Kasi Gusto Kita

919 9 1
                                    

Salamat sa pagdating mo,
Naramdaman ko muli ang pakiramdam na ganito.
Pakiramdam kung paano kiligin,
Nabuhay muli ang aking damdamin.

Pasensya kana kung sabik akong masyado,
Hindi ko na siguro alam kung paano?
Paano manligaw at paano manuyo,
At alam ko lang pagalingin ang aking puso.

Hindi ako nagmamadaling maging akin ka,
Gusto ko lang sanang agad mong madama.
Madama na totoo at seryoso ako,
Lumalabas na pala akong taong mapresko.

Gusto kong magpakatotoo sa'yo,
Pero napipilitan ko sa mga panunukso.
Ayokong madaliin at mauwi sa wala,
Di ko lang alam ang gagawin, ayaw kitang mawala.

Gusto kong sabihin mo kung may pag-asa ako,
Gusto kong sabihin mong may patutunguhan 'to.
Sobrang takot na kasi akong masaktan,
Ayaw ko ng maulit ang sakit ng nakaraan.

Ayokong maiwan ulit sa ere,
Ayokong umasa sa tao kung lahat naman ay imposible.
Takot na kong umasa sa walang hanggan,
Takot na kong magmahal at bigla lang bibitawan.

Takot na kong magmahal pero bakit,
Nung makita ka bigala na lang akong naakit?
Takot man ako pero wala akong nagawa,
Kasi dahil sa'yo masaya ako at natutuwa.

Bigyan mo naman sana ako ng panahon,
Ipakita kung sino ako at ang nangyari sa aking kahapon.
Gusto ko sanang magpakilala sa'yo,
Kung sino ako para naman maging bagay tayo.

Magpapakilala ako sa'yo sa pamamagitan ng ako,
Sana wag ka mo akong husgahan dahil lang sa mga naririnig mo.
Ang sakit sakit na ang liit ng tingin ko sa sarili ko,
Kasi parang dinidiktahan na ko ng ibang tao.

Pwede bang magpakilala tayo sa isa't-isa,
Yung tayo lang at di nakikinig sa iba?
Gusto kita at yun ay gusto kong patunayan,
Pero ang damdamin ko sa'yo wala na atang patutunguhan.

Seloso ako kasi desprado akong maging akin ka,
Hindi man ngayon pero pangakong maghihintay pa.
Seloso ako oo at talagang desperado na rin,
Mali bang yun ang paraan ko para sabihing mahal kita at sana ako'y mahal mo din.

Pero parang wala na talaga kong pag-asa,
Mali bang magmahal ng sobra sa sandaling oras na nakilala ka?
Pasensya na ito ang nararamdaman ko,
Hindi ka man naniwala pero yun yung totoo.

Paano kita mapapasaya,
Kung pinapatawa kana ng iba?
Paano kita kakausapin at lalapitan,
Kung alam kong meron ka ng ibang kakulitan.

Pasensya na may mas magaling yung iba magpatawa,
Ako lagi na lang pumapangalawa.
Paano ko pa mapapakitang mahalaga ka,
Kung ang oras mo nakabaling sa iba.

Sana wag mo na lang akong isipin,
Lahat ng sinabi ko kalimitan mo na lang din.
Lahat ng yun ituring mo na lang biro lahat,
Kunwari wala na lang isang ako na nakilala mo at nakaharap.

Wag ka ng mag-alala at wag mo na kong alalahanin,
Pasensya na talaga pangako di na kita guguluhin.
Pasensya na masyado na pala kitang nabibigla, 
Isipin mo na lang hindi tayo nagkita.

Nasasaktan ako kasi bakit mahal kita agad?
Eh ano pang ibibigay ko sayo inubos ko ng sagad.
Inubos ko na sa taong dati kong minahal,
Baka nga wala kong kaya pang ibigay sa'yo mahal.

Kunwari panaginip na lang lahat ng ito,
Pag gising mo panagingip lang ako.
Salamat sa sandaling nakasama kita,
Naramdaman ko ulit kung paano magmahal ng sobra

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon