♚ GAME 4 ♛
Ysabel's POV
"Queen ang tagal niya naman magising. Dun muna kami sa kwarto namin." -JC
"Oo nga Queen. Inantok kami dun sa Arena eh." -Ryo
"Edi matulog kayo sa kwarto niyo. May sinabi ba si Queen na wag kayo matulog?" -Josh
Luh problema netong isang to? Siya ba kausap? Siya ba ang Queen? -_-
"King di kami nainform na ikaw na pala si Queen." -Chris
"Inamo Chris. Magsiakyat na nga kayo sa mga kwarto niyo!" -Josh
"Calm yo tits King. Baka magkanda sira sira na naman tong headquarters natin hahahaha!" -JC
"Ewan ko sainyo. Umalis na nga kayo kung aalis kayo!" -Josh
"Bat di ka sumama sakanila Josh? Ang kelangan ko lang naman dito ay ang Head Pawns at sila Ceslinde."
"Boom basag! Hahahahaha!" -Ryo
"Godplay si Queen hahahaha basag ka tuloy King!" -Chris
"Hahahaha alam ko kung bakit ayaw umalis ni King!" -JC
"Ako din pfft." -Aerelle
"Wawa naman si King." -Ashley
"Manahimik kayo diyan kung ayaw niyong sirain ko tong headquarters!" -Josh
"Manahimik ka din diyan kung ayaw mo mamilipit sa sakit."
Tiningnan ko si Josh at nag iwas siya ng tingin. Ang iingay kasi nila! Kita ng ayoko ng maingay kasi may malalim ako na iniisip ako dito.
"At kayo, umakyat na kayo kung aakyat kayo sa mga kwarto niyo."
"Sige Queen." -Ryo
"Sibat na kami." -Chris
"Maya na lang Queen." -JC
Umakyat na yung tatlong ugok sa kanya kanya nilang kwarto at nilingon ko naman si Josh na tahimik lang sa isang gilid at nakatingin sa bintana. Di ko naman gustong sungitan siya. Sadyang naiirita lang ako pag di niya ako sinusunod. Kahit naman sino maiirita pag di sinunod diba? Ah I forgot to introduce myself. I'm Ysabel Alistair Fawn. The Queen of Black Piece Regime and my forta is pain infliction. Sa oras na tumingin ako sa mata ng isang tao, makakaramdam ito ng sakit to the point na mapapaluhod o mapapapilipit sila sa sakit na dulot ko. Noong bata pa ako, wala akong control sa kapangyarihan ko. Kaya madalas ako layuan ng mga kalaro at kaklase ko. Dumating sa punto na wala na akong kalaro at wala na kong kaibigan. Di ko naman sila gustong saktan. Kahit kelan di ko gusto manakit ng tao pwera na lang kung sasaktan din nila ako. Napilitan din ako ihome school nila mommy dahil sa forta ko. Alam nila mommy ang tungkol sa forta ko kasi tulad ko ay di rin sila ordinaryong tao. But I have everything in life. Napunta pa ko sa maganda at masayang pamilya at lahat na gusto ko ay nakukuha ko. Pero kelanman ay di ko nagustuhan ang forta ko. Dahil sa forta ko ay tinawag akong mangkukulam, halimaw, impakta, demonyo at marami pang iba. Masakit na matawag na ganun pero totoo naman kasi. Halimaw... oo. Nakapatay na ako noon dahil sa forta ko. Nawalan ako ng kontrol sa kapangyarihan ko na kahit sila mommy at daddy ay natakot saakin. Pero may isang tao na di ako nilayuan at sinukuan. Siya lang ang naging kaibigan ko simula nung halos layuan na ako ng mga tao sa paligid ko. Si Josh Daniel Reid. Ang King ng Black Piece Regime.
BINABASA MO ANG
Ludus Academy (ON-HOLD)
FantasyIt's not your ordinary place of learning. There's something concealed within the extensive grounds of Ludus. What is it? We don't know. No one knows. Who's behind it? Still a mystery. A mystery that is yet to be found. The only academy that bear...