Chapter 3

3 0 0
                                    

Geraldine's POV

Ngayon na ang kasal namin at kasalukuyan akong kinakabahan at hindi ko alam kung bakit.

-KASAL-

"Will you, McClinton Morsch, take the hand of Geraldine Renai Lim as your lawfully wife binded by the holy matrimony of wedding in terms of sickness and in health, in richer and poorer, in good and bad times 'til death do us part?" -Father.

"I do Father." Walang pag aalinlangang sagot ni Clinton.

"And you, Geraldine Renai, take the hand of McClinton Morsch as your lawfully husband binded by the holy matrimony of wedding in terms of sickness and in health, in richer and in poorer, in good and in bad times 'til death do us part?" -Father habang nakatingin naman sakin

"I do Father." Sagot ko at pagkatapos ay sinabi na namin ang aming mga vows.

"I am McClinton Morsch, and to be truth Geraldine here isn't my first love. But I can proudly say that she will be the last and one and only love of my life. Renai, Geraldine, we both started at a wrong foot but thankfully even though with that circumstance, we fall for each other. I love you and I will always make you feel that your my one and only." -McClinton.

Halos lahat ng bisita ngayon na nasa simbahan ay umiiyak dahil sa vow niya.

Even me ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa lubos na kasiyahan.

Patuloy ang pag iyak ko.

Hanggang sa naalala ko ang mga araw na hindi kami magkasama at ang tangi kong kasama ay Doctor.

I wish na sana tumigil ang oras ngayon na mismo.

Natapos ang kasal at dumiretso na kami sa reception ng kasal. Simple pero elegante ang dating ng venue, mahirap pang i-elaborate pero all in all maganda.

"Hon, Are you okay?" Tanong sakin ni Clinton na may halong lambing sa tono niya.

Hindi ko siya napansin dahil sa pag iisip kung ano kaya ang magiging kinabukasan namin bilang mag asawa.

"I'm fine. Naiisip ko lang, what will happen next?" Sabi ko na may bakas ng panghihina.

Nang tignan ko siya ay may nakakalokong ngiti ang lumabas mula sa kanyang mga labi.

"You know. Sabi nga diba, 'Humayo kayo at magparami' at yun ang gagawin natin." Sagot naman niya na halatang natatawa na rin sa sarili niya.

Hindi ko mapigilang mapatawa din dahil sa sinabi niya.

"Ikaw talaga. Ang naughty lang huh. Yun talaga? Pwede bang bakasyon lang nating dalawa from stressful days?" Tanong ko pero halata mo na nakakaramdam pa rin ng hiya dahil sa sinabi niya.

Grabe, hindi ko maisip na gagawin yun agad right after the wedding.

I mean, I'm just 26 years old and he's 29. Kailangan muna naming mag ipon.

"Kailangan muna nating mag ipon at magpundar for the future you know. Hindi mo ba gugustuhin na magkaroon ng magandang future?" Tanong ko sa kanya while looking straight to his eyes

"Of course gusto ko. Kaya nga mamaya. May gift ako sayo. Okay? No worries. If hindi ka pa handa, hindi ko ipipilit." sagot niya ng may paglalambing at nakangiti.

"Hindi naman kaya mambabae ka at dun ka humanap ng init ng katawan. Aba'y wag na wag mong susubukan huh. You're so having a problem talaga kung sakali." Sagot ko ng may pag aalala at kaba na rin.

"Hon, don't overthink. It's you whom I will always desire for. Kahit na may mas sexy, mas maganda, mas cute pa sayo, ikaw at ikaw pa rin. Ikaw ang naging constant friend ko noon at magiging constant wife for the rest of our lives." He said that made me cry like a bucket.

He made cry noon when we we're just friends, newly friends.

*FLASHBACK*

"Excuse me, Clint? Ba't umiiyak ka? Is it because of her?" I asked him.

"Hi-Hindi ako umiiyak noh. Psh. Huwag mo nga akong hawakan." pagtanggi pa niya.

"Sige na, hindi ka na umiyak. I just want to tell you na, Marami pang iba diyan. Kung hindi siya ang para sayo, baka hindi talaga pwede. Huwag mo ng ipilit pa, mas lalo lang na masakit yun. Anyway, kakain ako sa canteen baka gusto mong sumama? Wala namang klase na ngayon eh." Pag aya ko sa kanya.

"Renai, I'm sorry. But I don't want any attachment to anyone for now. Ang sakit lang kasi. Okay na muna ako sa mga friends ko ngayon at sa family ko." Sagot niya na nagpaluha sakin.

Nakakaiyak lang, kasi ako yung iniiyakan niya dahil sa bestfriend ko. Ako yung sinasabihan niya ng problema niya pero alam ko din na ako din ang tinutukoy niyang ayaw niyang ma-attach, at least isa ako sa kinaaayawan niyang ma attach.

*Hsk*Hsk*Hsk*

Umiyak lang ako ng mag isa sa garden nang biglang unti unti akong nakaramdamn ng malamig na tubig na tumama sa ulo ko.

Umuulan na pala, di ko na namalayan.

*END OF FLASHBACK*

At yung nga ang unang beses na iniyakan ko siya. Matagal tagal na naman yun. At so far, wala siyang nagawa kungdi ang mafall sakin. Hahahahahaha. I guess ganun din ako sa kanya kaya umiyak ako ng todo nun.

Nagka-lagnat pa nga ako nun, at note, napakadalang akong lagnatin.

Nung nalaman niya yun, dinalaw noya ako sa ospital na pinagdalhan ako at siya ang naging bantay ko.

"Hon, Lumulutang na naman isip mo huh?Are you tired na?" May pag aalalang tanong niya.

"Malapit na namang matapos, kaya ko pa naman. Ilang minuto na lang naman eh. Ikaw, kumain ka na rin, baka mamayat ka na naman eh." Pag aalala ko sa kanya dahil maselan kumain ba naman.

"Opo, kakain na. Kainin kita diyan mamaya eh." Maloko niyang sagot.

"Edi namatay naman ako nun. Cannibal ka na ba Hon?" Matawa tawang sagot ko.

Pero yung mulha niya after ng sinabi ko ay parang luging lugi eh.

"Hindi marunong lumandi. Bwisit. Inosente masyado, Hayst." Bulong bulong pa niya habang naka pout.

Hahahahaha. Akala naman niya'y bagay sa kanya.

Shemay, Oo naman bagay sa kanya. Ang sarap pisilin ng pisngi at ng labi eh. Hahahaha

Mga ilang minuto pa ay natapos na rin ang programa at nagpaalam na kami sa lahat.

Mga bandang 11 ng tumigil kami ni Clint somewhere.

"Saan 'to?"  Ang huling tanong ko bago niya takpan ang mga mata ko gamit ang extra niyang scarf.

----------------
(A/N: Hello po. Thank you for reading my story. Hope you like it and comment po. Thank you for patience :> Gagawin ko na po ang lahat para matapos ko na po 'to ng mabilis bilis before the school days na ulit namin. :> )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not Your Stereotype GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon