Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------------------------------------------------
DEMONISE BLACK POINT OF VIEW
Halos kapusin na ako ng hininga kakatakbo Palayo sa mga mamatay tao na kanina pa ako hinahabol. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga.
'Siguro naman ay nakalayo na ako sakanila!'
*beep beep* Nabaling naman ang atensyon ko sa cellphone ko ng tumunog at lumiwanag ito,kinuha ko ito at binasa
From: BessDaisy BES! WHERE THE HECK ARE YOU!!!? WHERE SO FUCKING SICK WORRIED ABOUT YOU!! -------; To: BessDaisy Im in the place where anyone can't find me, and thank you for still worrying about me =)
Sent.
I am sorry Daisy..
*crack* Bigla naman ako naging alerto at agad na nagtago sa puno ng balete ng makarinig ako ng kaluskos malapit sa lugar kung saan ako nagpahinga
"Wala sya rito,tara na." Rinig kong sabi ng isang lalaki at pagkatapos nun ay nakarinig na lang ako ng hakbang napapalayo mula sa pinagtataguan ko
Nakahinga naman ako ng maluwak ng tuluyan na silang umalis,Muntikan na ako dun ah.mabuti nalang at naging ma agap ako kahit papaano
aalis na sana ako sa pagtatago sa malaking puno ng balete ng may biglang humila sakin pabalik sa pinagtataguan ko at tinakpan nito ang bibig ko
"Wag kang maingay,bumalik sila" magtatangka pa sana akong tanggalin ang kamay nya nang matanaw ko sa di kalayuan ang dalawang lalaki na kanina lang ay dumaan dito ,at mukhang nagmamadali ito base na rin sa ikinikilos nila.
"Bilisan natin at baka maabutan tayo ng S.R.D!!!" Halata sa boses nito ang takot at kaba habang binibigkas ang mga katagang iyon.
Pag-alis ng dalawang lalaki ay sya namang pagdating ng mga grupo nang kalalakihan na naka-black shorts at itim na sando may maskara ito na kulay asul.
Nang masigurado kong wala ng panganip ay agad Kong inalis ang kamay nitong kapre na to na kanina pa nakatakip sa bibig ko
"Why are you here ." halos kilabutan Naman ako pagkarinig ko sa boses nya S-sh*t! ang Lamig ng boses nya!!!
"Answer me." Mahina nyang sabi pero may awtoridad
"s-sa fre-freteyd d-d-district " Kinakabahan kong sabi na halos hindi ko na alam kung tama pa ba ang sagot ko. Teka nga lang!! Bat nga ba ako kinakabahan sa lalaking ito!!! Na wala pa ngang ginagawang masama ay kinatatakutan ko na.
"Alam mo bang delikadong pumasok dito? Alam mo bang, dahil sa pag tahak mo sa lugar na ito ay inilagay mo ang sarili mo sa kapahamakan ??"
Napakunot noo naman ako dahil sa hindi ko maintindihan ang gusto nyang iparating sakin habang titig na titig ako sa maskarang suot nya na kulay itim
'lahat ba dito ng tao ay nagsusuot ng maskara?'
"Ngayon lamang kita nakita dito,ibig sabihin ay hindi ka talaga taga rito, paanong napunta dito ang isang mangmang na katulad mo?" Sabi nito na nagpainsulto sakin. 'Hindi ako mangmang' sigaw ng isip ko
"Dahil sa hindi kana rin lang naman makaka-alis sa empyernong ito ay kailangan mong sumama saakin" walang tanong-tanong ay agad ko itong sinundan, dahil na rin sa takot na baka bumalik pa ang mga Kalalakihan na nakasuot ng maskarang asul at pula
"Anong ibig mong sabihin?na dito na ako mamamatay?! "
"Maaaring oo kung hahayaan mo lang sila na patayin ka at maaaring hindi kung lalaban ka"
"S-so tama pala ang sabi-sabi tungkol sa lugar na ito?"
"Exactly. As i've said, you enter a wrong place."
Nahinto naman ako sa kinatatayuan ko habang patuloy paring nag pro- progress sa utak ko ang mga sinabi nya ,isa lang ang ibig sabihin nito,at yun ay maka-ligtas, napatingin ako sa napakalaking lumang gusali na nasa harapan ko.
Naramdaman kong tumingin sya sakin kaya napatingin rin ako sakanya. Nakita kong ngumisi ito sa pamamagitan ng pag-taas ng kabilang banda ng maskara