Halos tatlong taon na ang nakakalipas nang makilala ko sa isang simbahan ang isang babaeng minahal ko nang husto. Nang mga panahong iyon lagi ako pumupunta sa simbahan sa lugar namin. Tahimik at payapa sa loob niyon, kaya napapadalas ang punta ko roon dahil doon lang ako nakakapag-isip ng malinaw tungkol sa maraming problemang kinakaharap ko noon.
Isang araw , napansin ko ang isang babae roon na parang may dinaramdam.Hindi ko siya agad nilapitan. Inakala kong meron siyang kasama, pero nalaman kong kami lang palang dalawa ang tao doon sa loob. Lumuhod ako sa kanang bahagi ng simbahan kung saan ko siya natatanaw. Nakita ko siyang umiiyak .Hindi ko mapigilan ang aking sarili , bigla ko syang nilapitan at inabot ko sa kanya ang aking panyo .Tinanggap naman niya iyon at ipinagpahid sa mga luha niya .
Nang mahimasmasan ay nakipagkilala ako sa kanya.
" Nika ," pagpakilala niya sa akin. Bahagya siyang ngumiti habang nakikipagkamay. Itinanong ko sa kanya kung meron ba akong maitutulong sa kanya, pero sinabi niyang wala. Mayamaya ay nag paalam na sya .
Hindi ko maipaliwanag ang aking sarili, naramdaman kong magaan ang loob ko sa kanya. Hindi pa kasi ako nakakaranas ng ganu'ng pakiramdam nu'n lang. Bumalik ako sa aking pag darasal at tinanong sa diyos kung sya na ba ang babae sa buhay ko. Humingi ako nang palatandaan na kung sya yung babaeng iyon na makakapagdala ng blue rose ay siya na ang magiging kasagutan sa tanong ko.
Kinabukasan ay bumalik ako ulit sa simbahan , pero wala siya roon. Inisip ko, baka hindi talaga para sa akin si Nika. Four days later , hindi ko parin sya nakita. Hindi na ako umasa pang darating sya ulit. Pero sa ika-limang arAw, dumating si Nika . Tiningnan ko kung may dala siyang blue rose , hindi ko kaagad napansin kaya nawalan ako ng pag-asa .Pero nung palapit na sya sa akin ay nakita ko na meron nga siyang dala. Inilagay niya ang mga bulaklak sa paanan ni Virgin Mary. Unti unting tumulo ang aking luha.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kaya bago pa siya makaalis ay lumapit na ako sa kanya. Kinamusta ko kaagad at tinanung kung okey na siya. Niyaya ko siyang mag kape , akala ko tatanggihan niya ako pero pumayag naman siya. Doon sa coffee shop , nag kwentuhan kami tungkol sa karanasan namin sa buhay. Parang matagal na kaming magkakilala.
Hindi man Lang kami na ilang sa isat isa. Nag palitan kami nang cellphone number. Sinabihan ko siya Na kung meron siyang kailangan ay tawagan lang niya ako kaagad. At nag kahiwalay kami ng masaya. Lalung lalo na ako.
Pagkatapus nang pag tatagpung iyon, lagi na kaming nag kikita ni Nika. Lagi ko siyang niyayang kumain sa labas , mag kape , mamasyal o manood ng sine. Halos gabi gabi rin kaming mag kausap sa telepono. Dumating sa puntong naging malapit ko siyang kaibigan.
Nag lalabasan kami nang sari sariling problema. Siya lang ang nag papagaan sa mga problemang dinaramdam ko.
Inumpisahan ko ang panliligaw sa kanya pero Hindi niya naman ako tinanggihan. Dalawang buwan ko siyang niligawan . Sinagot niya ako pag katapus naming mag simba.
Naging masaya ang aming pag sasama. Paminsan minsan nag tatalo rin kami sa maliliit sa na bagay pero na aayos naman namin kaagad.
Pero sa hindi inaasahang pag kakataon nasira ang lahat.
Na-diagnose siyang may sakit na Leukemia. Matagal na pala siyang may sakit . At huli na ang lahat. Malala na pala siya. Hindi man lang niya sinabi sakin ang tunay niyang kalagayan
.Sa katunayan ako pa ang huling nakaalam na may sakit siya. Halos gumuho ang mundo ko nang malaman ko yun. Halos umaabsent ako sa pag aaral para lang mabantayan ko lang siya.
Makalipas ang dalawang linggo ay nagdesisyon siya na lumabas na nang hospital. Sinundo ko sya sa ospital. Nag presinta ako sa mga magulang niya na ako nalang ang susundo sa kanya. Hiniling niya na huwag ko muna siyang ihatid sa bahay nila , gusto pa niyang mag joyride pa kami. Kahit daw sa huling pagkakataon ay maranasan daw niya iyon. Napaiyak ako pero sabi niya sakin huwag daw akong malungkot. Tanggap na rin nyang mawawala siya sa mundong ito. Kung saan saan ko siya pinasyal.
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti. Parang Hindi ko matanggap sa sarili ko na kahit anong oras ay pwedi na siyang kunin sa akin.
Noong mga oras na iyon, ay iniisip ko na bakit pa niyang pagdaan ang lahat ng bagay na iyon. Na bakit siya pa na maraming masasamang tao sa paligid ? Iniisip ko na sana ay hindi ko nalang siya nakilala. Pero hindi ko pinakita ang tunay kung nararamdaman .
Makalipas nang dalawang araw ay isinugod nanaman siya sa hospital. Umabot pa siya ng dalawang buwan , Malakas daw kasi ang loob niya sabi nang doktor. Nilalabanan niya ang sakit niya at pinipilit pa niyang mabuhay. Pero hanggang doon nalang talaga siya .
Dumating ang kinakatakutan kung araw, ang kanyang pag kaalis . Nasaksihan ko kung paano siya na wala, habang sina sabi niyang mahal na mahal niya ako.
Nagalit ako sa sarili ko. Wala man lang akong nagawa. Ngunit , unti unti ko ring natatanggap ang kanyang pag kawala sa paglipas ng panahon.
Kahit wala na siya , Hindi ibig sabihin nakalimutan ko na siya .Mahirap makalimutan ang isang tulad niya .Iisipin ko nalang ang mga magagandang alala ko sa kanya .Alam ko na masaya na siya ngayon saan man siya naroon.
* The End *
-by : rhienald_16
---
Ops ! eheheh meron nanaman akong bagu ! at sana magustuhan niyo tong bago kong kwento . hmmp.
Guis pLease vote and leave your comment . ThankYou a Lot fRiends ;))
muAah ;-*
BINABASA MO ANG
Hello Love, GoodBye Love
Teen Fictionits a short story but its a nice and sad story . and I hope you'll like it.