PROLOGUE

34 0 0
                                    

Magkahawak kamay ang dalawang magkasintahan, habang nagmamaneho ang lalaki at katabi nito ang babae na masayang nagkukwento.

"Ang ganda  talaga ng A walk to remember kahit na mamamatay na yung babae hindi parin siya iniiwan nung lalaki.." nakangusong sabi nito. Napatawa naman ng mahina ang lalaki at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay nito.

"Ganun talaga.. If you love someone, you will not be tire nor give up because of that someone.." napa   ohh naman ang dalaga at hinarap ang lalaki.

"Eh Travis kung ako ba yung mamamatay hindi mo rin ba ako susukuan?" Napalingon ang lalaki sa babae. Hinaplos nito ang kamay ng babae at mariing hinalikan yun.

"I will not give up on you. I love you very much Faith. But please don't asked me that kind of question. To think that you will leave me Im starting to scare.." nakonsensiya naman ang babae sa sinabi nito.

"Sorry po. Hindi ko na po uulitin." Nakangusong sabi nito. Napailing na lang ang lalaki at ginulo ang buhok nito na kinatilos lalo ng nguso nito.

"I love you my childish girlfriend..." sinulyapan ng lalaki ang babae na kasalukuyang nakatingin din sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya maalis ang tingin sa dalaga. Parang may mangyayari. Kinakabahan siya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.

"Travis may truck !!" Sigaw ni Faith. Napatingin siya sa truck na bubunggo sa kanila. Agad niya yung iniwas pero huli na dahil nadali na sila nito at nahulog sa tulay at bumagsak ang kanilang sasakyan sa dagat.

Agad na tinambol ng kaba at takot ang puso ni Travis ng hindi niya mahagilap ang babae. Lumangoy pa siya ngunit ni anino ng babae ay hindi niya nakita. Lumangoy pa siya ng lumangoy hanggang sa nanghina na ang kaniyang katawan at nilamon na siya ng kadiliman.

"F-Faith..."

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon