MFW 💫6
Natapos ang maghapon na wala akong ibang ginawa kundi ang umiwas ng umiwas sa babaeng yon.
Gabe na nang muli akong pumasok sa bahay,
Nakita ko naman syang nagkakalkal sa karton na lagyanan ko ng damit.
Napatigil sya nang makita akong pumasok,"G-gusto ko sanang maligo, s-saan ang damitan ko" tanong nya sakin
Ito na nga ba ang problema eh, sinabi nilang asawa ko to, samantalang wala naman kagamit gamit to dito,
"M-maliligo ka na?. S-sabi ng doctor bawal ka pa daw maligo" pagsisinungaling ko
"Ha?. Sobrang kati na kasi at lagkit ang pakiramdam ko e" sabi naman nito,
Lumapit ako at naghanap ng pwede nyang masuot.
Nakakita naman ako ng puting t.shirt at boxer ko,
Iniabot ko ito sakanya
Ibinulatlat naman nya ito at tinignan."S-sakin ba to?" Tanong naman nya
"H-hindi, saakin yan"
"Wala ba kong sariling damit?" Tanong na naman nya
Ano ba naman to, napakahirap namang magsinungaling sa babaeng to, masyadong ang daming tanong.
Kung ganito ng ganito hindi ko matatagalan ang babaeng to,
Hirap na hirap na nga akong iwasan sya eh."Ayan na nga diba?! ,damit na nga yan kung ano ano pang hinahanap mo!!" Bulyaw ko sakanya.
Saka lang sya natahimik at yumuko.
"Sorry" mahinang sabi nya."Maglinis ka na ng katawan don"
Pagkasabi ko ay lalabas na ako ulit,"Saan ka pupunta?"
Tanong na naman nito .
Imbis na sumagot ay binalibag ko ang pinto,
Tanong ng tanong , daig pa ang asawa kung makatanong.Wala nang ibang alam gawin kundi magtanong kung saan ako pupunta o anong gagawin ko,
Kala mo naman ay mawawala ako. Haist !Lumabas ako para maghanap ng mabibilhan ng lutong ulam at kanin,
Kung noon ay sarili ko lang ang ginagastusan ko para sa pagkain,
Ngayon ay dalawa na.
Nakakainis man isipin ay dagdag gastos pa itong babaeng ito.Minsan na ring sumagi sa isipan ko na sana nga ay sumang ayon na lang ako kay buboy at iniwan na namin ang babaeng yon sa gilid ng bangin,
Bumili ako ng isang klase ng ulam na gulay at dalawang supot ng kanin,
Bahala sya kung hindi nya gusto to o kung hindi sya kumakain ng gulay .
Kung ayaw nya libre naman syang lumayas ng bahay.Pagbalik ko ng bahay ay napako ako sa kinatatayuan ko.
Para akong istatwa at hindi makagalaw.
Nakapaglinis na sya at suot suot nya yung binigay kong damit sakanya.
Suot nya yung damit ko.
Nakatalikod sya at nakapusod ang buhok nya,
Dahil sa hindi sya ganon katangkaran, at mahaba ang damit ko ay umabot sa hita nya ang t-shirt, para naman syang walang suot na short dahil natatakpan ng t-shirt ang boxer short na suot nya.Sunod sunod ang naging pag lunok ko nung makita ko sya,
Si Cristine. Ganitong ganito rin,
Hilig nyang sinusuot ang mga damit ko.
Dahil daw sa maluwag at napaka presko,"Tin?" Tawag ko.
Lumapit ako at niyakap sya mula sa likod, napagitlang sya sa gulat,"A-aray" mahinang sambit nya.
Para naman akong sinampal ng pag aray nya kaya bigla akong napabitaw,"S-sorry" mahinang sambit ko
Nilingon nya naman ako agad
"Okay lang, natamaan mo kasi tong sugat ko e" sabi nya sabay ngiti sakin.Akmang hahawakan nya ang mukha ko kaya mabilis ko itong hinawe,
At nagtungo ako sa lamesa.
