"Someone left, someone will come. Life is full of uncertainties. You better prepare for the next wave. "
-ATumatama sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin at mumunting butil ng tubig na nagmumula sa dalampasigan. Parang kahapon lang, sa ganitong oras, sa mismong lugar, nagkukwentuhan kami ni tatay. At masayang nagkatawanan nang makisali si Vincent. Hindi ko alam na yun na pala ang huling beses na makikita ko ang mga ngiti nya. Maririnig ang boses nya. Hindi ko alam na yun na pala ang huling makakasama namin sya. Talagang mapagbiro ang buhay.
Tumulong muli ang luha ko. Nawalan na naman ako ng magulang. Paano na kami. Paano na si Vincent?
Sa nangyaring ito, sya ang mas pinakanaapektuhan. Tuluyan na syang nawalan ng mga magulang. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya. Dapat hindi ako panghinaan ng loob pero pilit kong iniisip kung saan ako makakahugot ng lakas ng loob. Hindi ko alam kung paano maging matatag ngayong tila nawasak ang puso ko. Hindi ko alam.
Napapikit ako at mahigpit na napayakap sa sarili ko.
"Malamig dito." Bahagya lang akong napamulat nang marinig ko ang boses nya. Naramdaman ko din na may isinampay sya sa likod ko at nagbigay iyon ng init sa akin kaya naman hindi na ko gaanong nilalamig.
"Thanks." Tipid kong sabi. Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko at may inilapag na tasa ng mainit na kape sa harapan ko.
"Hmm." He just uttered.
Tumango lang naman ako at namayani ang katahimikan. Marami akong gustong itanong sa kanya ngunit hindi ko maisatinig. Of all the things that happened, hindi ko maitatangging ganon pa rin ang epekto nya sa akin. How could I ever deny the fact that my heart is beating so fast now that even if it's too cold, I feel like I'm sweating. Dala marahil ng kape.
"Paano----
"Akala ko---
Sabay kaming nagsalita at parehas kaming natigilan. Napakamot naman sya sa kanyang batok tsaka ngumiti. I somehow find it very attractive.
"Ikaw muna." Sabi nito.
"Wala yun. Ano bang sasabihin mo?" Nagugustuhan ko kung paano kami magusap na parang magkaibigan lang. Tama. Sa ganitong mga pagkakataon ko higit na kailangan ng makakausap. Masasandalan at mapaghihingahan. Tama nga ba? Tama nga ba na umasa ako sa kanya? Selfish na ba ako kung hihiramin ko muna si Justin sayo Vida? Kahit ngayon lang. Pangako pagkatapos nito, papalayain ko na ang sarili ko sa kanya.
Malungkot akong napangiti. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko kung paanong dahan dahang napalis ang ngiti sa kanyang labi. Paano---- Heto na naman ako at lumuluha.
"Hey, are you alright?" Akma nya akong hahawakan nang umiwas ako at tumingin sa ibang direksyon. Pinahid ko muna ang mga luha ko bago muling tumingin sa kanya.
"Sabi mo uuwi ka at matutulog muna? Wala pang ilang oras kang nakakaalis nandito ka na agad." Kunwari ay mataray kong tanong. Siguro simula ngayon kailangan ko nang magpanggap na hindi ako apektado. Mahirap na baka kasi makahalata sya at bigla syang maglaho pag nalaman nya. Iiwasan kong maging pormal at bawat kilos at salita ko ay titiyakin kong mararamdaman nyang pakikipagkaibigan lang ang pakay ko sa kanya. Siguro ganon na nga lang. Siguro mas okay lang na ganun.
"Pinapaalis mo na ba agad ako? You're so unbelievable! Grabe. Kakarating ko nga lang eh! Ayaw mo bang nandito ako?" Medyo natawa ako sa tono ng pagsasalita nya. Nagtatampo 'kuno' pero ang gwapo pa din ng dating. Nag-pout pa! Haysss sino bang hindi maiin---- tss! Diba Samantha friends lang? Saway ng magaling kong isip.
"Tigilan mo nga ako! Di bagay! Mukha kang gold fish!" Sya naman ngayon ang natawa. Hahaha may pagkabaliw din pala ang isang to.
"Grabe ka talaga! Makaalis na nga!" At nagchange mood na naman sa pagtatampo. Abnormal! Natatawang pinigilan ko sya sa braso nang akmang tatayo na sya sa kinauupuan. Parang bata!
"Umupo ka nga dyan! Sorry na!" Natatawa pa rin ako dahil sa itsura nya. Umupo naman sya kaagad. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi nang humigop ako ng kapeng dala nya.
Hmmmm...
