HSLT 43

61 1 0
                                    


•Narrative•

Uwian. Naglalakad akong mag-isa sa corridor dahil loner naman ako pagdating sa pag-uwi. Mula sa tapat ng katabi naming room, ang Academic 11-E, nakita ko si Arrow kasama ang sa tingin ko ay mga kabarkada niya. Agad akong nagtakip ng mukha gamit ang panyo ko.

NAKAKAHIYA KAYA!

Pagkadaan ko sa harap nila, akala ko makakalusot na ako. Pero hindi pala.

"Babe! "

Blah blah blah. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Arrow at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Baka naman hindi ako 'yong Babe, 'di ba?

"Kiyarah Babe! "

Or not.

Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko talaga papansinin 'yan.

Nainis ako bigla dahil nagmamadali na nga ako, tapos may bigla pang haharang sa dinadaanan ko. Tiningnan ko ng masama ang lalaking nasa harap ko—at walang iba 'yon kundi ang epal na si Jeron.

"Jeron, umalis ka na diyan. Humarang giba. "

"Hindi ako aalis dito. May kailangan akong itanong sa'yo! "

Napakunot ang noo ko. "Ano ba 'yon? Bilisan mo na. "

"Kiyarah... " aniya at saka hinawakan ang dalawang balikat ko. "Boyfriend mo si Arrow? "

"Huh? Baliw ka ba? Ngayon ko nga lang nakilala yan e. " sagot ko sa kanya at saka siya binatukan.

"E bakit Babe ang tawag sa'yo? "

"Pinagtitripan lang ako niyan. No biggie. " bigla naman akong may naalala na dapat ko itanong. "Teka nga, paano mo nakilala si Arrow? "

"Kapustahan namin dati 'yan sa Dota o kaya sa Basketball. Medyo tropa namin 'yan nina Tenecius. Ehem, Tenecius. "

Napataas ang kilay ko. "Oh, ano namang meron kay Kuya Ten? "

"Wala, wala. Basta Kiyarah, 'wag ka muna magboboyfriend. Saka... bawal kiligin sa bago mong ka-loveteam! " huli niyang pahayag at saka ako tinalikuran.

Ang weirdo talaga ng lalaking 'yon.

Saka yung nangyari...

Parang nangyari na rin dati noong Grade 8, kaso kay Larrent lang at hindi kay Arrow?

Hmm.

High School Love Team | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon