CHAPTER 15

154 6 3
                                    

A/N: after napakatagal na hiatus.... eto na ulit ang kasunod na chapter nitong story. Teehee. Peace.✌️
Thanks to xXxRyxXx  for the encouragement and support! 😀🙂
Kailan ko pa kaya to matatapos?
Any ideas for the story? Natutuyo na po kasi ang utak ko. Help!
I would really appreciate a small chat about this story and my other unfinished stories too right now.
Wanted: story buddy. Position open for application.
Anyway, eto na talaga!

"Bitiwan mo ako! Saan mo ako dadalhin?!" Pagwawala ko habang kinakaladkad ako ni Kuya Cliff papalabas dito sa gubat. Pinilit kong maging malakas kahit sa loob-loob ko, parang gumuho na ang lahat nang makita ko kung papaano nalaglag si Gian sa mataas na bangin at unti-unting nawala sa paningin ko Ayokong maniwala na wala na siya. Yung parang sa mga drama sa TV lang na nangyayari, yung hindi basta-bastang namamatay ang bida. Yung babalik pa silang buhay at walang galos pagkatapos ng araw.

Pero hindi eh. Hindi drama ang buhay ko, kundi trahedya, sunod-sunod na trahedya. Hindi din to sa TV kundi totoong buhay.
At talagang...
totoong...
namatay...
Hindi pwede! Pinahid ko ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. Iniyukom ko ang kamay ko at pinaghahampas si Kuya Cliff, naghahanap ng masisisi sa mga nangyari.

Hindi niya ito pinansin at patuloy parin siya sa pagkaladkad sa akin papalabas sa gubat hanggang umabot na kami sa highway. May nakita akong itim na sasakyan na nakapark sa di kalayuan. Hinatak niya at papunta doon.

Nagpumiglas akong makawala pero masyado siyang malakas kaysa sa akin. Oo nga pala. Bigla kong naalala ang M16 na inilagay ko sa likod ko. Palihim ko tong kinuha at mabilis pa sa alas dose na kinasa at idinikit sa bunbunan niya. Napatigil si Kuya Cliff.

"You know you can't do it Laurence. Hindi ka mamatay tao tulad—tulad ko." Parang walang kabuhay-buhay na sabi ni Kuya Cliff. Nalingat lang ako ng konti dahil kung anong bilis kong itinutok sa kanya ang baril, ganun din niya kabilis na na disarm at inagaw mula sa akin.

"Kaya ko nga ang sarili ko! Bitiwan mo ako! Babalik ako dun! Ayokong sumama sa iyo!" Galit na sigaw ko.

"Laurence..." Hindi ko na mapigilan ang galit ko nang makita ko ang ekspresyon ni Kuya Cliff na para bang pinagsisihan niya ang lahat ng pangyayaring nagaganap. Hindi ko na din mapigilan ang kamao ko at sinuntok siya.

"Hinding-hindi ako sasama sa iyo hanggang hindi ko nakikitang ligtas sila Gian at ang iba pa!" Sinalo niya ang kamao ko at hinawakang mahigpit ang dalawang braso ko. Pinilit niya akong tinignan ng diretso sa mga mata.

"Hindi mo naiintindihan. Alam kong nag-aalala ka Laurence pero kailangan mong sumama sa akin. Wag na tayong magsayang ng oras." Hindi ako makawala sa maghigpit niyang pagkakahawak. Ipinasok niya ako sa loob ng kotse kahit na nagpupumiglas ako.

"Ano ba Kuya Cliff! Saan nga tayo pupunta!?" Isinara niya ang pinto ng sasakyan at hinarap niya ako.

"Somebody is waiting for you." Mahina niyang sagot. Bigla na lang akong kinilabutan.
~~
"Everyone, disperse and search this area." Rene motioned the men while Yellow stood beside him infront of the flaming cabin na pag aari ng mga Fontana. Iniwan nila ang mansion sa pamamahala ni Gin at sinundan sila Gian dito sa gitna ng gubat kung saan nakatago ang cabin na isa sa kanilang mga safe houses para siguraduhing ligtas sila.

They were too late it seems. Inabutan nila ang kambal na sila Alex at Andie na pinapaulanan ng bala ng mga tauhan ni Enriquez.  They managed to hold it until the back up came. Kung nahuli lang sila ng ilang minuto, halatang bibigay na ang isa sa dalawang kambal na si Andie dahil sa tama nito sa tagiliran,  may tama din ng bala sa kanang braso at kaliwang binti si Alex kaya di sila maka-alis sa pinagtataguan nila sa garahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Got A GUN?! [ROMANCE X ACTION X COMEDY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon