PITF Chapter 11

6 1 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng mga katagang binitiwan ni Travis. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya pero ako, alam kong nahuhulog na ako. I gave him a favor, I changed my physical appearance mas bagay raw sa akin sabi nila kaya hindi ko pinagsisisihan anuman ang motibo ni Travis sa hiling niya. Mababaw na bagay lang naman ito at hindi na dapat kwestuyunin pa. Bakit nga ba pakiramdam ko ngayon ay kaya kong sumugal, makasama lang siya? I mean, okay lang kahit hindi niya ako gusto basta maramdaman ko lang itong pinaparamdam niya sa akin. Kasi once na naramdaman mo na yung insekto sa sikmura mo at pagbilis ng tibok ng puso mo, lagi mo nang gugustuhin.

Pinag-iisipan ko pa kung tatapusin ko na yung punishment. Paano kung bigla niya akong iwan diba? Anong panghahawakan ko? Bakit ba ganito shit!

Tamad akong bumangon sa kama at kinuha ang phone ko. I am new to this weird, satisfying feeling kaya kailangan kong siguraduhin kahit papaano. Kinuha ko ang phone ko at nagsearch.

Ano bang kabaliwan ito, Aeryn?

"Signs that you are falling inlove. "

Confused? Don't worry! Here are the common signs that you are falling inlove! Ready?

1. You always think about him/her.
2. Your heart beats fast whenever you see him/her.
3. You want to be with him/her
4. You blink your eyes many times when he/she is around.
5. The world stops for a while whenever you see him/her.

Daaaamn? I just completed the list?

Ginulo ko ang buhok ko at dumiretso ng CR. Wala akong Casey na nadatnan sa baba so I checked my phone.

Wala ring text at calls mula sa kaniya o kahit kanino. Hinayaan ko na lang. Bahala sila dyan!
I looked at the mirror. Hindi naman gaano nagbago itsura ko pero may nagbago.

I did my daily routine pero ang kinaibahan, I am wearing my lenses now. Bumaba ako habang nagsusuklay at umurong lahat ng dugo ko nang makita ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng sasakyan. Buhol-buhol na ata organs ko nang makita siya at sobra-sobrang naaattract ako sa magulo niyang buhok at mga matang diretsong nakatingin sa akin. Eto na naman, ang bilis ng tibok ng puso ko to the point na hindi na ata ako makahinga! Is this even possible?

"W-what are you doing here? " sabi ko

"Huh? Sabay tayo papasok. " nakakunot noo niyang sagot. Shit. Apat na salita lang nagwawala na sistema ko jusko! Sabay lang papasok bruha ka!

"S-si Troye? " tanong ko

"Sumabay muna kay Casey. I told your friend ako na kasabay mong pumasok at.... " nagtaas ako ng kilay dahil sa pagtigil niya.

"At? "

"Sa pag-uwi. " seryoso niyang sagot sabay hawi ng kaniyang buhok. Okay he's so damn breathtaking hot.

Kumunot ang noo ko.

"Oh? Ayaw mo? " he smirked.

Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin sa mokong na ito. Sumakay na ako sa front seat at pinanatiling bukas ang bintana. Nilabas ko ang aking kamay at dinama ang sariwang hangin habang papalabas kami ng vill. Pero nagulat ako nang sumigaw siya.

"Close that fucking window! " aniya

"Bakit? " nakataas kilay kong tanong

"Damn! Pag ikaw naputulan ng kamay sinasabi ko saiyo. " bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagddrive, hindi nagsasalita.

"Sorry na. " pero hindi niya ako pinansin. Nakasanayan ko na kasi iyon.

"Sorry na Travis. Gusto ko lang naman ng sariwang hangin. " ngunit hindi siya nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita dahil baka masigawan niya ako.

Past In The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon