"TIME MACHINE"

72 20 12
                                    


                                                                      
...

Ako si Bell simple lang akong babae malayo ako sa magulang ko dahil napag desisyunan ko na sa probinsya maghighschool until college doon nakatira lola ko at lolas girl talaga pero di parin lumalayo yung pagmamahal ko kila mama at papa dahil araw araw nila ako tinatawagan at kinakamusta. Ikekwento ko sa inyo kung gano ko pinagsisihan ang isa sa nangyari sa buhay ko..

Nagsimula na ang unang araw ng klase siyempre nahihiya pako dahil wala naman akong kakilala kaya lagi akong nakapwesto sa likod at mapagisa ordinary sa isang klase na magpapakilala isa isa at ako na ang sumunod.

"Hi everyone my name is Bell anne Guevarra but call me Bell 14 years old. Habit ko is mag gitara ang manood ng movies. Ang sport ko ay volleyball. Thankyou"

Ganoon ang nangyari sa unang araw ng klase ko kinabukas ganon parin mapagisa at tahimik recess time non pumunta ako sa canteen kumain nang may biglang kumausap sakin.

"Hi bell? "

"Ahhhhm hello"

"Haha wag kang matakot di moba ko natatandaan? Klasmeyt moko"

"Ahh sorry ok"

"Ang feeling close kono? Haha napansin ko kase lagi kang tahimik tiyaka magisa e ganon don ako kaya pwede tayong maging close hahaha pwede bakong sumabay sayo kumain"

"Sige ok lang haha"

"Ben nga pala (iaabot angkamay) "

"Bell(inabot ang kamay) "

Nagpalagayan kaagad kami ng loob ni ben bukod sa kadaldalan niya palabiro siya at mabait siya marami agad akong nalaman tungkol sa kanya si ben ay  solong anak mayroon silang kaya kase may business sila matalino siya at may itsura.

Naging magkaibigan na kame ni ben Araw araw na kaming magkasama ni ben tuwing sa pangangailangan ko andiyan siya minsan panga napaguusapan na kami dahil ang lapit namen sa isat isa pero mag kaibigan lang talaga kame.

Andiyan yung dadalaw siya sa bahay namin para mag movie marathon ,foodtrip ang saya ko nang nakilala ko si ben swerte ko rin dahil may kaibigan akong kagaya niya sa kanya ko nalalabas sama ng loob ko sa kanya rin ako humuhingi ng payo kapag broken hearted ako. Never nagkaroon ng girlfriend si ben hindi ko alam kung bakla ba siya or what basta ang alam ko ako lang daw ang girlFRIEND niya wala nang iba.

Lumipas ang apat na taon ito na yung pinakahihintay namen ang gumraduate siyempre pumunta ang mga parents ko at nakilala din nila si ben masaya ako dahil naging success ang araw nayon.

Tumungtong na kame sa college at napag desisyunan namin ni ben na sa isang university kami magaaral ang kinuha kong course ay tourism at si ben naman ay criminology. Kahit na minsan di kami nagkikita sa sobrang busy namen sa pagaaral di parin kami nawawalan ng communication minsan kapagwalang pasok trip namin gumala....

"Ben nakikinig kaba?, ang haba haba na ng kwento ko wala ka paring reaction... Huyyyy!"

"Ahh ehh sorry"

"Nagagandahan ka siguro sakin no? Yii kanina kapa tulala e para kang lutang ang ganda koba? "

"Ha? Huwag ka ngang assuming ang ganda kase ng kilay mo tiyaka lipstick ano gamit mo? "

"Owmaygad bakla kaba ben"

"Baliw joke lang haha"

"Palabiro ka talaga kaya mahal na mahal kita e haha"

Iba yung naging reaction ni ben at nakita ko yon ewan ko ba parang tanga siya nung sinabi kong mahal ko siya e sanay naman siyang sinasabihan ko siya ng ganon kase mahal na mahal ko talaga si ben parang kapatid na ang turing ko sa kanya.

Itong mga nagdaan na araw may iba sa kanya  umiiwas na siya kapag magteteks ako ang tagal mag replay nainis ako kay ben. Pero lumipas ang isang linggo kinausap niya ako dahil hindi kame nagtatago ng sikreto sa isatisa may inamin siya saken.

