Chapter 5
ElysianHindi ko alam kung anong meron sa tinapay na kinain ng kuya ko ngayon at ang weird niya. Bakit niya naisipan na ipaiwas ako kay Ralph? Nababaliw na yata ang kuya ko. Tsk.
Oo nga pala, late na pumasok si Mam Ellen pero buti na lang at naunahan ko siyang pumasok kanina. Nakakainis naman kasi itong katabi ko at iniwan lang ako sa ere na nagtataka sa inasta din niya kanina.
"Okay class, what do you think is the meaning of solivagant?" Yup, she is our english teacher na british accent kung magsalita.
Daming arte ehh.
"Mr. Anson?" Napalingon naman ako kay Ralph na kanina ay nakatunganga sa kanyang minamahal na bintana na ngayon ay tumayo na.
Makakasagot kaya ito? Tulala sa bintana kanina ehh.
"Uhm…wandering…alone."
WAW! BRAINY NAMAN PALA!
"How about you, Ms. Irvine?" Tanong niya sa akin. "What do you think is the meaning of elysian?"
Sus, piece of cake.
"It is actually an adjective that we used to describe, Mam. It means beautiful, creative, divinely inspired, peaceful and perfect."
Nagtagal din ng ilang minuto itong english class namin at minsan ay nabobored na ako.
Kamusta kaya sila Luella sa kanilang mga subjects ngayon?
Luella Claire's POV"Ano ba Austin?!"
ABAY GA! ANG SARAP HAMBALUSIN NITONG NASA HARAPAN KONG LALAKI AT KAHIT KAILAN HINDI MAN LANG NATUTONG MAGSAWANG MANGASAR SA AKIN!
Kung hindi lang krimen pumatay, matagal ko na itong pinatay, swear.
"Ang maldita talaga ehh HAHAHAHA" Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
Akmang susuntukin ko na sana siya ng naka-ilag naman ito kaagad.
"Sadista pala ang future wife ko." At tumawa nanaman siya.
"ASA! I. WILL. NEVER. FALL. FOR. YOU." Pagmamatigas kong sabi. Bigla naman itong napatigil sa kakatawa at ngumiti ng bahagya.
"Ouch. Hindi pa nga nanliligaw, rejected na kaagad." Aniya na kunwari ay umiiyak at naka-nguso pa.
Gwapo sana ito ehh, pwede na kaso nakakainit ng ulo ang sobrang pangungulit niya sa akin simula nung nasa likod niya ako.
"Mr. Salazar and Ms. Alderidge! Go out!"
ANAK NG PANIS NA KANIN NAMAN OHH! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN, AUSTIN, BWISET KA!
"Wag kayong papasok hanggat hindi kayo nagkakaayos. I will give you 5 minutes." Sabi ni Sir Darren sa amin at nauna na akong lumabas sa kanya.
Ang malas ko talaga at itong mokong na 'to pa ang naging kaklase ko. Simula nung nasa harapan ko na siya, naka-ilang beses na din kaming pinalabas ng mga teachers dito dahil sa sobrang ingay daw namin at ang hilig magbangayan.
Bwiset.
"Psst"
Hindi ko siya pinansin sapagkat naka-rinig ako ng mga tawanan ng mga babae na animo'y kinikilig. Hinintay ko pa ito hanggang sa dumaan na sila sa harapan namin.
"Ang pogi talaga ni Ralph no?" Sabi nung isa.
"Oo nga ehh. Sana kami na lang. Gandang lahi nun. Maganda ako tapos pogi siya." Sagot naman nung isa.
"Ayieee!" Sigaw nilang dalawa hanggang sa nakalayo na sila sa amin.
Peste, malalandi talaga. Sa bestfriend ko lang si Ralph. Masumbong nga.
"Wag kang mag-alala, mas pogi pa ako kaysa kay Ralph." Sinamaan ko ng tingin si Austin. "Yun ohh! Kanina pa kita tinatawag eh, hindi mo ako pinapansin."
*riiing* *riiing*
"Recess na" Sabi ko at bahagyang napa-ngiti sa iniisip ko ngayon.
"Ayy hindi. Class hours pa ehh." Singit ng usangot na anak ng panis na kanin.
"Shut up" At iniwan ko na siya doon para pumunta sa canteen. May bago akong chika sa kanila BWAHAHAHA
Nymphea Kennedy's POVAgad akong pumunta sa canteen at nadatnan naman sila Fenytte at Luella na parang seryoso ang usapan. Nakita kaagad ako ni Fenytte at kinawayan kaya lumapit ako at tumabi sa kanila.
"Hoy bruha ka," bungad ni Luella sa akin. "Madami ka na talagang kaagaw dyan sa Fafa Ralph mo."
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Huh? Sino?" At tinuro niya yung dalawang babae na nasa kasunod na table lang nila Ralph at nung iba kong classmates na boys. Sumusulyap-sulyap pa yung dalawa at kinikilig.
"Hay nako, hayaan natin sila. Maiinis din si Ralph katagalan dyan kasi ayaw niya yung mga ganyang babae." Totoo naman kasi, nakwento din sa akin dati ni Ralph na naiirita siya sa mga ganun kaya sinusungitan niya.
Kaya naman pala nung first day sinungitan ako. Aba feelingero, hindi ba pwedeng friendly lang ako?
"Hala. May bagyo ba?" Tanong ni Fenytte kaya napatingin din ako sa mga bintana sa canteen.
Shet. Ang lakas ng ulan, paano na ako? Hindi ko dala yung payong ko!
"Low pressure to be exact." Sabi ni Luella.
"Announcement. Afternoon classes will be suspended. Students, you are now dismissed early due to heavy rains. Be safe. Thank you." Sabi sa speaker.
UGH! PAANO NA AKO?!
Lahat ay pumunta muna sa kanya-kanyang classrooms bago umuwi, nagsariling buhay kaming magbebestfriends dahil hindi kami parehas ng tirahan. Naunang sinundo si Luella ng kanyang service at si Fenytte ay nagcommute na lang, sabi niya baka daw sunduin ako ng kuya ko kaya maghintay na lang daw ako dito.
"Hindi ka pa uuwi?"
"AY KALABAW!"
"Do I look like a carabao to you?" Tinamaan nanaman ng masungit na kidlat.
"Sorry. Bigla-bigla ka kasing sumusulpot ehh." Sabi ko at tumingin ulit sa labas.
"Hindi ka pa uuwi? Baka maabutan ka ng malakas na ulan niyan." Aniya at napatingin naman ako sa kanya na nakatingin din pala sa labas.
"Ahh kasi…wala akong payong ehh tsaka sabi ni Fenytte baka sunduin daw ako ni Kuya-"
"Baka…So she's not sure. Look outside." Napatingin naman ako sa labas. "Palakas ng palakas ang ulan, baka gabihin ka dito."
May kinalkal siya sa bag niya at parang may hinahanap na bagay. Nung nakita na niya ito, agad niya itong binuksan at binigay sa akin.
"T-teka Ralph, p-paano ka?" Nag-aalinlangan akong tanggapin iyon kasi paano siya makakauwi no.
"Nah. I love rain." Sinuot niya ang hood sa jacket at sumugod sa ulan.
"Ohh, by the way Nymph," Tumigil ito at tumingin sa akin. "If I was given a chance to have an example of elysian, do you know what I would say?"
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko ito maintindihan. "What?"
"Well…I would say…you." Ngumiti ito at mabilis na tumakbo sa ulan.
Ano daw? Ako? Example ng elysian?
---•---
A/N: Sorry for the late update guys, nagbakasyon lang HAHAHAHA Itaas ang kamay at takpan ang kili-kili sa mga tiga-Leyte ug Cebu dinha! ♡
BINABASA MO ANG
Guns 'N Roses (A Short Story)
Dla nastolatkówAng cycle ng buhay ko ay umiikot lamang sa studies, bestfriends, family tapos studies ulit, pero medyo bumaliko iyon nung dumating sa mundo ko ang isang masungit na guy. Will Mr. Sungit be my Prince Charming at the end while holding a rose? Or worst...