrip pag sinusubukan kong magpakamatay. Na para bang may pumipigil talaga sa aking mamatay.
Hindi ko talaga maintindihan si kamatayan. Pag hinahanap, hindi makita, pag kailangan hindi mahagilap. Pero kung kelan gusto mo pang mabuhay saka naman siya darating at kukunin ka.
Kaya ang naisip kong solusyon sa problema ko ay ang hangaring mabuhay pa. Nang sa gayon ay baka dumating na siya at patraydor niya akong kunin. Katulad ng palagi niyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Dear Death
Fantasy"Hindi ako makapaniwalang sa ganito matatapos ang buhay ko. Sa dinami dami ng paraang sinubukan ko, hindi ko kailanman naisip ang ganitong scenario. Ang magligtas ng buhay at magpaka-hero. At mas lalo na ang ma-inlove after death."