Pinagtago pero HINDI tinadhana

48 5 0
                                    

Bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ako si Ana Tan 18 years old. Maganda, hindi ganon kasexy, mabait, matalino. Madami na akong naging ex bf pero still virgin. Ako yung nang-iiwan, takot kasi akong matulad sa mama ko. Nakita ko kasi kung pano sinasaktan ng daddy ko ang mama ko. Pero sa puntong ito ako ang iniwan. Siguro nga tama sila. Lahat ng ginagawa mong di maganda sa kapwa mo makakarma ka. SIYA NA NGA ANG KARMA KO.

Di talaga ako makapaniwala, Ako si Ana, iniwan ng walang paalam, Masakit sobrang sakit, hanggang ngayon sariwa pa  rin ang sakit na iniwan niya sakin. Oo madali lang naman siyang palitan kaso nga lang iba kasi siya. Hindi siya alien ha. Hindi siya gwapo at hindi din mayaman. Kung physical Appearance lang din naman ang pag-uusapan bagsak na po siya. Pero siya yung lalaking may respeto sa babae, mabait, masipag, matino at walang bisyo.Schoolmate ko siya. Siya si John Lee. 

Nagkakilala kami dahil parehas kaming player ng chess. Bukod sa chess player din siya ng basketball. Hiningi niya number ko at doon nagsimula lahat. Araw-araw kaming nagttxt at chat, kahit araw-araw nag-uusap kami sa school. Niligawan niya ako ng ilang buwan at sinagot ko din siya agad.January 10, 2017 naging kami. Pinakilala niya ako sa family niya at siya ang unang lalaking pinakilala ko sa family ko. 

Madami na akong naging bf pero siya lang ang sineryoso ko. tulad ng sabi ko iba siya pero hindi siya alien. Araw araw kaming nag-uusap mapatext, call or chat. Kapag nasa school kami hindi kami mapaghiwalay. Sabay kami napasok, kumain at umuwi. Wala pa kami isang buwang magkasintahan lagi kami nag-aaway. Maniwala man kayo o hindi halos ako lagi ang sumusuyo sa kanya. Parang siy ang babae at ako ang lalaki. Isa sa madalas naming pag-awayan ay ang estado ng buhay namin.. Lagi niyang sinasabi na hindi kami bagay sapagkat ako ay maganda, mayaman at siya naman daw ay panget at mahirap lang.

Dumating kami sa point na naghiwalay kami. Pero nagkabalikan din kami after one day. Mahal na mahal namin ang isatisa, oo halos araw-araw kami nag-aawaypero hindi kami natutulog hanggang hindi kami nagkakaayos. 

Sumapit na ang first monthsary namin. Sumakto ito sa Acquitance party sa school namin. Napakasaya ko sa first monthsary namin. Sumayaw kami ng derederetso halos isang oras sa gitna, at ramdam ko talaga na espescial ako sa kanya. Gumawa siya ng effort na hindi ko inaasahan. Pumunta siyang stagge at kumanta, nilapitan niya ako at hiningi ang aking kama. Feeling prinsesa ako sa mga oras na yon. Natapos ang party na napakasaya. Hinatid niya ako sa bahay kahit 12 midnight na. Hindi sia nag-alinlangan kahit wala ng masakyan pauwi. Nag-aalala ako kasi 30minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagttext o chat kung nakauwi na siya. Nagulat ako nong tumawwag siya sabi niya "Hello love,kakauwi ko lang po, naglakad lang po ako pauwi. Wala na pong jeep" Nag-away na nmn kami dito. Sabi niya dapat pinatulog ko nalang daw siya kahit sasahig o sala namin. Hindi niya alam nakinausap at iniyakan  ko si mama na patulungin siya sa sala. Pero walang nagawa ang mga luha ko. 

Nagulat, nainis sa sarili, naguilty at napaiyak ako nong sinabi niyang

 " Love, naholdap ako kinuha po yung pera ko at pinagtripan ako ng mga lalaking nakasalubong ko kanina."(nanginginig na boses)

Kinabukasa nalaman ito ng parents niya. Nagalit sila lahat sakin. Pero nagpaliwanag ako at napatawad din naman nila ako. Hindi nila kayang magalit ng matagal saakin, kasi kita naman nila namahal namahal ko si John at mahal na mahal din niya ako. Halos araw-araw talaga may mga bagay kaming pinag-aawayan. Pero naaayos naman agad. Mas tummitibay ang relasyon namin. Sabi ng mga classmate ko maganda daw talaga ang pag-aaway sa isang relasyon dahil nagtatagal ito. Kami ang patunay dyan. 

Dumating kami sa point na iyak kami ng iyak yung gustong-gusto na namin sumuko kasi halos lahat ng nasa paligid namin ayaw sa relasyon namin. 

"bkit siya pa napili pa?"     "sayang ganda kung ganyan bf"     "panget naman nian"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PINAGTAGPO PERO HINDI TINADHANAWhere stories live. Discover now