"Ganyan ka lang dapat..." Naubo ako ng magsalita sya. Wala namang masama sa sinabi nito pero yung boses nya at yung paraan ng pagkakabigkas ng mga salitang yun, nagbigay ng kilabot sa katawan ko. Lalo na nang tumingin ako sa kanya at makitang mataman syang nakatingin sa akin at seryoso ang mukha.
"Huh?" Tanging nasambit ko. Sa loob ko pakiramdam ko ay nagrarambulan ang mga small at large intestines ko. Ang puso ko, pakipulot please nalaglag! Sa utak ko parang may nagsisirkus! Jusko! Ano ba tong ginagawa nya sakin...
"Ate!" Sabay pa kaming napalingon nang sa malayo ay matanaw ko si Vincent na papalapit sa amin.
Tumayo ako at sinalubong sya. "Vince..." Sambit ko.
"Dumating na yung sa Horizon's ate." Wika nitong ang tinutukoy ay ang puneraryang tinawagan ni Justin.
"Let's go..." Si Justin na nasa harapan na pala namin.
Nasa unahan ko silang dalawa at sumusunod lang ako sa bawat hakbang nila.
Pagdating sa bahay ay naabutan kong inaayos na nila ang pagbuburulan kay tatay. Sana ay simple na lang pero mapilit talaga si Justin at napapayag din ako sa huli na sya na ang bahala doon.
Ilang oras din ang itinagal at natapos na rin sa wakas. Kinausap pa ako ng staffs ng Horizon's para sa iba pang detalye bago tuluyang umalis.
Lumapit ako kay tatay. Makisig pa rin kahit nasa kabaong na.
"No wonder na-in love sayo si Nanay tay... Sana magkita na kayo dyan at magkasama na. Alam kong excited ka nang makasama si Nanay kaya nga iniwan mo agad kami diba?" Halos pabulong ko lang na sinasabi ngunit bawat kataga, bawat letra ay tila pumupunit sa aking puso. Nagunahan na naman ang mga luhang hindi maubos ubos.
"Anak..." Naramdaman ko ang paghaplos ni Tita Marsha sa likod ko.
"Tita..." Napahagulhol ako ng iyak sa balikat nya. Ang sakit sakit!
"Tahan na... Hindi magugustuhan ng Nanay at Tatay mo na makita kang nagkakaganyan. Lahat ng nangyayaring ito anak ay may dahilan. Pinili ng tatay mo na itago ang sakit nya dahil ayaw nya kayong maghirap ng husto."
Napakalas ako sa pagkakayakap kay Tita Marsha." Ano pong ibig nyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
Huminga muna ito ng malalim bago marahan akong hinila at pinaupo sa isang silya.
"May sakit sa puso ang tatay mo Samantha. Halos isang taon nya iyong itinago sa inyong magkapatid dahil ayaw nya kayong magalala. Ayaw nyang mahirapan ka anak dahil alam nyang gagawin mo ang lahat para ipagamot sya kahit sobrang mahirapan ka na. Hindi man sila ang tunay mong mga magulang pero itinuring ka nilang parang tunay na sa kanila. At alam ko, nakikita ko at nararamdaman na ganon din ang pagmamahal mo para sa kanila. Itinuring mo din at minahal sila na parang tunay mong mga magulang."
Mahigpit akong napahawak sa aking pants. Hindi ako makapaniwala! Tay bakit mo yun ginawa?! Halos hindi na malinaw ang naririnig ko. Malabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang walang sawang lumalabas sa mga mata ko. Pakiramdam ko tumahimik ang paligid at tanging tibok lang ng nagkapira-piraso kong puso ang naririnig ko. Nararamdaman kong tila lumalaki ang ulo ko at parang sasabog ito. Bigla na lang nagdilim ang lahat sa akin at hindi ko makita kung sino sino sila! Yung mga tumatawag sa pangalan ko. Nasaan na sila? Nasaan ako? Pakiramdam ko nakalutang ako habang naglalakad sa kawalan. Sobrang dilim na wala akong makitang kahit na tuldok ng liwanag. Palinga linga ako sa paligid upang hanapin ang pinagmumulan ng mga boses na yun hanggang sa naramdaman kong umihip ang malamig na simoy ng hangin. Nakakita din ako ng munting liwanag at bigla na lamang may humatak sa akin. Napahiga ako at pagmulat ng mga mata ko ay ang mukha ng isang gwapong nilalang ang bumungad sa akin. Ngumiti sya at bago ko pa man panggigilan ang mga labi nya ay naramdaman kong may humila muli sakin sa kadiliman.
"Sleep well princess... " huli kong narinig bago tuluyang nandilim ang lahat sa akin.
YOU ARE READING
Second Chance
Romance"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...