EDUARD P.O.V
Na aamaze ako ng sobra Kay Seth Athens, alam na alam niya kung paano inisin ang bawat isa sa amin, what a good observatory mind and dangerous mind set.
"Para siyang sibuyas, ang daming balat." Bulong ni Arman sa akin habang tinitingnan si Seth mag luto ng break fast sa kitchen bar.
"Student ko siya ngayon kaya wag kayo makialam sa amin mamaya." Sagot ko sa kanya at naupo sa kitchen Bar.
"Seth athens, lutuan mo ako ng specialty mo for breakfast" demand ko sa kanya at nginitian siya.
"Ajjushi, bakit ang gwapo mo? Kyaaah! Smile ka lang lagi ah. Sige ako bahala sa breakfast mo ajjushi." Baliw talaga ang bata na ito, nag simula na siya mag luto at nanonood lang ako. Makikita mo talaga sa kanya na matagal niya ng ginagawa ang pag luluto dahil sa kilos at bilis niya gumalaw na parang memoryado niya ang buong kusina.
"Saan ka natuto mag luto Seth?" Tanong ko sa kanya, hindi pa gising ang iba eh kaya mag kwentohan muna kami.
"Lagi akong nag pa partime sa mga cafe and on call sa hotel for cook assistant, mabilisan kasi ang galaw dun kaya nasanay na ako." Mukha ngang ang dami niyang pinapasukan na trabaho bago pa siya mapunta sa amin.
"So marunong ka rin sa mga drinks?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Oo, mula sa juices, frappe's, milk tea, smoothies, fruit shake's, cocktails, and hard drinks." Paliwanag niya habang nag luluto.
"So lahat ng mga kaalaman mo sa actual ay dahil lang sa mga trabahong pinapasukan mo?" Paniniguradong tanung ko sa kanya.
"Yes, ajjushi." Sagot niya habang nagluluto pa rin ng ulam.
"Paano naman yung sa archery mo? Magaling ka diba? Nabasa ko na isa kang top player ng palawan sa archery sports." Napatigil naman siya sa ginagawa niya sandali at nag patuloy pa rin sa pag luluto.
"Ah! Yun ba? Oo, dati akong man lalaro ng archery. Tumigil lang ako dahil sa tingin ko wala naman akong makukuha roon" nakangiting wika niya sa akin bago ihain ang isang French breakfast with red wine.
"Whoa! Mukhang masarap to ah!" Tinikman ko ang omelet na ginawa niya.
"Humm. Ang sarap nga! Cheesy at malinamnam ang lasa. The best breakfast to ah. Salamat!" Lalamutakin ko na sana ang pag kain ko ng biglang nag sulputan ang mga bagong gising na kasama ko.
"Pahingi din kami Seth!" Arman
"Ang daya mo naman!" Oscarion
"Bakit siya lang!?!" Secar
"Oh! Ayan sa inyo! Philippines breakfast! Lamayo with garlic rice!" Nilapag ni Seth ang mga pagkain nila at kumuha na rin siya ng pagkain niya na katulad rin sa akin.
" bakit nyu kasi inaway kahapon!? Yan tuloy! Daing ulam natin!" Reklamo ni Oscarion.
"Bakit kay Eduard masarap!?" Pamimilit ni Arman.
"Ah, ayaw nyu kumain, akin na yan! Uubusin ko!" Pang iinis ni Seth sa kanila ulit. Tahimik lang naman si Alfred at Leo. Tsk tsk. Tiklop sa bata.
"Hindi.. uubusin namin to! Diba? Diba!?" Nag hahanap pa si Arman ng kakampi.
"Nag puyat pa ako para i marinade yan at tanggalan ng bones tapos ayaw nyu kainin?! Ngayon, ubusin nyo ang kanin jan sa rice cooker lahat ah!" Pagalit sa kanila ni Seth at nag simula na nga kaming kumain. Ako nginingisian ko lang sila, pikon naman pala mga ugok na to.
