Prologue

1 0 0
                                    


Althea's Point of View

Mahal na mahal ko ang aking kasintahan siya si Andrew James Xavier Pero sabi niya mahal niya ako kahit hindi ko ramdam, naniwala pa rin ako sakanya na mahal niya ako kahit alam ko sa sarili kong hindi. He likes to play every heart of a girl. But I hope I'm not one of them kasi naniniwala akong sinabi niya ito.

"Seryoso ako althea. Hindi ka isa sa kanila naiiba ka. Mahal kita Althea"

Pabalik na ako sa classroom ng makita ko siya. Grade 10 ako, siya senior high grade 11. Yeah one year gap. Kumaway ako sakanya ng mahagip niya ang mata ko. "Hi! Andrew!!" Nakangiting pagbati ko.

Tumango lang siya at kumaway sa akin and he just gave me his typical smile. I really love him even it hurts.
Pano ba naging kami at firsr he said he's attracted to me. Only Attracted.
Lumapit ako sakanya at niyakap ang braso niya. "Andrew! Hindi mo ba ako ihahatid babe? Kakatapos lang ng break namin babe." Malambing na sabi ko.

"Ahhh sorry hindi kita mahahatid Althea. May pupuntahan pa ako eh. Just go with your friends" walang emosyong tugon niya at tumango nalang ako at kinagat ang pangibabang labi dahil sa nagbabadyang pagtulo ng aking luha. At nagsimula na siyang maglakad palayo ng hindi man lang ako lingunin.

"Althea boo! Magulat ka magulat ka!" Biglang sulpot ng kaibigan kong si kendrick natawa na lang ako sa kalokohan nito.

"Ay nagulat ako ken! Aatakihin na ata ako" tila natatawang tugon ko sa kanya. Seryoso niya akong tinignan. Napatingin din ako ng seryoso at bumuntong hininga. "Ano na naman yang tingin na yan ken?"

"Why can't you show what you really feel? Why do you need to pretend? Why are you still so into him? Why do you love him when you know he never loved you? Why him? Why can't it be me?" Natigilan ako ng marinig ko ang lahat ng ito. Naiiyak ako.. Naiiyak ako kasi hindi ko maintindihan. Gago! Peace! Naiiyak ako dahil bakit nga ba?

"Ha? Anong sabi mo ken? Hahaha hindi kita maintindihan tama ka nagulat nga ako." Pilit na tawang sambit ko. Napailing nalang siya at mapait na ngumiti.

Hinawakan niya ang kamay ko at
Nagsimulang maglakad papuntang classroom ko. "Masaya ka ba sakanya Althea?" Biglang tanong niya. Napatingin ako sakanya. Kumunot ang noo ko.

"Tinatanong pa ba iyan? Syempre oo" pilit ngiting tugon ko. Napayuko nalang siya at napagdesisyonang wag nalang itanong ang mga ganyang bagay sa akin.

Malapit na kami ng makita kong nakaakbay si Andrew sa ibang babae. Kaklase niya ito at hinalikan niya ito sa noo. Sumikip bigla ang aking dibdib. Hindi na bago ito pero ang sakit sakit pa rin. Mabilis na nangilid ang luha ko habang naktingin sa gawi nila. Nahagip niya ang mata ko. Ngumiti lang siya at nagpaalam na sa kaklase niyang babae at lumapit sa akin. Niyakap ako ni kendrick sa harap niya pero ganon parin ang reaksyon niya.

"Oh hi althea. Is he your friend? Why are you crying?" Simpleng sambit niya sa akin ng nakalapit na siya at kumalas na rin ako sa yakap ni ken. Napatango ako at ngumiti pabalik.

"Oo friend ko siya babe umiyak ako kasi nakita kitang hinalikan mo ang ibang babae sa noo at inakbayan mo babe. Bakit? Nagseselos ka ba kay ken babe?" Malungkot na sambit ko sakanya ngumiti lang siya at umiling.

"I told you Althea I don't get jealous haha you don't need to cry over that little thing wala namang nakakaiyak doon. By the way althea mauna ka ng umuwi hindi na kita maihahatid eh bye." Seryosong sambit niya at ngumiti bago tumalikod sa amin at naglakad na palayo.

At ng matapos ang klase palagi ganyan ang relasyon namin na tumagal ng dalawang taon which we started on Grade 8 na laging ako lang ang sweet pinapaalala sa kanya na mahal na mahal ko siya at sumusuporta. Pero hindi ko na nakayanan nakipagbreak ako at pumayag naman siya ng wlang pagdadalawang isip. Doon natapos ang relasyon namin sana tapos na
Talaga.

--------------------------------------------------------
First story ko po ito hope you liked it.

Don't forget to vote and comment!
Labya guys! Kahit wala naman.

Still YouWhere stories live. Discover now