Inilapag ko don ang mga binili kong pagkaen."K-kumain ka na" sabi ko nang hindi sya tinitignan. Lalabas na sana ako nang biglang magsalita sya.
"Mamaya na ako kakaen" sabi nya at ipinagpatuloy ang pag aayos ng sapin ng higaan.
Tutal ayaw pa naman nyang kumain , bumalik ako sa mesa at hinain ang pagkaing binili ko,
Mauuna na akong kumain.Hanggat maaari kasi ay ayoko sana syang makasabay kumain,
Dahil baka magkaron pa sya ng pagkakataong magtanong ng magtanong at yun ang iniiwasan koKumakain na ako nang bigla nyang itigil ang ginagawa nya at kumuha rin ng plato saka sumabay saking kumain,
Napatingin ako sakanya at ngumiti lang ito sakin,"Akala ko ba di ka pa kakain!" Inis kong sabi
"Hindi pa sana kanina, kasi akala ko lalabas ka pa eh. Aantayin kasi sana kita para sabay tayong kumain" at muling ngumiti saakin,
Natahimik naman ako nang maisip na kahit yata anong pagsusungit ang gawin ko sa babaeng ito ngingiti at ngingiti pa rin sya saakin,
Titigil na sana ako sa pagkain at tatayo na,
Nang bigla nyang hawakan ang kamay ko."Gabriel, magsabay na tayong kumain. Please?"
Napaka amo ng mukha nya,Nag iwas ako ng tingin dahil parang nang aakit ang mga mata nya,
"Please??" Muling sabe nya"S-sige, basta ayoko ng madaldal habang kumakain ha"
Tumango sya at umarte pang nag zipper ng bibig.
Napailing na lang ako , saka nagpatuloy sa pagkain,May pa minsan minsan na napapatingin ako sakanya at nakikita kong nakangiti syang kumakain,
Pagtapos kumain ay naghugas na sya ng pinagkainan.
Ako naman ay lumabas para bumili ng sigarilyo.
Sympre hindi mawawala yung kapag lalabas ako ng bahay ay tatanungin nya ako kung saan ako pupunta.
Pero ang maganda lang sakanya ay kapag tinignan ko sya ng masama ay bigla na syang tatahimik at hindi na magtatanong pang muli.Nang matapos ako manigarilyo at medyo malalim na ang gabi ay naisipan ko nang umuwe,
Naabutan ko naman syang nakahiga na."Tara matulog na tayo"
"M-mauna ka na" sabi ko
"Gabriel, matulog na tayo, malalim na ang gabe. Promise hindi ako magdadaldal"
Napabuntong hininga na lang ako sa tumango,
Ngumiti naman ito ng malaki.
Saka tinapik tapik ang isang bahagi ng higaan,
At nagsasabing mahiga na ako sa tabi nya.Habang nakahiga ay laking gulat ko nang bigla nya akong yakapin.
"Goodnight Gabriel" bulong nya.
Mabilis kong tinanggal ang kamay nya sa pagkakayakap sakin at nagpatagilid ng higa.Napaisip na lang ako na hindi ba sya natatakot sakin?.
Na baka kung ano ang gawin ko sakanya,
Lalake ako at babae sya,
Pero teka!!. Pano nga pala sya matatakot sakin, eh ang alam nya ako ang asawa nya.Marahil ay nagtataka sya kung bakit ko sya iniiwasan o sinusungitan.
Alam ng diyos na hindi ko ginustong malagay sa ganitong sitwasyon.Maya maya ay inantok na rin ako at nakatulog, may paminsan minsan na nagigising ako dahil nararamdaman kong yumayakap sya saakin mula sa pagkakatalikod ko sakanya,
Tinatanggal ko na lang ng dahan dahan ang kamay nya , at muling natutulog.---
Urat! urat! urat!
Nabubwesit po ako sa jowa ko , kayniz talaga -___-cayeLOVES 💜💞
#MFW💕
---