"Bell alam kong mali kaibigan lang dapat e pero diko alam bigla nalang e diko naman masisisi sarili ko bigla ko lang naramdaman...  "

"Ano ba ben di kita ma gets tapatin mo nga ako iba na yung pakikisama mo sakin alam mo namang hindi ako sanay sa ganto diba? "

"Mahal kita bell higit pa sa bestfriend sorry bell sorry"

...
Nagalit ako kay ben hindi ko ineexpect na sasabihin niya yon sa 4years na naming magkaibigan diko naman naramdaman sa kanya na magkakaroon ng something siya para sakin lumayo yung loob ka sa kanya ngunit itong mga nagdaan na buwan nagbalak na siyang manligaw sakin pero hindi ako pumayag pero siya hindi sumuko.
Hindi ako tinantanan ni ben kapag nakikita niya ko lumalapit siya sakin at humihingi ng sorry minsan tinatadtad niya ko ng text na pumayag nako para manligaw siya kapag umuuwi ako maraming foods akong nadadatnan naawa ako kay ben buwan din bago niya ko sinuyo nang kinausap ko siya..
"Ben pleaseee tantanan mo na ako. naalala mo ba yung broken hearted ako? Yung iniyakan kong lalaki niligawan niya ulit ako e martir na kung martir pero mahal ko siya e sorry ben kami na ulit " ito yung araw na nasaktan ko siya ng sobra at ramdam ko yun.

(Kinabukasan)
Kring, kring, kring, kring - Tawag sa cellphone ko

"Hello"

"Bell mama niya to (umiiyak) kailangan ka namin si ben. (hagulhol)"

"Tita bakit po?  Ano pong nangyari kay ben bakit po kayo umiiyak" iba naramdaman ko ng mga oras nayon nanghina katawan ko at parang walang lumalabas na boses galing sa bibig ko sa sinabi ni tita ang tungkol kay ben

"Patay na si ben"

Diko inaasahan na maririnig ko yon agad akong Dumeretso  sa hospital walang ayos ayos dahil isa lang ang nasa isip ko ang makausap siya at makita kahit alam ko na huli na ang lahat habang naglalakad ako hindi tumitigil ang pagtulo ng luha ko masakit sobra iniwan niya nalang ako bigla.

"Tita asan po si ben? " paiyak kong sinabi

Diko inaasahan na makikita ko siyang nakahiga at nakapikit nalang sobrang nawala ako sa sarili ko humagulhol ako sa hospital at hingi ng hingi ng sorry kay ben sa lahat ng mga kasalanan ko sa kanya
.
"Tita ano pong nangyari kay ben? pano nangyari to? Baket? Bakit nangyari to? " patanong ko kay tita na sunod sunod habang umiiyak

"May sakit sa puso si ben, matagal niyang inilihim ito sayo hindi niya to pinapaalam sayo dahil ayaw niyang mag alala ka"

May inabot sakin si tita na papel at pinabasa niya mula kay ben

“Hi girlFRIEND ko ang ganda ganda mo talaga ang swerte ko naging kaibigan kita ang bait mo pati hahaha alam mo nung unang araw na nakita kita tanda ko payon na sa canteen ka magisa diko alam pero parang may tumutulak sakin na lumapit sayo kaya kinapalan ko na mukha ko ang FC ko panga e haha pero ang swerte ko nagpalagayan agad tayo ng loob. Buo lagi araw ko pag kasama kita unti unti ring nahihulog loob ko sayo 2nd year crush na kita sorry ha? Hindi mo alam kaya nga wala akong girlfriend kasi ikaw yung girlFRIEND ko sinubukan konamang kaibigan lang pero wala e ang lakas ng tama ko haha tiyaka sorry din hindi ko sinabi sayo na may sakit ako ayoko ko kasing mag aalala ka kasi mahal kita e pero sana kahit na umamin ako sayo sana wag lumayo loob mo diko kase kayang mawala ka Mahal na mahal kita huhu kahit na pag namatay ako tandaan mo nasa tabi mo lang ako babantayan ka . I love you girlFRIEND ko hahahaha. " - sulat ni ben para sakin

Lalo akong napaiyak ,natulala at nagsisi sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya hindi ko alam pero kahit sana sa huling araw niya napasaya ko manlang siya... 

Lumipas ang buwan ito ako ngayon magisa at yung lalaking akala kong mamahalin ulit ako niloko lang ulit ako sana kung may time machine lang gusto kong balikan yung mga oras na kasama ko si ben namiss ko na siya yung kadaldalan niya kakulitan lahat namiss ko sa kanya sana bumalik na siya at sana makahanap ako ng kagaya niya...

...
Sa buhay minsan kalang makakakilala na taong totoo sayo at magmamahal sayo maaappreciate mo nalang ang kahalagaan niya kapag wala na siya kaya Mahalin mo yung taong alam mong nandiyan lagi para sayo hindi habang buhay kasama mo siya at May mga pagsubok  talaga na darating sayo pero kailngan mo lang ttagan loob mo. God is always beside you..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time MachineWhere stories live. Discover now