Chapter 5 - No thanks

10 0 0
                                    

*After 3 months...*

Janelle's POV

" Janelle.... Janelle!!!  Hoy! Janelle Viene Medina!!! " - sigaw ni Anne

"Huh? A-ano??" sagot ko

"Lutang lang ang peg? Nagpakalasing ka ba kagabi huh?" - talak naman ni Anne

Tiningnan ko lang si Anne ng masama

"Okay okay..Hindi na.. Magtatanong lang sana ako tungkol sa assignment sa Geometry.. Pero mukhang wala ka sa focus eh"

"Ahh.. kunin mo nalang ang papel ko sa bag. Nakaipit sa geom. textbook ko. Kopyahin mo nalang para wala ka nang tanong pa." -sagot ko sabay subsob  ng mukha ko sa table ko

"Hahaha :D in fairness Janelle aahh.. bet ko tong situation ngayon :) Wala na akong problema sa assignments :) Hehehe :) Peace lang bhe.." - masayang sabi ni Anbe sabay hanap nung papel ko sa bag..

Tssss.. pakasaya ka ngayon Anne wala ako sa mood ngayon ee :( Kakainis kasi si Lance :( Parang wala lang siyang pake.. Kakainis TT__TT

"hey there :) "- nakangiti na pagbati ni Thiene. Buti pa sila nakakaya nilang ngumiti ngayon. Ako hindi -_-

" Oh, hi Thiene" - bati naman ni Anne sabay sara ng bag ko.

"Oh? Anong himala at malaya kang nakakopya ng assignment kay Janelle. At sa geom pa talaga ahh.. "

"Ewan.. wala sa mood si Madam Janelle eee.. Kaya sagad sagarin ko nalang. Baka di na ako makaulit. Tsaka ang hirap pa naman  ng assignment natin ngayon"

"Tsss.. baliw ka talaga Anne.." -sagot ni Thiene sabay upo sa tabi ko at isinubsob din ang mukha sa table "Jam, kumusta monthsary niyo?"

Tiningnan ko lang si Thiene ng with cold look.

"Mukhang di okay ahh.. Spill mo na kaya yan"

Spill ko na ba? Hhhyyy, lalo lang akong nadidisappoint kapag naaalala ko ee..

"Ilabas mo na yan. Kahit na umiyak ka pa , if ever lang ahh . Masama din kasi na  kinikimkim mo yan. Andito naman kami to  listen at kung makakaya naman e we'll give you such advice " - explain ni Thiene sabay pat ng likod ko.

Umayos ako ng upo at ganundin si Thiene. She looked at me na parang sinasabing

"sabihin mo na. Makikinig ako"

inhale

exhale

inhale

exhale

"Its Lance ,Thiene.. Third monthsary kasi namin kahapon. And gaya ng dati, para akong si tanga sa kahihintay sa simpleng greeting manlang sana. Pero wala. This is the third time na nangyari ito. Thiene, nakakapagod na din. Akala ko being his girlfriend is the happiest moment of my life.. Pero bakit ganun? Parang lumala yung sakit compared nung crush ko palang siya"

Linabas ko na talaga ang sama ng loob ko. Di ko na kaya. Lance naman kasi. Manliligaw ka naman lang tapos nung sinagot kita saka ka umalis. Andaya mo.! Pinagkatiwala ko na sayo puso ko pero eto lang ginanti mo sakin. Grabe naman nakakafrustrate -_-

" Janelle, kung ganyan na manlang ang sitwasyon niyo, better lessen the affection and attentiom na ibinibigay mo sa kanya. Kahit na malayo kayo sa isat isa you're always loyal sa kanya. Pero inisip mo ba na ganyan din siya sayo? Hindi natin alam kung ano ang takbo ng utak ng kumag na yun. Kung di mo na kaya, better broke up with him na. Marami namang guys dyan na deserve ang pagmamamahal mo ee.  Na mas papahalagahan ka pa." - payo ni Thiene sabay tap ng likod ko..

Magnetism's Principle...ON LOVE??? ( OPPOSITES ATTRACT )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon