ILang araw nalang mag uumpisa na ang klase ko. Nagshift ako ng kurso from Hrm to BSBM, para naman mapangalagaan ko ang mga negosyong naiwan ng magulang ko.
ilang araw nalang sasabak na ako sa bagong pakikisalamuha, Haharapin kona ang araw araw na realidad dito sa manila.
"Yaya flor hindi ba talaga tayo pwedeng lumipat nalang ng bahay ?" tanong kopa ulit sa matandang katiwala.
"Maria Alexandria, anak gusto mo bang iwan ang bahay na pinaghirapan na ipundar ng magulang mo?" mahinahon nitong tanung sa akin
Hay nako! Bakit ba nauso ang pagtatanong kung isang tanong din naman ang isasagot?
Sino bang nakaimbento nito ng matumba kona."E kasi naman yaya parang hindi ko kayang makipagsapalaran sa labas ng bahay na ito sa araw araw. Twing lalabas ako sa gate na yan yung tingin sa akin ng mga tao e' parang lalamunin ang tulad kong maganda" pagmamaktol ko at nagflip pa ako ng buhok.
"Tigilan mo ako Maria Alexandria..Hindi tayo lilipat, hindi natin iiwan itong bahay ng magulang mo. Pasasaan ba't magsasawa din ang mga yan sa pangchichismis nila. Habaan mo ang pasensya mo tulad ng mga magulang mo. Sabi ko nga sa iyo magsasawa't magsasawa din yang mga iyan" mahinahon nitong paliwanag at iniwan na ako nito sa sala.
Sige walk out pa more.. Lagi nalang nang iiwan tung matandang to sarap ikandado sa bodega at ipakain kay Lolong d' crocodile e.
"Pasasaan ba't magsasawa din sila" Kelan ba nagsawa ang mga chismosa sa pakikipagchismisan ?? Ano ba ang napapala nila sa chismis ? Nakakabuhay ba ito ng pamilya? May sweldo din ba ang pagiging chismosa't chismoso ?
Edi kung may sweldo nga sila edi Wow! ang yaman na siguro ng iba sa kanila.
edi kung tunay ngang may sweldo ang pakikipagchismis. Hindi nalang ako mag aaral, makikipag chismisan nalang ako buong araw.Gigil talaga ako sa mga ganyang tao.
Buti pa sa probinsya walang ganito, kung meron man kakaunti lang. Bigla ko tuloy namiss ang probinsya namin. Namimiss kong gumising at bumangon sa higaan ko doon, namimiss kong tumambay sa bukid kasama ang plastik kong kababata, namimiss ko makipag barahan sa mga kapitbahay naming palaban din sa pangbabara.Namimiss kong lahat. Pero higit na namimiss mo ang magulang ko. Hays.
Paulit ulit kong inaalala ang mga magagandang alaala ng magulang ko sakin. Kaya ayun, paulit ulit din akong sinasampal ng katotohanang wala na nga sila at masanay na akong mag isa dahil wala naman talagang forever.
Pero neknek nyo. Hindi pa ako nag iisa. Remember may yaya flor pa ako. Kaya imbes na panghinaan ako ng loob sa pagkawala ng magulang ko at mag emote habang buhay ko e, sige tuloy lang ang buhay.
Kasi alam kong hindi pa ako nag iisa, alam kong malapit lang ang magulang ko sakin. Malay mo nasa likod ko lang sila tapos kakalabitin ako at sasabihing "Anak tama na drama dimo kinaganda iyan". Wag naman sana.