Nasaan pa ba ko?
May lugar pa ba diyan sa puso mo?
Aasa pa ba ako?
Baka naman hanggang dito na lang 'to?Tutuloy pa ba tayo at susugal,
Bibilisan na ba at 'di na rin naman tatagal?
Kung alam mong talo na ako,
Pwede bang 'wag mo ng isekreto.Wag mo nang patagalin,
Kung aalis kana pwede mo namang sabihin.
Hindi yung ipaparamdam mong marami ng nagbago,
Tapos baka bigla kana lamang tatakbo.Unahin mo naman ako kesa sa iba,
Iparamdam mo na hanggang ngayon ay ako pa.
Ako naman muna kasi ako yung mahal mo,
Depende na lang kung hindi na ko.Nabigla ka lang ba na mahalin ako?
Nagkamali lang ba ang puso mo sa tibok nito.
Masyado ka lang bang nagmadali,
Kaya ang tayo isa lang pagkakamali?Nakakasakit kana ng damdamin,
Hindi mo pa kasi ako diretsuhin.
Tayo pa ba o tuluyan mo ng wawasakin?
Ang kastilyo ng pag-ibig na minsan ay naging sa'atin?

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesiaFilipino poetry at pinaghuhugutan