Pwede bang manatili ka muna?
Kahit sandali, kahit saglit lang.
Dito ka muna sa aking tabi, tabihan mo ko kahit hanggang matapos lang ang gabi.Pwede bang ihiga ko ang aking ulo sa balikat mo sa huling beses, sa huling pagkakataon?
Pwede bang dito muna tayo, dito ka muna, dito ka lang sana?
Kantahan mo ako at kakantahan din kita, yung awit na may mga lirikong "di ko sadyang ibigin ka, di ko sadyang isipin ka, di ko sadya na ang pintig ng puso ko ay ikaw."Pwede bang mahawakan ko pa sa huling pagkakataon ang iyong mga kamay,
bago ka magpaalam at papalayong kumaway?Maari ba yun? maari bang sabay nating panoorin ang pagkislap ng mga bituin sa huling pagkakataon, sa huling pagkakaton na kikislap sila sa aking paningin dahil bukas kapag wala kana wala na rin silang kinang na makikita ko pa, wala na, wala kana.
At sa pagsikat ng araw at siya namang paglubog ng buwan o iyong paglisan, magsisimula na ang araw na dapat akong masanay na ako na lang mag-isa, wala na yung taong dahilan ng aking pagiging masaya, dahilan ng aking pagtawa, dahilan kung bakit ako maligaya.
Masakit mang isiping bibitawan mo na ako kasama ng mga pinangako mo tuloy parin ang mundo sa pag-ikot nito at sana sa susunod na mapadaan muli sa'yo, ang laman ng puso ko'y siya na rin laman ng puso mo.

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan