KUMALAS ako bago pa mapunta kung saan ang halikan naming ito.Napayuko ako dahil sa hiya. For sure, kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon.
Itinaas niya ang aking baba gamit ang kanyang kamay. Napalunok muna siya bago nagsalita. "I... I love you, Nancy."
Malamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig saakin. Para niya akong dinuduyan sa kanyang titig, nagagandahan talaga ako sa mata niya. Hindi pa kasi nagsisinungaling ang mga mata niyang iyon.
Alam kong seryoso siya, mahal niya ako.
Hindi ako makasagot dahil naguguluhan pa ako, ang dami ko kasing iniisip. Kulang nalang sumabog itong ulo ko sa dami niyon. At ang masaklap pa puro problema ang laman.
"You don't have to answer right now." Seryoso parin ang kanyang mukha. "I'll wait. I'm gonna wait because I love you..."
Hinagkan niya ang aking noo bago siya tumalikod. "Have a good night."
Nakamasid lang ako sa kanya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Nang pumasok ako ng bahay ay siya parin ang laman ng isip ko, hanggang sa mahiga ako sa kama.
Napabuntong hininga nalang ako, mahal ko na ba siya?
Buong magdamag ay si Lazarus ang iniisip ko, hindi pa ako makatulog ng maayos kagabi dahil kapag pumikit ako ay ang mukha niya ang nakikita ko.
Nababaliw na ba ako?
Balisa ako habang kumakain ng umagahan, ang bigat ng mata ko. Parang gusto kong umabsent ngayon sa trabaho at matulog nalang maghapon.
Isusubo ko na sana ang kanin ng biglang bumukas ang pinto namin. Walang gana kong tiningnan ang pumasok.
Nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa kanya. "Keith?"
Matamis na ngumiti ang lalaki, pansin kong ang ganda ng mood niya ngayon. Isama mo pa ang suot niyang polo shirt at khaki short, nakasapatos rin ito.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Suway ko.
Habang tinitingnan ko siyang papalapit saakin ay hindi ko maiwasang hindi mapansin ang kanyang itsura. Bakit ang guwapo niya ngayon?
Napakurap kurap pa ako para linawin ang paningin ko, ang guwapo niya talaga ngayon.
"Anong ginagawa mo dito? At san' lakad mo?" Ipinagpatuloy ko ang pagkain, kailangan kong kumain para may lakas ako sa pagtatrabaho mamaya. May plano kasi akong mag overtime ulit.
Umupo siya kaharap saakin. Amoy na amoy ko ang perfume niyang nanunuot sa ilong ko.
Bakit kaya siya nakaporma? May date ba siya?
"Nans..." Sambit niya.
Tumingin lang ako sa mata niya.
"Sumama ka saakin ngayon."
"Huh? Bakit?"
Napabuga siya ng hangin bago uli nagsalita. "Basta! sasama ka o sasama ka?"
"Ano? Anong pagpipilian ko 'dun?"
"Sumama ka saakin ngayon, tapos."
"Keith, may trabaho ako. Sa ibang araw nalang."
Ang magandang mood niya kanina ay bigla nalang naglaho, dumilim ang guwapong mukha nito. Bigla tuloy nagtayuan ang balahibo ko sa braso dahil sa madilim niyang presensya.
"S-saan tayo pupunta?" Pag iiba ko, aabsent nalang ako. Baka kung ano pa gawin niya saakin pag hindi ako sumama sa kanya ngayon.
Mula sa madilim na mukha ay agad na nagliwanag ang kanyang gwapong itsura. Tignan mo 'to pabago bago ng mood.
BINABASA MO ANG
The Ruler Has Returned (R18)
Ficción GeneralBarumbado at walang puso ang lalaking si Keith Raven Delgado, lumaki syang kulang sa pagkalinga ng magulang. Paano kaya kung malaman nyang hindi niya pala tunay na ina ang akala niyang ang babaeng nagbigay sa kanya ng buhay? Ano kaya ang magiging b...