HSLT 42

59 1 0
                                    


•Narrative•

Third Day. Orientation Week pa rin.

Mayroon kaming "Show Your Talent" activity.  Plano ko nga sanang umabsent dahil wala naman akong talent. Ahm... kaya ko. Kaya kong sumayaw, kumanta,  mag-drawing, painting, magsulat ng tula pero... hindi ako magaling.

Last minute na nang makaisip ako ng pwede at posibleng gawin.

Kumanta na lang ako ng Paligaw-ligaw Tingin ni Eureka. Kung bakit iyon ang kinanta ko? Wala. Biglang ayon lang ang pumasok sa isip ko, saka ang ganda kaya ng lyrics no'n. #WhoGoat

Sa buong performance ko ay hiyang-hiya ako dahil nag-solo ako sa pagkanta. Hindi naman siya masakit sa tenga—kaso hindi rin siya masarap pakinggan. Haaaaaayst.

Sa lahat ng mga performance ng mga kaklase ko, may isa akong hinding hinding hinding hinding hindi  makakalimutan. As in never.

Ang pangalan niya ay Arrow Winchester Kamillo at ang naging talent niya ay acting.

Pagkatayong-pagkatayo niya pa lang sa gitna ng classroom, in character na agad siya. Talagang ginulo-gulo niya pa ang buhok niya at umakto na parang lasing at pagewang-gewang pa ang lakad niya. Take note: may dala pa siyang bote ng tubig at nilagyan niya ng label na "Red Horse" kuno.

Nagulat ang lahat nang bigla siyang sumigaw.

"Babe! Mahal, sorry na."

Talagang lahat kami na-shock sa ginawa niya. Pero after ilang seconds, 'di ko napigilan at tumawa ako. Mahina lang naman, pero halata talaga na natawa ako.

Natigil lang ako nang biglang tumingin si Arrow sa'kin-—seryoso. Sumibol ang kaba sa dibdib ko nang makitang unti-unti siyang palapit sa'kin.

Gulps.

Nang nasa tapat na siya ng aking kinauupuan ay bigla siyang lumuhod at hinawakan ang dalawa kong kamay. Talagang namilog ang dalawang mata ko at napanganga ako.

Habang titig na titig sa mata ko, nagsalita siya. "B-Babe, bumalik ka na sa'kin, p-please." and then tears started to fall down on his cheeks. OMG. "Handa na akong ipaglaban ka sa mga magulang ko. Sisiguraduhin kong magiging katanggap-tanggap na tayo sa mga mata ng mga magulang mo. Papatunayan kong ako ang karapat-dapat para sa'yo. Come back to me, Babe. "

Wooh! Hinga!

Gosh. Feeling ko totoo ang nangyayari, nadadala na ko sa acting niya...

"Babe... " mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Mahal na mahal kita. "

Napalunok ako. At 'di ko namalayan na may mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Mahal din kita... " mahina kong sabi.

Napigil ang titigan portion namin ni Arrow nang biglang umalingawngaw ang tunog ng palakpak ng mga kaklase ko pati ng adviser namin.

"Bravo! Napakahusay niyong dalawa. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang teleserye. " ani Ma'am.

Napahiwalay kami bigla sa isa't isa ni Arrow. Paalis na siya nang bigla pa siyang lumingon sa'kin.

"Nice acting skills... Babe. " aniya at saka kumindat.

At ang alam kong sunod na nangyari ay malakas na naghiyawan ang mga kaklase ko at sabay-sabay na nagsabing, "Kiyarah plus Arrow Winchester equals KiWin! "

Third Day pa lang ng SHS pero may bago na naman akong ka-labtim. Argh.

°|_|_|_|°

Mensahe ni DulceSerendipia:

So ayon, thank you po sa mga nagbabasa!

Dumating na ang bagong ka-labtim! Tenenenen~~

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon