Grade Three ako no'n, at ikaw naman ay nasa Grade Six na. Inaabangan ko palagi ang pagdaan mo sa bahay namin, kasi gusto mong kasama ang ate ko pagpasok nyu sa school. Magkaklase kasi kayo. Habang hinihintay mo si ate sa labas ng bahay, at habang nakaupo ka sa kulay berde na upuan namin, tinitingnan kita. Ikaw naman, parang hindi mo ako nakikita. Nakatitig ka lang sa cellphone mo. Napakaganda mo talaga, lalo na pag napapangiti ka habang nagbabasa ka sa kung ano man ang nasa cellphone mo. Ang pupungay ng iyong mga mata, ang ganda ng hugis ng iyong labi. Parang rosas na ngayun lang namukadkad, napaka sariwa. Tinatanong ko nga ang sarili ko, kung magsing edad kaya tayo, mapapansin mo ba kaya ako? Ang sarap tingnan ng mga daliri mo habang parang nag-uunahan sa pagpindot sa keypad ng cellphone mo. Sa tingin ko nga pati sila ang sasaya na palagi kang kasama. ang iyong mga mata na kahit sa ibang bagay nakatingin ay parang gusto ko nang malusaw, paano nalang kung sa akin nakatitig ang mga yan? ha ha ha. At sa tuwing aalis na kayo ng ate ko, nagbabakasakali pa rin akong lumingon ka sa aking direksyun sa tuwing tinatawag ang pangalan ko ni ate. Pero wala pa rin, kasi para sa'yo, ako'y isang dakilang uhugin na bata lamang. Ha ha ha.
YOU ARE READING
Kung Magbabalik Ka
RomanceMagkasuyong pinaglayo ng pagkakataon. Pilit na ipaglaban ang pag-iibigan hanggang sa may isang sumuko. Pagsukong dala lamang ng sobrang pagmamahal para sa isa. Dahil sa kagustuhang lumigaya ang isa at pagpaparaya para sa pansariling kaligayahan.