Nabusog naman kami ng sobra dahil ang dami ngang pinakain sa amin ni Seth.
"Mag simula tayo para sa Poison lesson mo mamaya Seth, kaya mag refresh ka muna ng pang amoy mo, pwede ka gumamit ng coffee beans." Paliwanag ko kaya nag hanap na siya ng coffee beans sa kitchen bar.
Maya maya pa ay pumunta na kami sa laboratory ng mansion.
"Mag suot ka ng laboratory gown, gloves, at salamin para sa mata" binigay ko naman sa kanya ang mga kailangan niya.
Nag simula na kami sa pag aaral sa bawat lason, mula sa mababang dosage at sa pinaka nakakamatay na lason. Sumunod kami sa kulay ng mga lason at kung anong kulay ang kalalabasan nila pag nalagay sila sa ibang chemicals or materials. At ang pang huli ay sa amoy ng bawat lason at kung paano ma identify ang mga lason na walang amoy.
Pinagawa ko siya ng lason ayon sa procedure, at madali talaga niyang masundan ang mga procedures kahit isang beses ko pa lang na idemo.
"Ito ajjushi, look." Pinakita niya sa akin ang isang walang kulay na likido at wala rin namang amoy ng amoyin ko ito.
"Tubig ba ito?" Alanganin kong tanung.
"Hindi, yan ay isang high dosage poison that can kill you within three days in slow and painful way. Unti unti niyang tutunawin ang mga organs mo then cells and skin mo hanggang sa buto na lang ang maiiwan sayo." How in the world she did this?
"Mahilig ako sa science ajjushi, i love experimenting things, foods, and specially formulas." Dagdag niya pa.
"This is amazing! But be careful with this, okey?" Nilagay ko sa isang lalagyan ang likido at nilagay sa high dosage cabinet.
"Hindi bale ajjushi pag may time tayo gawa pa tao ng iba pang poisons." Nakangiting wika nito.
" ah! Kailangan nga pala natin gawaan ng antidote yan. In any case lang." Mukha ngang kailangan namin talaga gumawa ng mga antidote. Delikado itong bata na ito. Yan ang hirap pag sobrang talino ng tao, nagiging delikado.
Tumagal kami sa lab, halos 12 hours kami kaya dinner na pag labas namin.
"Ang tagal nyu naman masiyado!" Reklamo ni Arman, bakit ba napaka reklamador nito ngayun?
"May ginawa ka na naman bang kalokohan ha?" Simpleng tanong ni Leo. Naku kung ako sayo mag papaka bait na ako sa kanya.
"Wala naman. Gumawa kasi ako ng lason na walang kulay at walang amoy. Hindi nga namin mahanapan ng antidote. Hays." Hala, bakit nag sinungaling siya?
Kumuha siya ng tubig at uminom.
"Gusto nyo cold water?" Napalunok naman sila. Damn it! I can't believe na napapaglaruan talaga sila ng bata na ito.
"Okey lang. Hindi kami uhaw.." mahinang sabi ni Alfred. Nag pipigil lang ako ng tawa.
"Anong effect nung water poison mo?" Tanung ni Oscarion. Tsk tsk.
" three days slowly and painful torture. Tutunawin lahat ng organs, cells, and last skin mo until buto mo na lang ang maiwan. Walang kahirap hirap, three days lang wala ng amoy ang bangkay mo, gagawin ko na lang display koleksyon ang buto mo sa Lab." Naka ngiting paliwanag ni Seth. Kaya mas lalo pa silang napalunok at namutla.
"Take care of this Eduard." Mahinang wika ni Leo at tinapik ang balikat ko.
"I got this." Simpleng sagot ko kay Leo.
Nag pahinga na rin kami dahil bukas ay papasok na sa School si Seth Athens.
Guys! Ito na!! Pasensya na sa error words and vocabularies.. please vote this chapter guys!! Kamsahamnida!!