CHAPTER 29

1.7K 65 3
                                    

"W-wag kang bibitaw"

"L-luke"

"Bitawan mo na siya!"

"Luke wag mo na siyang iligtas! Dapat na siyang mamatay!"

Hindi pinakinggan ni Luke sina Tyler. Hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Pinag patuloy nina Tyler ang pagsisipa sa likod ni Luke. Nakikita kong nahihirapan na si Luke. "Itigil niyo yan!", dumating sina kuya at lumapit agad sila kina Xylem.

Sinuntok ni kuya sa mukha si Xylem at si Tyler. Tinulungan naman nina Crade at ni Axel si Luke na iangat ako. "Ayos ka lang Claire?", tumango nalang ako bilang sagot. Agad akong nataranta ng biglang napa luhod sa sahig si Luke. "Luke!"

"Luke ayos ka lang? Kaya mo bang tumayo?"

"Wag niyo akong alalahanin. Protektahan niyo si Claire"

Tinignan nila sina Tyler. Naka-ngisi lang silang dalawa sa amin. Nasa harap ko si kuya at si Kyle. Si Crade naman naka-alalay sa tabi ni Luke. Si Axel naman nasa gilid ko habang naka harang ang kamay niya sa harap ko. Tumawa ng malakas sina Tyler. "Wow magic. Kita mo nga naman, kumpleto na kumpleto ah. Nice naman, hindi ba Xylem"

"Tama ka"

Sinugod ni kuya silang dalawa. Pero mabilis silang umiwas sa suntok ni kuya. Sumunod naman na sumugod si Kyle at Axel pero niisa hindi nila natamaan ang dalawa.

"Ang weak niyo naman"

Susugod sana ulit sina kuya kay Xylem ng biglang tinapat ni Tyler ang kamay nila sa kanila. Alam ko na ang gagawin niya. Gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan kina kuya!

Humarap naman sa kanya si Kyle. "Kahit na mas malakas ka na kaysa sa akin, tatapatin ko parin ang kapangyarihan mo!"

"Huh? Hahaha nakakaawa ka naman. Gusto mo ma i-try? Gusto mo bang umulit? Fine"

"Ahhh!"

"Kyle!", hindi nakayanan ni Kyle ang kapangyarihan ni Tyler kaya sumakit ang kanyang katawan. Napaluhod siya sa harap ni Tyler. Naluluha na siya sa sobrang sakit. Nag-aalala na ako sa kanila. Ano ng gagawin ko? Hindi ako pwedeng tumayo lang dito at panoorin lang sila.

Lalapit sana ako kay Kyle ng biglang may humarang na kamay sa harap ko, si Crade. "Kahit na anong mangyari sa kanila. Wag kang kikilos. Hindi mo alam kung tama ba o mali ba ang gagawin mo. Hindi sa oras lagi kang ligtas. Tandaan mo, ikaw ang target nila", hindi na ako nag-salita pa. Tama si Crade. Paano nalang kung mali pala ang nagawa ko? Siguro napahamak na sina kuya. Pero paano? Poprotektahan ko ba sila o hindi? Jusko ayoko silang masaktan ng dahil lang sa akin. Ayoko ng umasa pa sa kanila. Ayoko na! Sawa na ako!

Gawin mo ang gusto mo~ Wag kang makinig sa sinasabi ng iba~

May lalaking bumulong sa akin. Gusto niyang gawin ko ang gusto ko. Pero ano ba talaga ang gagawin ko? Ililigtas ko ba sila o hindi? "Itigil mo yan Tyler!"

"Wag kayong mag-alala, pagkatapos niya kayo na ang susunod! Hahahaha!"

"Ahhh!!"

"Tama na!", hindi ko na matiis ang kasamaan nilang dalawa!

Inalis ko ang kamay ni Crade sa harap ko. Sinipa ko sa paa si Tyler kaya naitigil niya ang kanyang ginagawa. "Ahh!"

"Asshole!"

"Ahh!", hinawakan ni Tyler ang buhok ko at may tinapat siya na matulis na bagay sa binti ko. Mabilis niyang hiniwa ang aking binti kaya napa luhod ako. Dahil sa sobrang sakit, hindi ko mapigilan na maiyak. "Claire! Hayop ka Tyler!", sinugod ni kuya si Tyler pero sinipa ito ni Xylem palayo. "Lucas!", nilapitan ni Axel at ni Kyle si kuya Lucas.

Devihell School (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon