Chapter 15 - Freya

1.3K 56 1
                                    

Freya David's P.O.V

Gumising akong ang bigat ng ulo ko at ang hapdi ng mga mata ko, alam kong nasobrahan lang 'to sa kakaisip at kakaiyak.

Tiningnan ko ang phone ko kung nagtext o tumawag man lang ba si Danreb, pero... wala.

'Okay lang yan, malay mo pupunta nalang yun dito tapos kakausapin ka at hihingi ng tawad. Think positive, Freya!' Pagkakausap ko sa sarili ko para hindi ako mawalan ng tiwala kay Danreb.

Ginawa ko muna yung daily routine ko bago bumaba.

Pagbaba ko nakita kong nasa baba sina Mom, Dad, Tito and Tita.

Tumingin sila sa gawi ko habang pababa ng hagdan.

'Goodmorning, son!' Bati ng sabay nina Mama at Papa.

Sunos namang bumati sina Tito at Tita.

'Goodmorning, hijo.' Sabi din nila ng sabay.

'Goodmorning po, ano pong meron?' Tanong ko sakanila.

'Please have a sit first, hijo.' Sabi sakin ni Tita bago ako naupo sa sofa.

'We would like to inform you hijo na next week na ang kasal ninyo.' Sabi ni Tito sakin.

Ng marinig ko ang sinabi niya ay agad naman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib.

Hindi man sang-ayon ay kailangan kong ipakita na hindi ako aayaw sa gusto nila.

'A-ahh. Ganoon po ba tita? Okaay po.' Saad ko at ngumiti... ngumiti ng pilit.

'Sige son, we'll just wait for Danreb to be here. He said he's on the way na.' Saad sakin ni Dad at ngumiti.

'Have you breafast muna son. Tatawagin ka nalang namin if nandyan na siya.' Sabi ni Mom sakin at tumango nalang ako bilang tugon at pumunta na ng kusina para mag-agahan.

Namataan kong nag-uusap sina Mang Kanor at Manang Elsi.

'Oh! Hijo, kumain kana.' Sabi sakin ni Manang Elsi.

'Kayo po? Kumain na kayo? Sabay na po tayo.' Pangaanyaya ko sakanila.

'A-ahh. Salamat hijo pero tapos na kami e. Bago lang.' Sabi sakin ni Manong at ngumiti nalang ako bilang tugon at inihanda na ang kakainan ko.

Habang kumakain ako napansin kong medyo lumayo sina Manong at Manang na parang may pinag-uusapang mahalaga.

'Ano pong pinag-uusapan ninyo? Pwede ko po bang malaman?' Tanong ko sakanila na agad nilang ikinagulat.

'A-ahh? H-hijo? Bakit naman sobrang aga ng kasal ninyo? Okay lang ba sayo yun? Parang napakabata ninyo pa pareho ah?' Tanong sakin ni Manang.

'Tungkol sa kasal po ba? Eh, kahit naman po ayaw ko e wala akong magagawa. At gusto ko nalang po sundin sina Mama at Papa para matapos na rin po.' Sabi ko sakanila.

Natigil kami sa pag-uusap ng marinig namin ang busi ng kotse sa labas.

Narinig ko nalang nagsalita si Tita.

'It's Danreb, himself.' Saad niya kina Mom and Dad.

'Okay wait, 'Ya? Pakibuksan yung gate please?' Sabi ni Mama sa isa sa mga kasambahay namin.

Tapos na ako kaya pumunta na ako sa kinaroroonan nina Mom, Dad and Tito.

Umupo ako malapit kina Mom and Dad.

Nakita kong bumukas ang pinto at si Danreb ang iniluwa nito.

'Ow hijo, your now here. Have a sit.' Anyaya sakaniya ni Papa. At umupo naman ito.

Memories Afterall (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon